8

677 25 1
                                    

I looked at her and she still seems nervous. Baka kinakabahan pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Buti na lang talaga dumating ako dahil kung hindi baka kung ano nang nagawa nung gagong Mark na yun sa kanya. I held her hand and I guided her to sit down on the sand kung saan kami nakaupo kanina. Medyo mahina na yung apoy nung bonfire kaya dinagdagan ko ng kahoy para medyo lumiwanag pa ng kaunte. Pinagmamasdan ko siya habang tahimik lang siya na nakaupo at nakatitig sa apoy. Napansin kong patuloy niyang hinahaplos yung braso niya. Siguro nilalamig na siya. Lumapit ako at inakbayan siya saka ko dahan dahang hinaplos ang braso niya. Maya maya pa ay bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Sorry Lisa, muntik ka pang mapaaway dahil sakin" humihikbi niyang sabi.


"Wala kang kasalanan Jen. Hindi mo kasalanang gago yung Mark na yun, okay? Kaya tahan na"

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin ng mahigpit. Her face was buried on my neck at ramdam na ramdam ko yung init ng paghinga niya habang patuloy siyang umiiyak. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya. I was caught off guard but I found myself slowly hugging her back. Baka natrauma siya sa nangyari kaya I pat her back hanggang sa kumalma siya. Nung kumalma na siya ay bumitiw na siya sa pagkakayakap sakin. Naisip ko lang na ngayong kalmado na siya baka pwede na kong magtanong sa kanya.

"Bakit ba andito ka pa sa labas? Ba't di ka sumabay kina Chaeng pumasok sa loob?"

She lift her head up and she looked at me.

"Coz I am waiting for you"

"Nag aalala kasi ako sayo dahil antagal mong bumalik. Baka kung ano nang nangyari sayo" dagdag niya pa bago muling yumuko.

Nakaramdam ako ng pagka guilty. Sobrang bait ni Jen sakin at sobrang concern. Dahil sakin muntik pa siyang mapahamak. Kung may nangyari sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"I'm sorry" mahinang sabi ko.

Nilingon niya ko at kita ko yung pag aalala sa mukha niya.

"Ano bang nangyari? Bakit bigla ka na lang nawala tas di ka na bumalik?"

I stared at her. Should I tell her? Ayoko na muna sanang pag usapan pero dahil muntik na siyang mapahamak dahil sakin, I guess it's just fair if I tell her.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Nag away na naman kami" sabi ko habang nakatingin sa apoy dahil ayokong makita niya na nasasaktan ako.

"Dahil sa pagsama mo dito?"

I nodded my head.

I can see on  my peripheral sight that she's looking at me right now. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil alam kong any minute now pwedeng bumagsak yung mga luhang namumuo sa mga mata ko.

I heard her heave a deep sigh then bigla ko na lang naramdaman ko yung paghila niya sa ulo ko para ilagay yun sa balikat niya. Habang siya nakatingin lang sa apoy sa harapan namin.


"Let it out Lis. Hindi ako titingin"

With those words nag breakdown na ko. I cried my heart out na parang bata. Ibinuhos ko na yung lahat ng sakit, pagod, puyat, lahat na nang negatibong emosyon na tinatago ko sa loob ko nang matagal nang panahon sa iyak na yun para isahan na lang. Ayoko kasing umiiyak kaya lang di ko na kaya eh. Ang bigat bigat na kasi. Habang umiiyak ako ramdam ko yung pagsikip ng dibdib ko. Kagat kagat ko yung ibabang labi ko para pigilan yung paghikbi ko but I failed. I sobbed hard on her shoulder but I never heard her say anything. Hinayaan niya lang ako.

T O R NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon