AH, so, 'yan pala ang routine mo...
Nasa bakuran si Ruth. Naglatag siya ng towel sa trimmed na damo at humiga. Paborito niyang spot iyon, medyo kubli. Kunwari, mga bituin ang balak titigan, ang totoo, inaaabangan lang niya kung lalabas uli si Aldrei at magtatagal sa rooftop. Pang-five night na niya sa 'stargazing' moment na iyon. Sa last four nights, nakita niyang nasa rooftop si Aldrei—sa parehong oras—twelve midnight. Nagmamasid sa ibaba ang artist. Parehong oras din ang pagpasok nito, bago mag-one AM. Napansin rin ni Ruth na hindi na laging nagkukulong sa studio ang artist pagkagaling nila sa Sagada.
Sa umaga, habang maid na nagdidilig ng halaman ang peg niya, nasa porch ang artist. Nagbabasa ng broadsheet o libro. Pero nagbago man ang araw araw na pagkukulong lang, ang pagiging sungit at utos king, hindi. May nalampasan lang siyang diligin na isang paso, inutos na ulitin niyang diligin lahat ng halaman sa buong bakuran. Nagreklamo si Ruth, inutos nitong magwalis siya sa buong paligid. Na wala daw dapat ni isang tuyong dahon na maiiwan o magwawalis siya hanggang sa labas. Utos ito nang utos hindi pa nga siya tapos magdilig. Sa inis, itinutok niya rito ang hose hanggang nabasa ang buong katawan nito.
Saka niya ginawa ang dapat ay perfect walk out scene. Dinampot nga lang ni Aldrei ang hose at siya naman ang 'dinilig'!
Kung nakakasugat ang tingin, pareho na silang sugatan sa talim ng tingin sa isa't isa bago sila naghiwalay na basa pareho.
Tuloy ang kalbaryo ni Ruth pero ang twelve midnight na interview, hindi na nasunod. Wala nang oras na sinusunod si Aldrei. Nasa living room na lang ito, magtataas ng mga paa at tatawagin siya kung gustong sumagot ng tanong. Paisa-isang tanong lang sa bawat meeting nila sa sala. Sa limang araw na lumipas, may isang araw na dalawang tanong ang sinagot nito. Ang artist nga lang ang pumipili ng tanong na gusto nitong sagutin. At ang mga sagot, ang iikli lang. Kapag nag-follow up question siya, blangkong tingin lang ang ibabalik. Kaya naman kung ang kilalanin si Aldrei Gucelli ang rason ni Juan Ibarra sa reaserch na iyon, malabo. Ingat na ingat sa pagbibigay ng impormasyon ang 'taong grasa.'
Six questions na lang ang walang sagot sa list ni Ruth, hindi pa rin siya nagkaka-chance na makapasok sa studio.
Nang gabing iyon, hindi na siya matatakot. Ang planong hindi niya itinuloy nang nagdaang gabi, gagawin na ni Ruth sa gabing iyon. Nangahas siyang sumilip sa studio mga alas dos nang madaling-araw—maliwanag sa loob. Silip lang ang ginawa ni Ruth matapos niyang itulak ang pinto. Dalawa lang ang nahagip ng tingin niya, ang hindi tapos na canvas at si Aldrei—na nakahiga sa sahig at kung tama ang hula niya, tulog na. Umatras si Ruth at maingat na inilapat ang pinto.
Unang beses na pag-sneak niya iyon. Sa gabing iyon ang susunod.
Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa kalawakan, maingat na naupo si Ruth. Sa rooftop huminto ang mga mata niya—naroon pa rin si Aldrei, hindi tumitinag sa puwesto. Bakit kaya laging pinapanood ng artist ang tanawin sa ibaba? Inspirasyon sa pagpinta? Nakaka-inspire bang panoorin ang hindi nag-iibang view? Nasa iisang direksiyon lang naman kasi ang titig nito—sa view sa ibaba.
Ano'ng iniisip mo, Aldrei Gucelli? sa isip ni Ruth, humiga uli at balik sa pagtitig sa kalawakan. Ba't di na lang ako ang isipin mo, 'di ka pa mai-stress! Kasunod ang malapad na ngiti. Mga thirty minutes pa...
Naghintay si Ruth na matapos ang thirty minutes. Nang ibalik niya sa rooftop ang tingin, wala na si Aldrei. Mga ten minutes pa, pumasok na rin si Ruth. Sa sofa lang siya sa living room nag-stay. Naidlip siya ng bandang past one AM. Naghintay siyang mag-alas dos para sa 'masamang plano.'
Two ten AM, walang tunog na siyang pumasok sa studio. Gaya nang nagdaang gabi, sa hindi tapos na canvas at kay Aldrei na flat na flat sa sahig ang pagkakahiga. May mga mantsa na naman ng kulay ang t-shirt nito...
At huminto sa pisngi ng artist ang titig ni Ruth—may kulay itim na dumi sa pisngi at ilong nito—napangiti si Ruth. Kung hindi lang babasagin ng click ng phone camera ang nakakabinging katahimikan sa studio, nakunan na niya ng picture si Aldrei, na gagamitin niya laban sa artist kapag nagkapikunan na naman sila.
Okay ang tatag sa lamig, ah? Sa isip ni Ruth. Manipis ang white shirt na suot, butas butas pa ang jeans, hindi man lang nilalamig?
Nahagip ng mata ni Ruth ang black jacket na nakasampay sa backrest ng upuan sa harap ng canvas. Walang tunog ang mga hakbang, kinuha ni Ruth ang jacket. Binalikan niya si Aldrei para maingat na kumutan ng jacket ang upper part ng katawan. Natuwa siya nang hindi man lang ito tuminag. Hindi namalayan ni Ruth na titig na titig na lang siya sa mukha nito, particular sa pisngi at ilong na may dumi. Muntik na niyang abutin ang mukha ng artist—na na-realize ni Ruth na hindi niya dapat gawin. Dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari: Ang magising si Aldrei at magsungit na naman o hindi ito tuminag—kaya matutukso siyang ulitin ang ginawa.
Mas okay nang wala siyang gawin.
Nang ma-realize na ang tagal na niyang tumititig, maingat na tumayo si Ruth at dumistansiya na sa artist. Hindi naman talaga si Aldrei ang pakay niya sa loob. Bonus na lang ang magandang view sa sahig. Ang talagang sadya niya ay ang mga paintings...
Unti-unting umikot ang tingin ni Ruth sa hilera ng mga painting sa dingding at sa sahig. Maluwang pala ang lugar—na hinati sa dalawa, ang studio at mini library. Sa dulo sa kanan, collections ng mga libro. May isang section na sa halip na libro, hilera ng mga framed sketch.
Bumalik ang tingin ni Ruth sa mga painting. Gray, black and white lang talaga... Kung siya ang magiging art collector, wala mang sign, agad niyang malalaman ang gawa ni Aldrei. Bukod kasi sa dilim, may common sa mga obra nito—dagger. Dagger na nakabaon sa buwan, sa katawan ng puno, sa ibabaw ng bato, may nakatarak sa lupa, sa dingding ng hindi buong kubo, may makaturok ang dulo sa gitna ng isang palad, may mahigpit na hawak ng isang kamay na parang itatarak sa sariling dibdib.
Pero sa dalawang painting nagtagal ang mga mata ni Ruth. May buhay na buhay na kulay kasing humalo sa gray, black and white—red. Ang dalawang painting lang ang may ibang kulay.
Dugo...
At ang nasa mga painting?
Ang una, half-faced woman na may isang butil na luhang papatak sa mga bagay na tinitingnan nito—dagger na may nakapulupot na nalalanta nang rosas. Nasa ibabaw ng nakalatag na wedding gown ang patalim na may bahid ng dugong kumalat rin sa gown.
Ang isa naman, duguang dagger na may isang patak ng dugong babagsak sa bagay na nasa ilalim, katapat ng dulo ng armas—paper airplane.
Ang tagal na napatitig si Ruth sa dalawang painting.
Ano'ng mayroon sa dagger at paper airplane?
Sumigaw bigla si Aldrei.
Pakiramdam ni Ruth, nalaglag ang puso niya. Sapo ang dibdib na lumingon siya. Nakaupo na sa sahig ang artist, hindi pantay ang paghinga. Nataranta naman si Ruth. Hindi alam kung paano lalabas ng studio na hindi siya mapapapansin—nag-angat ng mukha si Aldrei. Nagtama ang mga mata nila. Wala nang nagawa si Ruth kundi ang lumunok.
"Why are you here?"
"Ah..." nangapa nang sasabihin si Ruth. Hindi iyon ang iniisip niyang ending scene plano niyang lihim na pagpasok sa kuta ni Aldrei Gucelli.
Nagdilim ang anyo nito. Napako naman si Ruth sa puwesto. Hindi alam kung paano tatakas. Alam niyang disaster dawn na naman iyon. Lagot na lagot na naman siya. Beastmode na naman ang artist.
"Why are you here?" ulit ni Aldrei, mas mababa. Pakiramdam ni Ruth, bigla na lang siya nitong hihilahin at ihahampas sa dingding. "Answer me!" marahas na sigaw nito.
Napaatras si Ruth...
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.