Part 25

1.3K 60 5
                                    

"ANO'NG oras ka aalis bukas? 'Sabay ako, ah? 'Pag iniwan mo ako, I swear, dito na lang ako forever—walang kain, walang, tulog, wala lahat—maghihintay lang ako sa 'yo. Kasalanan mo kung mamatay man ako sa lamig."

Nagpipigil ng ngiti si Ruth nang pumasok sa passenger seat. Naririnig niya sa isip ang sarili, 'yon ang sinabi niya kay Aldrei nang nagdaang gabi. Hinintay niya ang artist sa lobby. Nagsalubong pa lang ang mga kilay nito pagkakita sa kanyang nasa couch, nag-speech na si Ruth ng memorize na linya. Hindi na rin siya naghintay ng sagot, nauna na siyang umakyat para bumalik sa kuwarto. Hindi na sumunod si Aldrei. Nahulaan na ni Ruth na kumuha ng ibang kuwarto. Hindi na siya magugulat kung iniwan siya ng artist kinabukasan. Umasa lang talaga siya—na makonsensiya ang lalaki na iwan siyang mag-isa sa Sagada. Alam naman nitong ang interview pa rin ang dahilan kaya nagsusumiksik siya sa schedule nito.

Four AM pa lang, gising na si Ruth. Bago siya natulog, kumatok muna ang dalaga sa kabilang kuwarto para itanong kung wala na siyang kailangang i-settle sa reception. Ipinasa lang ni Abby kay Azir ang tanong. Hindi na rin pumasok si Ruth. Pagkatapos ng nangyari sa van, iwas muna siya sa isa pang long hair na malamang may red mark din siya. Aminado si Ruth na lumampas ang dila niya. Hindi niya masisisi si Azir kung hindi na rin agad siya nito gusto.

Matapos ma-confirm kay Abby na wala na siyang dapat isipin, bumalik si Ruth sa kuwarto at nag-ayos na agad ng gamit. Kung iwan man siya ni Aldrei, magko-commute na lang siya pabalik ng Baguio. Balik siya sa pagtambay sa labas ng gate hanggang mapilitan ang artist na papasukin uli siya. May naiwan pa siyang gamit sa guest room—na sinadya niya talagang iwan para may babalikan siya kung sumpungin na naman ito ng 'kalupitan' at hindi na naman siya papasukin sa rest house.

Pero nagka-twist bigla ang sumunod na umaga—pagbaba niya ng five AM, nasa reception pa si Aldrei. Hindi na lumapit si Ruth sa artist, sa tabi ng kotse talaga siya dumiretso. Hindi niya mapigilang sulyapan ito—balik na naman sa taong-yelo-ang-dugo ang peg. Wala ni katiting na emosyon ang visible sa mukha. Na-imagine niyang naglalakad na yelo si Aldrei Gucelli.

Pagka-unlock nito sa mga pinto, agad agad na lumigid sa passenger seat si Ruth. Hindi pa man iniimbitahan, sumakay na siya. Deadma naman ang artist. Ini-expect na yatang burden siya nito hanggang sa Baguio. Balewalang umupo sa driver side at malakas na isinara ang pinto. Nagkabit na agad ng seat belt si Ruth. Pipikit na lang siya kung paliparan man nito sa bilis ang kotse. Umusad pa lang ang sasakyan paalis sa parking area ng guest house, nagsimula nang magdasal si Ruth—na huwag silang mahulog sa bangin kung ibunton man ni Aldrei sa manibela ang init ng ulo na sa kanya.

Pero may twist uli—sakto lang ang pagmamaneho ni Aldrei. Wala pala siyang dapat ikatakot. Hindi rin mukhang beastmode sa kanya.

Cold lang, sa isip ni Ruth. Pero ano pa ba ang bago? Hindi na si Aldrei Gucelli ang artist kung magiging cool ito at makikita niyang tumawa at ngumiti. Kapag ganoon na, malamang may sanib na ibang espiritu!

Napabungisngis si Ruth—na na-realize niyang may tunog pala. Tuminag kasi bigla ang katabi niyang parang matigas na human-ice na nagda-drive. Sinulyapan siya nito—nakakunot pa ang noo.

Napatikhim naman si Ruth, agad nabura ang ngiti. Tumingin siya sa labas at nagpanggap na busy sa view. Naisip niyang gamitin ang chance para magtanong kahit isa o dalawang tanong lang pero natakot si Ruth. Baka uminit na naman ang ulo ni Aldrei, itodo ang speed nila. Hindi siya susugal. Nakakatakot ang mga bangin na dadaanan nila. Hindi siya puwedeng mamatay na hindi niya nakukuha ang Encantador.

Natigilan si Ruth. May ideya na sumagi sa isip. Sanay naman si Aldrei na dumadaldal siya, bakit hindi na lang niya basagin ang katahimikan? May kutob siyang aabot sila ng Baguio na hindi iimik ang artist. Kung kaya nitong manahimik lang, siya hindi. Gagamitin rin niya ang chance na iyon para may idea ito kung gaano kahalaga sa kanya ang assignment na hindi matapos tapos dahil sa pag-iwas nito sa interview.

"Wala akong alam sa art at sa mga artist kaya 'di ko sure kung nasa parehong mundo lang kayo ni...Tres," mababang simula ni Ruth. "Filipino artist na sumikat daw mga...two decades ago na. Isa sa works niya, kasama sa research ko. Nagpunta ako sa isang exhibit to take photos. 'Yong Encantador—nag-iisang original work daw niya iyon na naiwan. No'ng una kong nakita, may something akong na-feel. Hindi ko alam kung ano exactly pero iba. Parang sama samang pain, panic, fear— ang hirap i-explain." Huminga siya nang malalim, sa view pa rin sa labas nakatingin. Hindi siya umaasang makikipag-usap si Aldrei. Gusto lang niyang i-share ang kuwento. "After kong makita 'yong art work, parang hindi na ako matahimik. Parang may something na ginising sa akin 'yong girl sa portrait. 'Tapos ang mga dati kong panaginip dati, no'ng bata pa ako na paulit-ulit, nagbalik na naman. Nagbalik nang extended. Mas humaba. Mas malinaw na ang scene. Akala ko, troubled lang ang mind ko kaya kasama na sa panaginip ko ang Encantador. Hindi pala. Mas naging buo lang 'yong panaginip ko—na hindi pala basta panaginip lang. Scene pala galing sa past ko na 'di ko maalala..." hindi niya napigilang mapait na ngumiti sa alaala. "Confused, I called my mom—siya 'yong kinilala kong ina na hindi ko pala talaga kadugo. Eighteen na ako no'n nang inamin niyang hindi siya ang biological mother ko. Ang parents ko raw, namatay sa isang car accident nang sabay. Hindi ko maalala ang accident na 'yon. Kasama sa mga nawawala kong alaala. Sabi niya, gumawa lang ng way ang mind ko para protektahan ako sa sobrang sakit. Binura ang mga masasakit na eksena—naniwala ako, na nalaman ko lang na hindi pala totoo nang makita ko sa panaginip ang Encantador." Sumandal si Ruth sa backrest at ilang beses na huminga nang malalim. Masakit pa rin pero kailangan na niyang masanay. Nangyari ang lahat. Kailangan niyang tanggapin na bahagi iyon ng totoong kuwento ng buhay niya. "Nakita ko sa wall ang painting at ang dalawang characters sa bloody scene sa panaginip ko, tinatawag kong...Mama at Papa. Naguluhan ako. Ang daming tanong. Gusto kong itanong lahat pero pataas din nang pataas ang takot ko. Tinatawag ko silang Mama at Papa pero hindi ko sila maalala. At ang mas masakit, pinatay ng tinatawag kong Papa ang babaeng kasama niya sa room na tinatawag kong Mama—bago siya nagbaril sa sarili. Nagising ako na ang last kong nakita, ang portrait ng babae sa wall." Ibinalik ni Ruth sa labas ang ang tingin. "Sa phone call ko kay Mama Kate, inamin niya ang totoo, na ang panaginip ko, eksena sa past na na witness ko noon. Si Tres ang tunay kong ama..."

Tahimik lang si Aldrei. Kung nakikinig o may ibang iniisip, hindi sigurado ni Ruth. Nasa harap lang ang focus nito. Wala rin namang music sa loob ng sasakyan kaya walang ibang choice ang artist kundi makinig sa kuwento niya.

"Pagkatapos ng first meeting natin na 'di naging okay, nag-email na ako sa boss ko na give up na ako. Na ibigay na lang niya sa iba ang assignment. Ang dami nang stress ng utak ko lately, ayoko nang dagdagan pa. Hindi madaling mamilit ng tao. Alam ko naman na kung hindi gustong magpa-interview ng isang tao, hindi dapat ipilit..." sumulyap siya kay Aldrei. "Kaya lang sa case ko, kailangan kong ipilit talaga, eh. Binitiwan ko na ang assignment na 'to. Kinuha ko na lang uli kasi hawak ng boss ko ang Encantador. Hindi niya sinabi in details kung bakit isa sa mga nasa list niya ang artwork pero parang may tinutuklas siyang misteryo? Parang ganoon ang pagkakaintindi ko. No'ng nabili niya na, parang na-solve na yata 'yong mystery. May hidden message daw sa Encantador—message ng ina para sa anak. Kung matatapos ko ang assignment, aside sa payment, ibibigay niya sa akin ang impormasyon kasama ng artwork."

"Ginagamit ka ng boss mo," sa wakas, nagsalita ang kasama niyang taong-yelo. "Alam niyang mahalaga sa 'yo ang Encantador."

Umiling si Ruth. "Hindi ganoon," salungat niya. "Wala naman siyang alam sa kuwento ng pamilya ko, eh. Hindi niya alam na anak ako ni Tres."

"That's what you think," sabi nito. "Maraming katotohanan ang iba sa iniisip ng tao."

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon