Author's Note:
Para sa gustong mabasa ang story ni Rikk and Deane, published na years ago pa. Title: THE GUARDIAN OF MERADE.
SUMUNOD ang mga mata ni Rikk sa sasakyang mabilis na umalis. Hindi na siya kumilos, sumandal lang sa pader. Hindi siya nababahala. Magaling lumaban ang Fedeo na kasama ng sanggol na may marka ng dilim. Ganoon pa man, hindi niya hahayaang nasa poder lang nito ang babae. Kailangan niyang makuha si Ruth. May sapat mang lakas ang Fedeo para lumaban, hindi niya ipagkakatiwala sa iba ang responsibilidad. Ang misyon niya ay pangalagaan ang mga sanggol na taglay ang enerhiya ng dilim at liwanag.
Pumikit si Rikk. Dinama sa dibdib ang init ng Merade. Hindi man niya ibinaba ang tingin para titigan ang kuwintas, ramdam niya ang enerhiya.
Nagbalik na...
Nahawi na ang mga itim na ulap sa isip ng mortal. Ang mga alaalang nawawala, malinaw na ngayon. Hindi na mangangapa sa dilim si Ruth.
Humugot siya ng malalim na paghinga bago pumikit. Binalikan sa isip ang eksena. Kung nasa loob siya ng tahimik niyang tahanan, madaling itaboy ang sakit na tinanggap niya. Madaling ibalik ang payapang pakiramdam.
Nasa labas siya. Hindi maaring gumamit ng kapangyarihan sa labas.
May lumapat na palad sa braso niya. Nagulat si Rikk, agad binawi ang kamay. Hindi siya sanay. Sa labas ng buhay niya bilang mortal-na kasama ang pagpapanggap sa harap ng camera-walang nangahas na basta na lang hawakan siya.
Pero ang mortal na taglay ang enerhiya ng liwanag, walang pag-aalinlangan ang kilos. Biglang hawak na hindi pinag-iisipan. Walang harang na nararamdaman sa pagitan nila.
Bagong pakiramdam na hindi nakasanayan. Bagong pakiramdam na gusto niya. Bumaling si Rikk, inabot ang jacket na nalalaglag na sa balikat ni Deane. Malamig. Hindi gaya niya ang katawan ng mortal. Mahina ito. Kailangan ng sapat na panlaban sa lamig. Inabot niya ang hood ng jacket at isinaklob sa ulo ng mortal.
Tumingin sa mga mata niya si Deane.
"Malamig sa labas," paalala ni Rikk sa mortal. Tama lang na nasa tabi siya nito. Napakaraming hindi nakaayos sa katawan ni Deane. Kumilos si Rikk, inabot ang sapatos ng mortal para ayusin ang nakalag na sintas.
"T-Thanks..."
Bakit kailangang magpasalamat? Responsibilad niyang alagaan ang mortal.
"Puwede bang tumawad?" si Deane, ang tungkol sa iniisip nitong trabahong napag-usapan nila. Ang kunwaring trabahong paraan niya para madali ang pangalagaan ito. "Off ko na lang ngayon-" tumigil ang mortal at bumaba sa dibdib niya ang tingin. Sa damit niyang bakas ang putik mula sa sapatos ng Fedeo. Tinamaan siya ng malakas na sipa nang lumingon siya sa pagtawag ni Deane. "Sorry..." bumakas sa mga mata ng mortal ang emosyon. Hindi nito gustong nasaktan siya. Mabait na mortal. "Dapat hindi kita tinawag kanina, eh." Gamit ang panyo, nilinis ni Deane ang dumi sa damit niya. "Ex girlfriend mo ba 'yon? Wala, eh. Ex ka na. Ex na lang! Wala nang kayo. May iba na siya. Makipagbugbugan ka man do'n sa long hair din na boyfriend, siya pa rin ang pipiliin. Kasi nga, ex ka na lang." Tuloy tuloy na sinabi nito. "Hindi naman masamang tao 'yong boyfriend. 'Tingin ko, nagselos lang. Yakapin mo ba naman at i-kiss sa forehead 'yong girlfriend. 'Yun, pati tuloy ako, nadamay. 'Kala ko talaga, kikidnapin na ako, eh. Pero sabi naman, hindi daw niya ako sasaktan-na totoo naman. Hindi talaga ako sinaktan, binitbit lang. Ang lakas ng arms ni Kuya, grabe!" at tumawa ang mortal. Maganda ang tunog. Hindi siya laging nakakarinig ng tawa. Masarap palang pakinggan. "No'ng tinext mo ba ako, alam mo nang nandito 'yong ex mo?"
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.