38

988 33 0
                                    

 HALOS two hours nang nasa rooftop si Ruth. Lampas nine PM na iyon. Pagkatapos ng dinner, sa rooftop na siya nagpalipas ng oras. Naisip ni Ruth na mas makakapag-isip siya kung may hangin. Inihanda niya ang sarili—nakapantulog na siya na pinatungan ng makapal na jacket.

Sa mga unang minuto, nakaupo lang siya. Inuulit na naman ang pagtitig sa search result na nasa screen ng cell phone niya. Gusto pa rin ni Ruth na isiping mali lang ang Google. Na kung uulitin niya ang pag-search, ibang results ang ilalatag sa kanya.

Pero nagpapantasya lang siya. Consistent ang Google. Hindi pinagbigyan ang iniisip niya. Model nga si Rikk Doome. Nasa online news pa ang picture ng isang billboard sa EDSA—na naisip ni Ruth na dahilan siguro kaya pamilyar sa kanya ang lalaki. Baka imahinasyon na lang niya ang koneksiyon sa pagitan nila. Baka utak na lang niya ang bumubuo ng ilusyon—na ang scent sa panaginip niya at ang savior niyang faceless ay si Rikk.

You're safe now, malinaw niyang narinig na ibinulong iyon ni Rikk. Ibig bang sabihin, alam nito ang panganib na pinagdaanan niya? Pero paano naging posible na alam ng lalaking hindi niya kilala ang eksena sa bangungot niya?

Hingang malalim uli. Balik sa screen ng cell phone ang mga mata niya.

Ang limited lang ng info, si Ruth na inuulit lang ang mga na-click na niyang link. Napatingala siya sa kalawakan. Walang bituin. Kung kailan naman gusto niyang mag-stay sa rooftop, saka naman nagtago ang mga bituin. Pumikit si Ruth at huminga na naman ng malalim. Saan ba papunta ang nakakalito niyang journey?

May ilang oras pa siyang maghihintay kay Aldrei. Hindi pa niya nakita ang lalaki mula nang iniwan niya sa kuwarto nito. Pagbalik ni Ruth pagkatapos kumain, blangko na ang kama. Hindi na siya nag-check sa studio. Hindi niya gustong kunin ang oras nito sa pagpipinta.

Nag-send na lang si Ruth ng text message.

Okay ka na?

Walang one minute, may reply na si Aldrei. Yes.

Napanatag na siya. Nagpaka-busy na lang sa pagre-research para sa next blog post ni Flix. May new email na dumating. Kailangan na naman ng blogger ang serbisyo niya. Si Juan Ibarra naman, wala pang imik pagkatapos ng last email niya. Ilang questions na lang ang wala pang sagot. Naghihintay na lang si Ruth sa mga sagot ni Aldrei.

Si Fatty naman, kausap niya sa Messenger. Nag-eenjoy ang kaibigan sa Japan. Natawa si Ruth nang sabihin nitong kasama na sa wish list ang makahanap ng iuuwi na Hapones. Totoo man o inaaliw lang ni Fatty ang sarili, hangad niya ang kaligayahan nito.

Ako lang ang may complicated life, sa isip ni Ruth at napabuntong-hininga. Gusto niyang makakita ng stars. Ang magandang view man lang sana sa kalawakan, makagagaan na ng mood pero wala.

Ang tahimik at ang lamig ng gabi...

Napatingin si Ruth sa doorway nang pumasok si Aldrei. Naka-black shirt and black jeans, may bitbit na gray scarf. Pinanood ni Ruth ang paglapit nito. Pati talaga simpleng paglalakad, ang guwapo—pinigilan ni Ruth ang pagngiti. Sa magulo niyang mundo ngayon, si Aldrei talaga ang parang happy pill niya. Presence lang nito, sapat na para kalimutan muna niya ang mga iniisip at inaalala.

Umupo ang lalaki sa tabi niya. Bumaling si Ruth. "Hi."

Titig lang ang sagot nito, matagal na titig sa mga mata niya. Na-touch na naman si Ruth sa sumunod nitong ginawa—isinuot sa kanya ang scarf na dala.

Katahimikan.

Pareho silang nakasandal sa pader at nakatingin sa kalawakan. "Mag-stay ka ba hanggang twelve?" tanong ni Ruth. Nilalamig siya pero gusto ni Ruth na magtagal sa rooftop. Bahala na kung may sipon na naman siya bukas.

"Why?"

"May gusto akong i-share—medyo mahaba, pero ang lamig, eh." At niyakap niya ang sarili. Bilib talaga siya sa tolerance ni Aldrei sa lamig. Parang mga foreigner lang sa Sagada, ang titibay sa lamig. Mga naka-sleeveless at shorts.

Hindi umimik si Aldrei. Nag-isip yata kung magtatagal sa rooftop o babalik agad sa loob. Kung aalis ito, ayos lang naman. Tanggap niyang boring para sa iba ang mas gustong niyang long conversation.

Tahimik na tumayo si Aldrei. Sumunod lang sa pagkilos nito ang mga mata ni Ruth. Disappointed man, hindi siya magde-demand ng oras. Kung gusto nitong mag-stay at makinig sa kanya, hindi kailangang ipilit pa niya.

Inilahad ni Aldrei ang kamay. Napamaang si Ruth. Hindi niya inaasahan. Ang iniisip niya, iiwan na lang siya nito sa rooftop. Mula sa kamay, lumipat sa mga mata ng lalaki ang tingin niya.

"You'll catch a cold," sabi nito. "Mas malamig dito."

"Parang hindi ka nga nilalamig, eh." Inabot niya ang kamay nito. Hinigpitan ni Aldrei ang hawak at hinila siya—na sinadyang lagyan ng puwersa. Nag-landing ang katawan ni Ruth sa yakap nito. Ilang segundong nagtagal ang yakap. At natawa na lang si Ruth nang parang bata lang siyang binuhat ng artist. Hindi man lang ramdam ang bigat niya!

Deretso sa loob ng bahay ang mga hakbang ni Aldrei. Ang pangarap ni Ruth na mahawakan ang stubble nito, nangyari na. Ang lapad ng ngiti niya, naglalaro ang mga daliri sa mukha nito, sinusundan ang naka-shape na stubble.

Deadma naman si Aldrei. Level ang tingin sa harap. Hindi natitinag sa ginagawa niya sa mukha nito. Pero nang haplusin niya ang pisngi, bumaba sa kanya ang tingin. "Do whatever you want except a mouth kiss."

Tumigil ang mga daliri ni Ruth sa pisngi nito. "Bakit bawal?" nagpigil si Ruth ng kinikilig na ngiti. Hindi naman niya kailangan ng mouth kiss para kiligin. Okay na nga siya sa hawak lang sa stubbles nito, sa ngiti, o kahit titig lang at walang sabihin.

"I might faint."

Tumawa si Ruth, namimilog sa tuwa ang mga mata. Hindi niya naisip na posible ang kilig scene sa pagitan nila noon. "Seryoso?" Hindi siya naniniwalang mawawalan ito ng malay sa isang halik lang.

Niyuko siya ni Aldrei. "Seryoso ang nakita mong kahinaan ng puso ko, Ruth."

Saka lang nalinawan si Ruth. Ang sinasabi pala nito, ang na-witness niyang 'atake' na wala pa rin malinaw na paliwanag hanggang nang sandaling iyon.

Puso? May heart condition si Aldrei? Pero nilinaw sa kanyang wala itong sakit na nakakamatay!

"I thought wala kang sakit?" balik ni Ruth, nawala na ang ngiti. Seryoso talaga kung puso ang issue. Hindi dapat gawing biro lang. "Sinabi mong hindi delikado ang kondisyon mo, 'di ba? Na wala akong dapat ipag-alala? Bakit ngayon, iba na naman? Ano'ng totoo talaga? May problema ka sa puso?"

"Hindi ang sakit sa pusong iniisip mo, Ruth."

"Ano pala?"

Nakarating na sila sa tapat ng kuwarto niya. Maingat siyang ibinaba ni Aldrei. Hindi siya umalis sa harap nito, naghihintay ng sagot.

"Explain mo naman para maging malinaw."

"Curse."

"Curse?"

"May sumpa ang puso ko."

Napanganga si Ruth. Ang dami nang hindi niya maintindihan sa sarili, pati ba naman puso ni Aldrei, dagdag pa sa iisipin niya?

"Joke ba 'yan?"

Umiling ang lalaki.

Napasandal si Ruth sa nakasara pang pinto.

Sumpa?

Kung sana puwedeng tawanan na lang lahat. 

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon