MALAKAS na ang kabog ng puso ni Ruth. Twelve midnight, dinala siya ni Aldrei sa third floor ng bahay nito—ang palapag na wala siyang ideya kung ano ang mayroon at bawal puntahan.
Pagkatapos ng pasabog ni Aldrei—na umiinom daw ng dugo para mabuhay—natulala si Ruth. Para siyang estatwa sa tabi nito, literal na nakanganga. Hindi pa rin siya tuminag maging nang mahigpit na hinawakan ni Aldrei ang kamay niya, hinila siya palabas ng kuwarto.
"Each person you meet has a secret," sabi nito nang umaakyat na sila papuntang third floor. "You shared yours," dagdag nito. Naramdaman ni Ruth ang paghigpit ng hawak sa kamay niya. Pakiramdam ni Ruth, kahit ma-shock siya sa kung anumang makikita o malalaman niya, hindi siya bibitawan ni Aldrei. Nag-react na sa sitwasyon ang puso niya. Hindi na normal ang pintig. "Ako naman, Ruth."
"Aldrei..." si Ruth nang nasa tapat na sila ng nakasarang pinto. Nag-iisa lang ang pintong iyon, mga two steps away sa stairs. Isang room lang ang nasa buong third floor? "Ano'ng...meron diyan?" tumingala siya rito. "Wala ka namang mga alagang monsters—na naghihintay sa akin?"
Ilang segundong tumitig lang si Aldrei sa mga mata niya. "I'm the only monster here," ang sinabi nito, inabot ang pisngi niya at maingat na hinaplos. Ang haplos ni Aldrei, parang pareho ng titig—gentle, binubura ang kaba niya. "One who's deadly—"
"Sasaktan mo ba ako?" agaw ni Ruth, hindi niya inalis ang tingin sa mga mata nito. Gusto niyang marinig ang assurance na hindi. Kahit pa kuta ng mga monster ang third floor, kapag sinabi nitong hindi siya sasaktan, maniniwala si Ruth. Alam niyang hindi ito magsisinungaling. Kung sasabihin nitong oo, hahakbang pa rin papasok si Ruth. At least, alam niyang dinala talaga siya roon para ipahamak. Hindi siya clue less na susunggaban na lang ng mga monsters or killers.
Ang tagal na tinitigan lang siya ni Aldrei. Naramdaman ni Ruth na nasa gitna na ng noo niya ang dulo ng daliri nito, maingat na humagod. "Hindi aabot sa harap mo ng buhay ang sino mang gusto kang saktan." Mahina ang boses, mababa ang tono pero parang tumayo ang mga balahibo ni Ruth sa batok. Hindi niya alam kung ano eksakto ang naghatid ng kilabot. Parang ang mga mata ni Aldrei. Iba ang nabasa niya—something deadly.
"O-Okay..." wala na sa loob ang pagtango niya.
Humarap na sila sa pinto.
"Infinita e'ir," malinaw na sinabi ni Aldrei. Napabaling si Ruth, hindi niya naintindihan. May tumunog. Agad naghanap ang mga mata ni Ruth, wala siyang nakita. Pero si Aldrei, inilapat ang palad sa may ibaba ng door knob. May blue light na parang dumaan. May click from somewhere. Hinawakan ni Aldrei ang knob at itinulak.
Wow. Kahit pala mag-sneak siya sa third floor, walang way para makapasok siya sa nag-iisang pintong iyon!
Inilapat ni Aldrei ang pinto pagkapasok nila. Ang dilim at ang tahimik ng buong lugar. Pasimpleng sumiksik si Ruth sa tagiliran nito. Hawak na ng artist ang kamay niya, kumapit pa siya sa braso nito gamit ang malayang kamay.
"Livien!" si Aldrei sa malakas na boses.
Parang magic na nagliwanag ang buong lugar—nalantad sa mga mata ni Ruth ang malawak na lugar na puno ng paintings.
Gallery.
Gallery ng mga paintings na apat lang ang kulay—gray, itim, puti at pula. At sa pagbilis na pagdaan ng mga mata niya sa ilang painting na nasa malapit, paper airplane at dagger pa rin ang nakilala niyang object. Napakaraming paintings—puno ang dingding at at ilang hilera rin paikot ang nasa sahig. Hindi ipininta iyon nang ilang taon lang, sigurado si Ruth.
Literal na huminto ang paghinga ni Ruth nang mapatutok sa magkakatabing paintings ang tingin—tatlong mukha na may iba't ibang kulay ng mga mata—silver, blue and red. At ang pagkakapareho: Pangil at duguang mga bibig.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampirClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.