Part 35

1.6K 50 15
                                    

"GOOD morning!" bati ni Ruth kay Aldrei. Seven AM, bumaba pa lang siya para maghanda ng breakfast, nasa living room na ito, nagbabasa ng broadsheet. Gumaan na agad ang mood niya. Natuwa siyang hindi ito magkukulong lang sa studio nang buong araw.

"Good morning," kaswal na bati rin nito, buong buo ang boses. Ang suwabe. Ang guwapo boses pa lang. Nagpigil ng kinikilig na ngiti si Ruth.

"Interview questions, sir?" simpleng hirit niya. Hindi naman kasi sa living room nag-stay si Aldrei. Sa porch ito nagbabasa ng broadsheet. Sa living room ang usapan nilang sasagot ito ng mga interview questions. Pero nang araw na iyon, ramdam ni Ruth na hindi naroon ang artist para sumagot ng mga tanong. Gusto lang yata nitong makita siya. Muntik nang ngumiti ng pilya si Ruth.

"I've read them all," pantay pa rin na sabi ni Aldrei, hindi nag-angat man lang ng tingin.

"May sagot na lahat?"

"Nag-iisip pa ako."

"Ganoon katagal?"

"Malalim ang mga tanong."

"How deep, sir?"

"Define deep first."

"Parang feelings?" sabay tawa. "Parang love?" Dumeretso si Ruth sa kitchen—para mapatitig lang sa mesa nang may makita siyang mga nakatakip na pagkain. Lumapit si Ruth, binuksan ang mga nasa mesa—bacon and egg pasta? May isang plate din ng iba't ibang tinapay. May coffee, may fresh juice, at may wine? Pipili lang siya ng gusto niyang breakfast?

Mabilis siyang bumalik sa living room. "Para sa akin 'yong food?" Nagpipigil si Ruth nang kinikilig na ngiti. Mainit pa ang breakfast pasta. Ibig sabihin, si Aldrei ang naghanda. Hula niya, nag-come up lang ito sa kung anong maihahanda gamit ang ingredients na available. Paubos na ang food supplies—at siya lang ang nag-consume lahat. Hindi pa man sila magkasundo, wala nang pakialam ang artist sa ginagawa niya sa kusina. Balewala lang ubusin man niya lahat ng puwedeng kainin sa fridge. Ang bawal lang talaga, ang sunugin niya ang rest house.

Kaswal na nag-angat ng tingin sa kanya si Aldrei. Malamig ang tingin nito—pero ngumiti nang tatalikod na sana siya para bumalik sa kusina. "Yeah."

Ang lapad ng ngiti ni Ruth. "Thanks. Gusto ko lahat!" Tumalikod na siya para bumalik sa mesa.

"Ruth?"

Bigla siyang lumingon. "Yes?"

Nagtama ang mga mata nila. Walang nagsalita. Walang pag-uusap pero nang ngumiti ito, naintindihan niya ang mensahe. Magaang tumawa si Ruth, tinawid ang distansiya sa pagitan nila at magaang hinalikan ito sa pisngi. "Good morning, my sir, my boss, my kamahalan," ngiting ngiting pinisil niya nang mahigpit ang mga pisngi nito. Ang ngiti ni Ruth, naging tawa na. Hindi na kasi siya nakalayo. Pinigilan ni Aldrei ang baywang niya at kinabig ang katawan niya. Napaupo siya mismo ang mga hita nito. Niyakap siya, papahigpit.

"Good morning, sweet woman."

Umabot sa dulo ng buhok ang kilig ni Ruth. "Hmn...tama na, gutom na ako," reklamo niya kunwari pero yumakap naman agad sa leeg nito. Ah, hindi niya kayang i-resist ang paglalambing na iyon. At ang bango pa ni Aldrei. Gusto niyang malunod na lang sa moment na iyon. Nahirapan tuloy pumili si Ruth sa pagitan ng breakfast o sa naghanda ng breakfast.

Tumawa na rin si Aldrei. "Go," bulong nito, hinalikan siya sa noo. "Breakfast ka na," at hinaplos ang buhok niya.

"Hindi ka ba busy?" tanong niya, hindi muna tumayo.

"Why?"

"Gusto kong mag-ikot sa Mall."

"And?"

Ngumiti siya. "Samahan mo ako?"

Ibinalik nito sa mga mata niya ang titig. Hindi man nakikita ni Ruth ang sarili, alam niyang ang sweet ng ngiti niya. Wish lang niya, tinatablan rin ng sweet smile niya si Aldrei para pumayag. Gusto niyang magpalipas ng oras sa Mall kasama ito. Wala siyang planong gawin. Stroll lang na magkasama sila.

Tumango ang artist. Pinigil ni Ruth ang tumili sa tuwa. Ang gaan ng kilos na tumayo na siya para mag-breakfast. Lumingon si Ruth pagkatapos ng isang hakbang. "Ako lang mag-isa? Breakfast tayo!"

Ang lapad ng ngiti niya nang bitiwan ni Aldrei ang broadsheet. Ang broadsheet na parang bahagi na ng bawat umaga nito. Magkasunod silang naupo sa mesa. Sa mismong tapat niya umupo si Aldrei, pinanood lang siyang ubusin ang breakfast na inihanda nito. Wine lang ang ininom ng lalaki sa buong oras na para siyang celebrity na pinapanood ng fan ang bawat kilos sa mesa. Ang haba bigla ng hair niya!

One hour bago ang opening time ng Mall, umalis na sila sa rest house.

Si Ruth naman ang nanood kay Aldrei sa buong biyahe nila. Nakasandal lang siya sa backrest, pinapanood ito sa pagmamaneho. Hindi na inalis ang titig kahit ng may tumawag rito. Walang ideya si Ruth kung sino ang tumawag. Napansin lang niyang parang nag-iba ang mood ng artist. Maging nang nasa Mall na sila, wala na ang gaan ng mood nito na nakita niya bago sila umalis sa rest house. Naging busy na rin ito sa pag-check ng kung anuman sa phone nito.

Nalipat na sa cell phone ang atensiyon ni Aldrei. Hindi na nga nito napansin na nalipat na rin sa iba ang atensiyon niya. May particular na hinanap ang mga mata ni Ruth pagdating nila sa isang bahagi ng Mall. Hindi niya alam kung saan galing ang naramdamang ihip ng hangin, na kasamang tinangay ang pamilyar na scent. May ibang kabog na naramdaman si Ruth sa kanyang dibdib.

Pamilyar ang pintig na iyon.

Pamilyar na pamilyar...

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon