KATATAPOS lang ni Ruth mag-trim ng damo nang bumukas ang gate. Humarurot papasok ang kotseng galing sa labas. May bisita? Kaya pala kung makautos si Aldrei na maglinis siya ang kuwarto, parang may zombie apocalypse na parating. Gusto pa talagang bantayan siya. Kung hindi lang sumigaw si Ruth na wala siyang lilinising kahit ano kapag hindi ito tumigil sa pagsunod-sunod sa kanya, hindi siya titigilan. May inaasahan palang bisita.
Para maasar man lang ang artist, dalawa pa lang sa walong kuwarto ang nilinis niya. Na-curious si Ruth. Tumigil muna siya sa pag-trim ng damo at parang imbestigador na lihim na sumunod sa mga subject para makakuha ng impormasyon. May friends din pala ang taong grasa?
Isang matangkad na long hair ang unang bumaba. Kulot at magulo ang buhok, naka-all black. Base sa kilos, babae ang sumunod na bumaba. Balot ang buong katawan, may scarf pa at nakasaklob sa ulo ang hood ng oversized jacket. Nagmukhang eskimo ang babae. Magkasunod na nagtungo sa likod ng sasakyan ang dalawa. Kinuha ang mga gamit na naroon. Tuloy lang si Ruth sa paisa-isang hakbang. Ang lalaki ang nagbitbit ng mga inilabas na gamit. Ang malayang kamay, ginamit nito para hawakan ang kamay ng babae.
Lovers?
Ang layo ng height ng dalawa!
Dumeretso na sa front door ang dalawa. As usual, tahimik na living room ang mapapasukan ng mga ito. Sa sobrang katahimikan, parang walang tao. Mga paintings lang sa dingding ang parang mga silent guards na witness sa pagpasok ng mga ito. Mga paintings na black and white. Gray at itim ang kapansin pansing kulay-parang puso at existence yata ni Gucelli-malungkot at walang buhay.
Naasar na naman si Ruth nang maalala ang ginawa ng artist sa kanya. Hindi pa siya nakakaganti. Ilang beses na siyang nag-wish na mahulog uli sa hagdan pero hindi na nangyari.
"Early bird gets the dirtiest room," ang boses ni Aldrei ang narinig ni Ruth. Sa back door siya dumaan papasok. Parang may karera ang kilos niya para makalapit agad sa living room.
May idinugtong pa si Aldrei-hindi naitintindihan ni Ruth. Ibang language, na mukhang naintindihan ng bagong dating na lalaki. Ang babae naman na kasama nito, kitang kita ni Ruth na naghanap ang mga mata. Mukhang teen lang ang babae at maganda. Lovers ba talaga ang dalawa?
Nahuli pa ng tingin ni Ruth ang pamimilog ng mga mata ng babae, parang hindi makapaniwalang si Aldrei ang nakikita. Nakita na siguro nito ang isa pang 'katauhan' ng arist-ang taong grasa.
"S-Siya 'yong...siya 'yong-"
"Gucelli, meera," agaw agad ni Aldrei. Pantay. Ang mukha, blangko. Ang mga mata, parang yelo na naman. Galing sa studio ang artist. Kaswal ang mga hakbang nito pababa. "Aldrei Gucelli-"
"Artist, recluse, bad guy," agaw ng lalaking bagong dating. Muntik nang tumawa si Ruth. Sa wakas, may taong nagbanggit ng dapat talagang deskripsiyon sa artist. Hindi nakatiis si Ruth, sumabat siya.
"And he eats people!" medyo hingal pa siya. Ang layo ba naman ng tinakbo niya para makasagap ng 'tsismis'. At bitbit pa niya ang ebidensiya ng kalupitan ni Gucelli. Hindi pa siya tapos mag-trim ng mga halaman.
"Anim na kuwarto pa ang lilinisin mo," sabi ni Aldrei. Naakakinis talaga ang pagiging kalmado nito. "May dalawang oras ka na lang, Ruth-"
"Walang puso!" hiyaw na niyang hindi nakatiis. Nilagyan pa talaga ng oras ang paglilinis niya. Na kapag hindi niya natapos, magdadagdag ito ng ibang utos. Ang resulta, magpapatong-patong ang gagawin niya hanggang sa susunod na araw. "Bagay sa 'yo ang mga paintings mo! Sing-dilim ng budhi mo, impakto! Bampira! Taong-grasa-"
"One and a half hour," walang pakialam na putol ng nakakaasar na artist. Naglakad na ito papunta sa kuwarto nito sa ibaba. Wala nang nagawa si Ruth kundi sundan ng nakakamatay na sulyap ang likod nito. Inis na naglakad siya para umakyat sa sariling kuwarto-na huminto rin nang ma-realize niyang may mga bisita pala.
"Sorry sa asal ko," si Ruth sa mga bisita. "Welcome sa bahay ni Mr. Gucelli. May isang room na sa 'taas na malinis. Tawagin n'yo lang ako kung may kailangan kayo," sa babae nagtagal ang tingin ni Ruth, curiousity at awe ang nasa mga mata nito kung tama ang basa niya.
"War yata sila?" narinig pa ni Ruth ang tanong ng babae sa kasama. "Kumakain daw ng tao 'yong kaibigan mong painter?" Sinadya ni Ruth na bagalan ang mga hakbang paakyat.
"Wala akong maalalang babaeng pumasok..." hindi na narinig ni Ruth ang kasunod na sinabi ng lalaki. Parang ibinulong na lang. Nahalata siya nakikinig pa siya sa usapan.
Kinagabihan, nasa balcony ng kuwarto niya si Ruth. Pinapanood niya ang dalawang lalaki sa garden, nag-uusap. Wala yatang balak matulog ang dalawa, lampas alas dose na, naroon pa rin ang mga ito. Pumasok na si Ruth sa sariling kuwarto. Nag-aagaw antok na siya nang may kumatok.
Napabangon agad si Ruth. Kilala niya ang katok-dalawang ulit lang at parehong malakas. Katok ni Aldrei Gucelli. One AM na, may utos pa rin? Ang bibigat ng hakbang ni Ruth papunta sa pinto.
"Ano na naman ba?" sabi niya agad pagkahila sa pinto. Wala nang pakialam si Ruth kung sabog ang buhok niya at nasa mukha ang kalahati ng mga hibla. "Dawn na, utos pa rin? Magpatulog ka naman-"
Pinutol ni Aldrei ang sinasabi niya. Napamaang na lang si Ruth. Pinapaalis na siya ng guwapong taong-grasa!
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.