"I'M READY," si Aldrei na sumandal na sa headboard. Ready na makinig sa binanggit niyang kuwento. Nasa guest room na sila. Hindi na umalis ang artist pagkahatid sa kanya. Pagkatapos niyang matulala nang ilang minuto sa harap nito, naglakad si Ruth papasok sa guest room na parang zombie. Naupo siya sa kama at tagos na tumitig sa dingding. Umupo naman si Aldrei sa kama, sumandal sa headboard at nanahimik lang.
Mga thirty minutes na walang ingay sa kuwarto. Si Ruth pa rin ang unang nagsalita. Naisip niyang hindi magiging malinaw ang mga malabong impormasyon kung hindi nila pag-uusapan. Gusto rin niyang magkuwento tungkol sa hindi niya maintindihan sa sarili.
"Magse-share ako," basag ni Ruth sa katahimikan, maingat siyang naupo sa tabi nito, sumandal din sa unan. "Para naman fair, mag-share ka rin ng story. Linawin mo ang 'sumpa' na 'yan. Parang magkaka-headache na ako, eh." Totoo pa ba ang sumpa sumpa sa modernong panahon? Ano, isinumpa ng witch si Aldrei? May sinaktang witch girl? Para mag-work ang sumpa, may involve na kapangyarihan, na kadalasan, itim o masama. Wala naman siyang proof sa mga sumpa-sumpa, base lang sa nabasa niyang books at napanood na movie. Akalain ba niyang totoo pala iyon?
Hindi kaya isinumpa si Aldrei ng ex para maging miserable habang-buhay?
Simpleng tango lang ang sagot ni Aldrei. Inihanda na ni Ruth ang sarili sa mahaba-habang usapan.
"Sabi sa Google, model si Rikk Doome," bumaling si Ruth para makita ang reaksiyon nito sa pagbanggit niya sa pangalan. "Hindi ko sure kung nadadaanan lang ng tingin ko sa EDSA 'yong billboard niya kaya siya naging pamilyar o tama akong may something na nagko-connect sa amin."
Tahimik lang si Aldrei pero nakita ni Ruth na parang naggalawan ang facial muscles nito nang mag-shift ng focus, tumingin sa kabilang direksiyon, parang gustong itago ang visible reaction.
"Aldrei?"
Saka lang nito ibinalik sa kanya ang tingin. Sa mata niya tumutok ang titig.
"May something unusual ba sa face ko? Wala naman 'di ba?"
Nag-shift na naman ang tingin nito, umikot sa buong mukha niya. Nagpigil ng hininga si Ruth nang tumigil sa gitna ng noo niya ang titig. Naghintay siya ng sasabihin nito pero tahimik lang ang artist.
"May...may something na pale black?" nag-iba na ang tibok ng puso ni Ruth. Gusto niyang marinig na sabihin nitong wala, na imahinasyon lang niya ang nakitang pale black na bilog sa noo niya pagkatapos ng bangungot.
Marahang tumango si Aldrei. Umangat ang kamay nito at hinaplos ang gitna ng noo niya. "Here."
"No'ng nakita ko si Rikk Doome sa Mall, hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang ginawa ko. 'Yong scent na familiar sa nightmare ko, nasa paligid nang araw na iyon—scent niya. 'Yong guy na dumating sa nightmare ko, 'di ko nakita ang mukha pero hindi ko alam kung bakit sigurado akong siya 'yon..." at napa-exhale. "Maiintindihan ko kung 'di ka maniniwala. Ako rin nga eh, nahihirapang intindihin ang mga nangyayari. Ang weird..."
Tahimik lang si Aldrei, hindi pa rin inaalis sa mukha niya ang tingin.
"Si Rikk Doome, parang kilala rin niya ako. Nag-hug-back eh...'tapos sabi niya, 'you're safe now," umiling-iling si Ruth. "Bakit parang alam niya ang nangyayari sa akin? Ang mas weird, no'ng 'nilapat niya sa noo ko 'yong kamay niya, may na-feel akong iba. Parang energy na sobrang lamig—basta ang hirap i-explain. Alam mo 'yong feeling na ang bigat ng ulo mo na parang sasabog anytime, gano'n...then parang...parang may power sa kamay niya 'tapos 'yong heavy feeling sa ulo ko, nawala lahat. Parang...hinugot niya? Or sumama sa kamay niya? Ang creepy!"
"Go on," si Aldrei na nahuli niya ang pagkunot ng noo bago binawi ang tingin. "Ano pa?"
Kaya gusto ni Ruth na mag-share ng kahit ano kay Aldrei, kahit pa mga weird happenings sa buhay niya, nakikinig kasi ang artist. Pakiramdam ng dalaga, kahit ikuwento niyang nakaapak siya sa buwan, wala pa rin itong hindi magandang reaksiyon. Makikinig lang, hindi siya huhusgahan o sasalungatin. Pakikinggan lang pati ang mga imposibleng detalye.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.