PARANG tanga na ngumingiti mag-isa si Ruth. Eleven thirty PM, nasa gitna siya ng kama. Naghanap siya ng murang kuwarto at nag-check in ng two PM. Natulog lang si Ruth maghapon. Nag-dinner siya ng lampas seven PM at bumalik uli sa kuwarto pagkatapos. Tatlong bagay na lang ang ginawa niya, tumingin sa suot na wristwatch—para i-check ang oras, tumingin sa cell phone—para titigan ang naka-save na number ni Aldrei, at humigang flat na flat sa kama ang likod—at ngumiti sa kisame.
Ngumiti sa kisame. Ang iniisip kasi niyang dagdag hirap na naman, naging positive pa. Lakas loob niyang hiningi ang number ni Aldrei—para ma-text niya kung saan siya dadaanan or kung saan siya nito gustong papuntahin kung masyadong abala na ipi-pick up pa siya. Ang ini-expect ni Ruth, hindi lang siya iimikan ng artist. O kaya, number niya ang hihingin nito at sasabihing ito na lang ang magti-text, na hindi naman nito gagawin. Puputi na lang ang mga mata niya sa kakahintay ng text message— na ang totoo pala, wala naman itong balak daanan siya at isama uli babalik sa rest house.
Pero mali na naman ang masamang naisip ni Ruth. Inilahad ni Aldrei ang isang kamay sa kanya para iabot niya ang cell phone—at ini-store nga nito sa phone niya ang number!
Ang number na kanina pa binabalik-balikan ng mga mata niya. Ang number na nagpa-missed call pa siya para siguraduhin na active—nag-ring ang kabilang linya.
Confirmed.
Active ang number. Isa na lang ang iniisip ni Ruth: Kung totoong number nga ni Aldrei iyon. Puwede naman kasing magbigay ng ibang active numbers. Malay ba niya kung maraming active numbers ang artist—mga numerong ibinibigay nito sa mga makukulit na nanghihingi, gaya niya.
One last step para makasiguro, ang text message na galing kay Ruth—para malaman ng artist na siya ang unregistered caller.
Where tayo meet, Sir? -Ruth.
Nagsimulang magbilang si Ruth.
Five seconds...five minutes...ten minutes...twenty minutes, thirty minutes...forty five minutes...
Walang reply.
Umulan pa.
Past twelve na...
Nag-text si Ruth. Hindi pa niya gustong sumuko.
Ly's Bed and Breakfast. Nasa lobby ako 'til 2AM. At ibinagsak niya ang sarili sa kama. Balik uli si Ruth sa pagbibilang, nakatutok sa kisame ang mga mata niya.
Ang tahimik ng cell phone niya.
Sa labas, mga patak ng ulan naman ang maririnig.
Inabot na lang ni Ruth ang unan at niyakap. Nakikita na niya ang sariling nasa labas na naman ng gate ng rest house, nakababad sa initan, naghihintay na may magbukas ng gate.
Bago mag-one AM, lumabas na ng kuwarto si Ruth. Hindi na siya dapat umasa pero gusto pa rin niyang maghintay sa lobby hanggang two AM. Wala namang mawawala. Hindi pa naman siya inaantok.
One fifteen, okay pa si Ruth. One thirty, nakasandal na siya sa backrest ng couch. One forty, pinipilit na lang niyang labanan ang antok. One fifty, hindi na niya kayang hindi pumikit...
"Ruth."
Napapitlag siya. Agad umayos ng upo. Disoriented, naghanap ang mga mata ni Ruth—at huminto sa matangkad na pigura ni Aldrei sa harap niya. Walang nag-iba sa anyo nito kaninang naghiwalay sila. Parang walang mga oras na dumaan na nasa event or meeting—o kung anuman ang pinuntahan nito. Walang bakas ng pagod sa mukha.
At ang bango pa rin...
At na-realize ni Ruth, nakanganga na siya habang nakatitig sa artist.
Bigla niyang itinikom ang bibig.
"What? Sasama ka o hindi?"
Ah, hindi sa pantasya niya ang eksena. Si Aldrei Gucelli talaga ang nasa harap niya. Confirmed, cell phone number nga nito ang ibinigay sa kanya. At heto ngayon ang artist, naka-set na naman sa beastmode.
Pero binalikan siya nito, sapat iyon para maging mabait muna siya. Hindi makikipag-argue si Ruth. Magpapasalamat siya sa mga munting milagrong hatid ng mundo. Pinigil ng dalaga ang pagngiti. Baka lalo nang uminit ang ulo ni Aldrei Gucelli.
Tapos na ang surprises na dala ng araw na iyon?
Hindi pa.
Pagdating nila sa rest house, kaswal na naupo sa sofa si Aldrei. Paakyat na siya sa guest room nang tinawag siya nito.
Tinawag siya para sabihing may ilang minuto lang ito para sumagot ng mga tanong.
Napanganga na naman si Ruth. Na-freeze sa kinatatayuan ng ilang segundo bago natauhan. Nagmadali siyang kunin sa guest room ang paborito niyang notebook para sa mga tanong...
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.