WALANG tulog si Ruth. Nag-abang talaga siya ng oras na aalis ang mga bisita. May isang paraan lang para makasama siya sa Sagada—ang sumabay sa van na nakita niyng bagong dating. Nag-rent yata ng van ang mga bisita. Ang kotseng gamit ng mga ito, naiwan lang sa parking area.
Kung aasa si Ruth kay Aldrei, sigurado ang dalaga na huling araw na ng struggle niya para ma-achive ang interview. Hinding-hindi siya isasabay ng artist sa sasakyan nito. Baka itapon pa siya sa labas. Mas may pag-asa kung sa mga bisita siya hihingi ng tulong. Ruth's Strategy 101—bibiglain na niya ang mga bisita para hindi makatanggi.
"Makikisabay, please?" si Ruth na nasa tapat na ng pinto ng van, sukbit ang kanyang backpack na may pang-ilang araw na gamit. Wala siyang particular na sinasabihin. Nagwi-wish si Ruth sa isip na isa man lang sa dalawa ay pumayag. Saka na niya iisipin ang next step niya pagdating sa Sagada. "Ayaw akong isama ng taong-grasa. Susunod siya sa Sagada, iiwan akong mag-isa sa creepy niyang house na puno ng paintings na patunay ng malungkot niyang existence—"
"Don't," biglang putol ng lalaking bisita ni Aldrei. Nakatuon sa harap ang titig nito at hindi siya tiningnan pero sapat ang diin sa tono para tumigil si Ruth. Napansin rin niya ang pagbaling ng babaeng kasama nito, parang nagulat rin. Hindi napansin ni Ruth na may 'aura of danger' din ang lalaki gaya ni Aldrei. Pero sa dalawa, mas may lakas ng loob siyang pikunin ang arist kaysa sa lalaki. Iba ang dating ng presence nito. Hindi niya napansin iyon nang nagdaang araw. "Leave the paintings alone, woman," dagdag ng lalaki. "Ang mga paintings niya ang 'wag na wag mong huhusgahan base lang sa opinyon mo sa mga bagay na wala ka talagang naiintindihan." Napalunok si Ruth. At nang tumingin sa kanya ang lalaki at nagtama ang mga mata nila—na na-realize niyang kakaiba pala ang kulay, hindi nakapagsalita si Ruth. "Hindi mo siya kilala."
Para siyang nasampal. Tama naman ang lalaki, hindi pa niya kilala ang artist. Ang pinagbabasehan lang niya ay ang mga encounters nila sa bahay na walang ginawa ito kundi mag-utos, makipag-argumento at sigaw-sigawan siya. Pero liban sa pangalan at propesyon, wala talaga siyang alam kay Aldrei Gucelli.
Kung puwede lang bitawan basta ang assignment niya, umatras na si Ruth ang piniling sumuko na lang. Pero hindi puwede. Nakapagsimula na siya. Kaunting push pa, makukuha rin niya ang oras ni Aldrei. Tiis lang, Ruth. May mga natitirang linggo pa bago ang deadline.
"Sige, 'pasok ka," ang babae ang nagsalita. Gustong bumuga ng hangin ni Ruth sa ere. Bahagyang nawala ang tensiyon nang ngumiti ang babae. "Ang luwang ng van, tayo lang naman."
"Thanks..."
Ngumiti lang ang babae. Bumaba naman ang driver at kinabig na pasara ang ang pinto ng van. Hindi na rin umimik ang lalaki sa tabi nito. Hindi naman tulog pero walang katinag-tinag.
Dahil wala siyang tulog nang nagdaang gabi, hindi namalayan ni Ruth na nakatulog siya. At nagising na naman sa pamilyar na panaginip—ang lalaking naglalakad palapit sa kanya na may dalang kakaibang scent.
Hindi na nakabalik sa pagtulog si Ruth. Tumingin na lang siya sa tanawin ng malalim na bangin sa gilid ng daan.
ABBY at Azir, mga pangalan ng kasama niya sa Sagada. May mga tulug-tulugan moment si Ruth sa van, na pinakikiramdaman niya ang kilos ng dalawa. Curious siya sa talagang relasyon ng dalawa—kung magkaibigan o lovers. Bilib siya sa pagiging tahimik ng mga ito. Wala halos pag-uusap na nangyari hanggang umabot sila sa Sagada. Napansin niyang humilig lang si Abby kay Azir. Natulog yata ito sa buong oras na biyahe. Naghintay si Ruth na mag-PDA ang dalawa pero wala. Ang napansin niya, nasa kilos ni Azir na iniingatan ang kasama. Napansin niyang inayos nito ang jacket ni Abby at ang buhok habang tulog ang babae. Pagbaba nila sa Sagada, ang scarf naman ang maingat nitong inayos. Si Abby naman, lagi lang nakangiti at tinititigan si Azir tuwing nasa harap nito. 'Yong tipo ng titig na parang ang artistang crush ang kasama.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
مصاص دماءClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.