44

501 19 12
                                    

Hi, everyone! 

Nag-aabang kayo kaya, nagbabalik ako. Sorry naman, nasa rainbow lang. Anyways, here's Club Red Aldrei saying hi. Hope all is well and everyone's safe. 

Happy reading! 

-- VA

--- ;) ---

SUMIGAW ang lalaking may hawak kay Ruth. Mga salitang hindi na naman niya naintindihan. Sabay sabay na tumigil ang mga nagsasagupaan, lumipat sa kanila lahat ng tingin. Narinig niya ang pagtawa ng bampirang may hawak sa kanya.

"It's been long, my friend," ang sinabi nito at humalakhak. Kitang kita ni Ruth na parang nag-apoy sa galit ang asul na mga mata ni Aldrei. Nagtagis ang mga bagang nito, kuyom na kuyom ang palad. Base sa damdamin sa mga mata, susugod si Aldrei sa kanila—na hindi na nito itinuloy nang magsalita na naman ang nang hostage sa kanya. Wala na naman siyang naintindihan. Hula ni Ruth, sinabi ng hayop na tatapusin siya. Lumipat kasi ang patalim na hawak nito sa tapat ng kanyang puso.

Nanghina ang pakiramdam ni Ruth nang bumaba sa kanya ang titig ni Aldrei. Marahan itong ngumiti na para bang sinasabing ayos lang ang lahat, na huwag siyang matakot.

 "It's alright, Ruth. Don't be scared, love. It'll be over soon." 

Lalong napaiyak si Ruth. Napuno ng takot ang puso niya nang mapansin ang ritmo ng paghinga nito. 

Ang sumpa sa puso...

Ang pag-ibig na kahulugan ng kahinaan para sa Feeder.

Aldrei...

Nagsunod-sunod ang luha ni Ruth nang makita niya ang marahang pagluhod ni Aldrei, binitiwan ang dagger. Kitang-kita niya ang hindi na pantay na paghinga nito.

Naging bangungot na para kay Ruth ang mga sumunod na eksena. Sabay sabay na sinugod ng tatlong nakaitim si Aldrei—sipa, suntok, tulak at hagis sa mga unang minuto. Nagtatawanan pa ang mga ito sa pagitan ng pag-atake. Gustong hilingin ni Ruth na tumigil na lang ang paghinga niya nang gumamit na ng patalim ang mga hayop. Sunod sunod na hiwa at saksak ang tinanggap ni Aldrei sa iba't ibang bahagi ng katawan. Pakiramdam ni Ruth, tumatagos rin sa kanya ang bawat sugat. Hinang hina na siya sa halo-halong emosyon. Nabubulagan na rin siya ng luha nang bumagsak na si Aldrei at hindi na bumangon.

"Aldrei!" hiyaw ni Ruth, paos, puno ng sakit. "Aldrei!" nagpilit siyang pumiglas na wala na ring lakas. Hindi na pinansin ni Ruth ang paggalaw ng kamay ng hayop na bampira. Pumikit na lang siya at hinintay ang pagbaon ng patalim sa puso niya.

"Quivira!" marahas na ungol ng nang-hostage sa kanya. Parang galit. Ramdam niyang mas humigpit ang hawak sa kanya bago siya malakas na itinulak. Pagmulat ni Ruth, tinatawid na uli nito ang pagitan nila. Alam na niya ang gagawin ng hayop, ibabaon sa puso niya ang patalim. Sa huling pagkakataon, gusto niyang makita ng mukha ng halimaw—napasinghap si Ruth. Nakababa na ang hood ng lalaki at nakaharap ito sa maliwanag na ilaw galing sa porch.

Ang bampirang may hawak sa kanya ay ang bampirang sumira ng pamilya nila! Ang bampirang pumatay sa 'kapatid' na binanggit ni Aldrei.

"Hayup!" sigaw ni Ruth. Hinang-hina man, nagpilit siyang gumapang palayo. Paisa isa ang hakbang ng bampira, mapanganib ang ngisi. "Hayup! Hayup ka!"

Bigla ay nasa harap na niya ito, itinaas ang dagger para sa marahas na saksak sa puso niya—walang umabot na patalim sa katawan ni Ruth. Tumilapon ng isang hakbang palayo sa kanya ang bampira.

Gulat na gulat ang bampira. Si Ruth naman, nakanganga. Nagtama ang mga mata nila bago nito sinipat ang patalim. Umungol at sumugod uli pero pareho lang ang nangyari. Parang may matibay na invisible shield na humaharang sa saksak nito.

Na-realize ni Ruth, hindi siya mapapatay ng bampira!

Kung bakit at paano, hindi na niya gustong malaman pa. "Aldrei!" sigaw niya. "I'm safe! I'm safe! Hindi nila ako masasaktan! 'Wag mo akong isipin! Lumaban ka! Lumaban ka!"

Sumigaw ang bampirang bigong saktan siya. Parang nag-utos. Tumigil ang tatlong umaatake kay Aldrei at siya ang sinugod. Pero wala na sa mga ito ang nahawakan pa siya. Bawat lumapit, parang itinutulak ng invisible shield. Mas malakas na atake, mas malakas ang pagbalandra palayo sa kanya. Mas nakakapanghina ang naramdamang relief ni Ruth. At nang makita niyang kumilos si Aldrei para bumangon pagkatapos makita ang nangyari, hinayaan na niya ang sariling mawalan ng lakas.

Nagtama ang mga mata nila. Luhaan man, ngumiti si Ruth. Tinuyo niya ang mga luha. "I-I'm safe...Walang mangyayari sa akin. Go, fight them. Para sa laban n'yo, sa laban mo at...para sa atin!"

Nang ngumiti ito kahit balot ng dugo ang buong katawan, hinayaan na ni Ruth ang sariling sumuko sa dilim. Hinayaan na niyang lumapat sa trimmed grass ang naghihinang katawan.

Nahagip pa ng tingin ni Ruth ang mga nakaitim na bagong dating, may mga takip sa mukha. Kung kalaban o kakampi, hindi na niya nalaman pa.

Sinakop na ng dilim si Ruth.



eBOOK ALERT! 

Victoria Amor's 2020 self published ebooks are now available for purchase. Kindly check the link below. 

MUMU'S MAN 👇
https://payhip.com/b/xvnO

MEMORIES  👇
https://payhip.com/b/g3e5

If you'd like to puchase using your GCash/Paymaya, send me a PM for details.

If you'd like to puchase using your GCash/Paymaya, send me a PM for details

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon