2-in-1 RELEASE! Sweetest Days plus a free surprise title!
ABOUT THE BOOK
Sa pagkamatay ni Lolo Doming, nawala rin kay Sharlotte ang maliit nilang property. Kung pipiliin niyang mag-stay sa bahay na maraming magandang alaala, mapapahamak siya.
Sa huling sulat ng kanyang lolo, may isang taong maari niyang lapitan para humingi ng tulong—si Victor Marquesa. Clueless man kung sino ang taong iyon, nagpuntang Legazpi City si Sharlotte. Umasa siya na gaya ni Lolo Doming, isang mabait na senior citizen rin na handang tumulong sa gaya niyang wala nang ibang mapupuntahan ang aabutan niya sa address na nasa sulat.
Mali ang akala ni Sharlotte. Ang humarap sa kanya na Victor Marquesa—sa mismong moment na mukha siyang pulubing basa sa ulan—parang bagong gising na Greek god na naputol ang tulog dahil sa pagbisita niya. Gulo gulo man ang buhok, nakakagulo rin ng heartbeat ang pagkaguwapo! May kakaiba pang lalim at talim ang titig na lalong naghatid ng kaba sa kanya.
Napatulala si Sharlotte. Ang kawalan ng reaksiyon ng lalaki sa presence niya, tanda na hindi dapat siya naroon. Maling bahay ba ang napuntahan niya? Paano na? Ano ang gagawin niya sa hindi pamilyar na lugar?
Pilit nilakasan ni Sharlotte ang loob, nagpakilala siya sa ‘Greek god’, binanggit niya ang tungkol sa sulat.
“Para sa akin ang sulat na 'yan, hija,” sabi ng boses na nagpalingon kay Sharlotte. Isang senior citizen na nakangiti at parang ang bait ang bagong dating. Nabuhay ang pag-asa niya. Pero nang bumalik sa lalaking una niyang nakaharap ang tingin ni Sharlotte, kumabog lalo ang puso niya. Feeling niya, magiging ‘Cinderella’ siya sa bahay na iyon at ito ang magiging ‘wicked stepbrother’ na kontrabida.
Pero bakit may ibang epekto sa heartbeat niya ang titig nito? Bakit parang may kung ano sa lalaki na ang lakas ng hatak sa kanya? Hatak na parang hirap na agad siyang labanan.
Kayanin kaya ng puso niyang magpakatatag?
Get your copy here: https://payhip.com/b/3CbHZ
Other titles for grab: 👇 "Bakit kasi atat sa kasal? May flight? May flight?" --Mumu
MUMU'S MAN https://payhip.com/b/xvnO https://ko-fi.com/s/121d803b02
"Sa moment na 'to, puwede bang ako muna?" -- Xantha
MY IMMORTAL 1: XANTHA https://payhip.com/b/SZbo8 https://ko-fi.com/s/003599db59
"Noong nawawala sila lahat, siya ang nag-stay..." -- Maine
For mop option like Gcash/Paymaya/bank transfer, just send me a PM for details.
Thank you! 🥰
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.