Part 16: Pagpayag

1.3K 56 4
                                    

HINDI makapaniwala si Ruth na nagtagumpay siyang makapasok sa rest house. Nag-text na siya kay Kuya Efren noong araw na nakapasok siya. Ang curiousity ni Pearl sa gumagawa ng paper airplanes na nasa labas ang nagpapasok sa kanya. Nagmagandang loob naman si Camille na sa kuwarto na lang siya nito mag-stay hanggang magkausap uli sila ni Aldrei Gucelli. Akala naman ni Ruth ang dali lang niyang magagawa nang nasa loob na siya ng rest house.

Mali siya. Inabot nang isang linggo na hindi man lang niya nakita kahit anino ni Aldrei Gucelli. Nasa studio, lumabas, may bisita at sumama paalis—iyon ang mga sagot ni Camille sa ilang araw na nagtanong si Ruth kung nasaan ang masungit na artist. Kaya pala nakalusot siya ng one week. Busy ang guwapong 'taong grasa'. Ang sadya niyang interview, naging bakasyon na lang. Tuwing paalis kasi sina Camille na wala naman sa rest house si Aldrei, sumasama siya. Nag-iikot lang ang mag-Tita sa Baguio. Laging may kasama ang dalawa na lalaking parang naka-program lang para mag-drive. Lalaking green eyed na ang tangkad din.

Nang sumunod na linggo, nag-effort na talaga si Ruth. Inaabangan na niya ang paglabas ni Aldrei. May tatlong 'station ' na siya sa rest house—sa living room, na kita niya kapag lumabas ng kuwarto si Aldrei, sa labas ng studio nito, para makita niya ang paglabas, at sa bakuran, para makausap niya bago pa man makasakay sa kotse. Nagbunga naman ang paghihintay ni Ruth. Sa tatlong 'station' na iyon, nagtagpo sila ni Aldrei. Ang problema, hindi nga lang siya nag-eexist sa paningin nito. Deadma ang artist. Para siyang invisible. Nahiya lang sigurong tanggihan si Camille. Si Camille kasi ang nakipag-usap kay Aldrei. Na hayaan na lang siyang naroon para naman may nakakausap ang mga ito, lalo na si Pearl na aliw na aliw sa mga paper airplanes na ginagawa niya at pinalilipad nila sa bakuran.

Pero ang sadya niyang interview, forever pa yata ang hihintayin ni Ruth. Hindi niya gustong sumuko. Kailangan niyang makuha ang last piece ng art work ng ama para sa sinasabi ni Juan Ibarra na mensahe ng ina.

Nang malaman ni Ruth na nagbibilang na lang ng mga araw sina Camille at Pearl sa rest house, nagdesisyon na rin siya—gagawin niya ang lahat para mapapayag lang si Aldrei sa interview. Kung makakaalis na sina Camille na wala pa siyang kahit anong nakukuha sa artist, sigurado siyang sa labas ng gate na lang siya pupulutin. Alam niyang dahil lang kay Camille kaya napilitan si Aldrei na hayaan siyang manatili sa rest house.

Biglang tumayo si Ruth sa sofa nang makitang bumaba ng hagdan si Aldrei. Mukha na naman itong guwapong pulubi. Agad lumapit si Ruth. Pinilit niyang huwag pansinin ang kabog sa dibdib. Lagi na siyang kinakabahan tuwing nagkakalapit sila. Sino ba namang magiging komportableng lapitan ang artist na kung hindi tahimik na tahimik, lagi namang galit. Gusto na nga niyang isipin na magkakilala sila sa past at may lihim na galit sa kanya ang lalaki.

"Mr. Gucelli—"

"No," putol agad nito, nakatutok sa unahan ang tingin. Tuloy tuloy ang mga hakbang.

Humabol si Ruth. "Kailangan ko talaga 'tong tapusin," panay ang sunod niya kahit hindi naman siya nito pinapansin. "Hindi ako magi-stay dito at mangungulit nang mangungulit kung hindi importante sa akin na matapos ang assignment ko. Mr. Gucelli, Sir—" humarang na siya sa daanan nito. "Please, five minutes lang!"

Naggalawan ang mga ugat nito sa mukha. Tumingala na para bang nagpigil ng emosyon. Ilang segundong tumingala na parang kinalma ang sarili. Nang ibalik sa kanya ang tingin, napaatras ng isang hakbang si Ruth. Ang talim na naman ng tingin nito. Mga mata ng taong mananakit ang tingin niya sa lalaki kapag ganoon na ang titig nito. Space lang ang alam ni Ruth na kakampi niya kaya umatras siya.

"Gagawin ko lahat ng gusto mo," sabi ni Ruth, sinadyang hindi na tumingin sa mga mata nito. "Okay sa akin kahit gawin mo pa akong maid! Wala kang oras? Ayos lang, ako'ng mag-a-adjust. One question per day lang, Mr. Gucelli. One to two minutes mo lang na sasagutin. Please..." wala sa loob na umangat ang kamay niya para abutin ang braso nito. Agad umatras ng dalawang hakbang ang lalaki. Saka naman na-realie ni Ruth ang gagawin niya.

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon