FIFTEEN minutes before ten, nagpaalam na si Ruth kay Lolo Melandro. Hindi nga lang siya nakaalis agad. Nakiusap kasi ang matanda na sasabay na lang sa kotse niya. Hindi raw nito kayang magmaneho pauwi. Agad pumayag si Ruth. May ilang minuto pa naman. Ihahatid na muna niya si Lolo Melandro sa bahay nito.
"Hindi ko pa gustong umuwi, Ruth," sabi ni Lolo Melandro pagkapasok nila sa village. "Sasamahan na lang kita sa interview mo, hija."
"Sure po kayo na okay ang pakiramdam n'yo? Hindi ko kasi alam kung hanggang ano'ng oras akong maghihintay kay Professor M, Lolo—"
"I feel fine, hija. 'Wag mo akong alalahanin."
Tumango na lang si Ruth at hinarap ang pagmamaneho. Pagdating sa tapat ng bahay ni Professor M, ibinaba niya ang tinted na salamin ng kotse. Ganoon pa rin. Nakasara lahat ng bintana. Walang sign na may tao. Ang puting mabalahibong aso pa rin ang nasa bakuran, nilalaro ang puti rin na kuting. Pinindot ni Ruth ang button ng door bell. Ilang oras na lang ang natitira sa deadline pero hindi pa rin niya gustong sumuko.
Naramdaman ni Ruth na nasa tabi na niya si Lolo Menandro. "Baka whole day na akong mag-abang, 'Lo. Gusto n'yong ihatid ko na muna kayo?"
"Nagawa mo na, Ruth."
Napabaling siya rito. "Ang ano po?"
"Knight!" malakas na tawag ni Lolo Melandro. Nag-react ang mabalahibong aso na nasa loob ng gate. Biglang tumigil sa pakikipaglaro sa kuting. Tumahol ng recognition, kumawag ang buntot. Tumakbo palapit sa gate...
Para sumalubong sa pagdating ng amo?
Bumalik ang tingin ni Ruth kay Lolo Melandro. Ngumiti ang matanda. Naglabas ng susi para buksan ang gate.
"P-Professor M?"
Magaang tawa ang sagot ni Lolo Melandro. Hindi naman nakakilos agad si Ruth. Hindi makapaniwalang ang mailap na professor na pinahirapan siya ng isang linggo, kausap na pala niya!
"MAY problem ka?" ang tanong agad ni Fatty sa kabilang linya. Tinawagan ni Ruth ang kaibigan para may makausap. Nawala na ang magaan niyang mood para tapusin ang bagong 'project' para kay Juan Ibarra. Ramdam ng dalaga na bumaba ang energy niya. Gusto na lang niyang matapos ang araw na sa sofa lang siya at tulala. Alam na niya ang kasunod noon, mag-iisip nang mag-iisip na naman siya. Maghahanap ng sagot kung bakit napapanaginipan niya ang eksenang iyon nang paulit ulit.
"Wala naman," mababang sagot ni Ruth kay Fatty, huminga nang malalim at mas sumandal sa backrest ng sofa. Alam ng kaibigan na nagbabalik ang ganoong panaginip niya tuwing may problema, may inaalala, may hindi natapos na trabaho na cause ng stress niya. "Okay ako kahapon, Fatz. Gusto kong isipin na ang painting na nakita ko ang reason." At mariin siyang pumikit. Pabalik balik sa isip niya ang mukha ng babae. Para talagang may something. Parang pamilyar pero sigurado naman siyang unang beses lang niyang nakita ang painting o pati ang mukhang nasa portrait.
"Ano'ng painting 'yan?"
"Portrait ng babae," sagot niya at pumikit. "Kasama sa research ko. Babalik pa nga ako sa exhibit, eh. Ang bigat lang ng pakiramdam ko..."
"Ano ba'ng meron do'n? Bakit iniisip mong connected sa panaginip mo dati?"
"Hindi ko alam," at napa-exhale. "Basta may iba akong na-feel, Fatz! 'Di ko ma-explain. Parang nakita ko na rin somewhere—kung 'yong painting o 'yong mukha ng babae, hindi ko sure."
"Baka may nakakakapit na mumu sa painting? Nagre-research ka 'di ba? Mag-ipon ka ng info tungkol sa painting na 'yan para may clue tayo!"
"Kaya nga kailangan kong bumalik sa exhibit."
"Ano'ng name ng artist na nagpinta?"
"Tres."
"Ano'ng title ng art piece na 'yan?"
"Encantador."
"Oh, no! Engkantadong painting?"
Natawa si Ruth. "Hindi. Spanish word 'yan. Lovely or charming 'ata ang meaning. Di ko pa sure, i-Google ko later. Baka girlfriend or asawa ng artist si girl na model. 'Yong part sa gallery na kasama ang painting na 'yon, patay na ang mga artist. Mga last art work nila bago namatay."
"Medyo creepy, sis—"
"Shh!" biglang saway niya sa kaibigan. "Mahaba pa ang research ko, sis. 'Wag mo akong takutin!"
"Sa pad ka na lang matulog," ang sumunod na sinabi ni Fatty. "Hindi ka dapat mag-isa kung nananaginip ka na naman ng masama."
"Text ako later, sis," sabi na lang niya. Pinilit ang sariling bumangon para i-check ang mga pictures at ilipat sa iisang file. Naka-set na ang utak niya na tapusin ang project ng three weeks to one month. Hindi siya dapat talunin na naman ng masamang pakiramdam. Hindi siya babalik sa dati—noong parang nakakulong siya sa mundong siya lang ang naroon.
Tama na ang isang taon na para siyang zombie. Na nag-eexist siya pero parang wala siyang maramdaman.
Tama na ang isang taon na hinayaan niya ang sariling mai-stuck sa mundong parang hindi umiinog. Nakalampas na siya sa stage na iyon. Tapos na ang parteng iyon ng buhay niya.
Okay na si Ruth. Okay na siya kaya nga naging panatag na ang kinilala niyang ina na iwan siyang mag-isa. Hinarap na rin nito ang sariling buhay, tinupad ang sariling mga pangarap na binitiwan nito noon para maging ina sa kanya.
Ang tagal na napatitig lang si Ruth sa screen ng laptop niya. Parang tuksong nakita niya sa screen ang portrait. Pumikit siya, ang eksena naman sa panaginip niya ang nakita ng dalaga sa isip. Dumilat siya bigla, nakaawang ang bibig. Sunod-sunod ang pagpilig ng ulo ni Ruth para itaboy ang buhay na buhay na eksena.
Pamilyar na pamilyar ang dilim, ang tunog ng iyak, ang pakiramdam na tumatakbo...at ang dugo sa kuwartong may malamlam na liwanag...
"God..." hinahagod na niya ang sentido. Sa mabilis na kilos ay tumuloy si Ruth sa banyo. Gusto niyang umasa na kasamang tatangayin ng agos ng tubig ang mga hindi niya magandang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampirosClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.