NAGNAKAW ng bulaklak si Ruth. Sunset time, nasa isang bahagi siya ng bakuran, sa tabi ng bagong trim na halaman. Natutukso na siyang pitasin lahat ng dahon habang bumubulong ng: Natakot? O na-turn off?
Nag-shift siya ng focus. Masyadong matagal kung sa halamang ang daming dahon siya magtatanong. Tumingin muna si Ruth sa rest house—walang visible human view kahit saan. Asa pa siyang lalabas si Aldrei ng kuta nito. One week nang nagkulong ang artist. Hindi talaga lumabas ng studio. Nahiya nang kumatok si Ruth. Obvious naman na hindi lumabas para iwasan siya. Noong nag-text kasi may ilang araw na lang ang natitira sa deadline niya, nag-text back ito—hiningi ang mga natitirang question. Umasa si Ruth na magbubukas ito ng pinto, mali siya. Pina-send sa text ang questions!
Napanganga nang ilang segundo si Ruth. Na-confirm niyang ayaw lang talagang lumabas. Hindi siya gustong makita? Gusto niyang mag-tumbling nang paulit-ulit sa guest room. Smack lang ang kiss niya. Bakit naman parang ang OA ng result. Siya nga, hinalikan din nito ng walang warning, hindi siya nag-over react!
Nag-send na rin si Ruth ng email address sa text. Sa mismong araw na matanggap niya sa email ang sagot nito sa mga natitirang tanong sa questionnaire, magpa-pack up na siya. Kung ayaw na ni Aldrei na kausapin siya, okay lang naman. Masakit oo, pero hindi dapat ipilit ang sarili kung ramdam namang umiiwas na ang taong involve. Iisipin na lang ni Ruth na 'short-lived kilig' ang experience. Walang tamang tawag kaya huwag nang pangalanan.
Two days na, wala pa rin siyang natatanggap na email galing kay Aldrei. Hindi pa rin ito lumalabas ng studio. Kung dati ay nag-iingay si Ruth para makatanggap ng reaksiyon o mapilit niyang lumabas ang artist, hindi na ngayon. Tahimik lang siya sa guest room. Nag-send siya ng text kay Aldrei.
Wait ko sa email answers mo. 'Pag na-receive ko na, I'll go. Ayaw mo na akong makita, eh.
Walang reply galing sa artist. At wala pa rin ang ang hinihintay niyang email.
Walang magawa si Ruth sa oras na iyon kaya lumabas siya. Ang pink rose na lang ang pinitas niya. Naupo siya sa trimmed na damo at pinanood ang malawak na bakuran. Ilang beses na inhale at exhale muna, nagsimula na siyang humugot ng petals. Hindi nga lang 'he loves me, he loves me not' ang binubulong niya.
"Natakot?" hugot uli ng isang petal. "Na-turn off?" parang tanga lang na ipinaubaya niya sa pink rose ang sagot na kailangan. At ang sagot ng huling petal—na-turn off!
Na-turn off sa kiss? O turn off ito sa babaeng unang gumagawa ng move?
Ang lakas ng ungol ni Ruth. Isa isa na lang niyang pinulot ang kumalat na rose petals. Kung pagbibigyan niya ang sarili, pipitas pa siya ng bulaklak at uulitin ang ginawa—pero baka mas mapadali ang pag-alis niya rest house. Nanahimik na lang si Ruth, tumitig sa kawalan at hinihintay na lumubog ang araw.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang cell phone. Na-excite bigla si Ruth. Si Aldrei agad ang naisip niya. Pero pati text, pinaasa siya. Unregistered number ang nag-text, na nagpakilalang staff ng book store. Nag-i-inform lang na available na ang copy ng book ni Juan Ibarra.
Sign ba 'to na kailangan nang mag-focus sa work?
Thirty thousand at ang Encantador...
Pinulot niya ang huling petal, tumayo na at inayos ang sarili. Mabibigat ang hakbang niya pabalik sa bahay.
Sa tahimik na tahimik na bahay. Sa bahay na may kasama nga siya, hinahayaan naman siyang mag-isa lang...
"Medyo sad," si Ruth sa sarili. Pagdating sa porch, tinapon niya sa ere ang mga petals at hinayaang bumagsak sa sarili. Pinulot uli at itinapon na naman. Sa isip, kilig scene ang binuhay ni Ruth—na napakaraming rose petals ang bumabagsak sa kanya. At bago nahulog ang mga huling petals, nakita niya si Aldrei sa front door—nakatitig sa kanya. Ang tagal na nagtama ang mga mata nila bago ngumiti ang artist. Nagulo na naman ng ngiti ang heart beat niya.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.