Part 11: Pag-uusap

1.3K 43 9
                                    

HINDI inaasahan ni Ruth na magbubukas uli ng pinto ang taong grasa-galit sa mundong 'psycho' pala na katiwala yata ni Aldrei Gucelli. Napabalik si Ruth sa tapat ng pinto. Hindi na niya naituloy ang pagsiksik sa sulok ng porch para protektahan ang sarili laban sa lamig. Napagat-labi na si Ruth. Pinipigilan niya ang panginginig pero lamig na lamig na talaga siya.

At ang psycho, hindi man lang maawa. Tinitigan lang talaga siya mula ulo hanggang paa, blangko ang mukha. Ang matalim na mga mata kanina, mas malamig pa sa temperatura sa Baguio nang sandaling iyon.

"I...I'm..." hindi napigilan ni Ruth ang pangangatog. Sobra na talaga ang lamig. Kung wala siyang gagawin, maninigas na lang talaga siya. "Ah... a researcher from Manila. Ruth...Ruth Romero," nanginig na naman siya. Saka na nga ang tungkol sa interview. Kailangan muna niyang mabuhay! "Can I have...ah... a hot drink, please? Sobrang lamig na, eh. Pahiram na rin ng kahit anong kontra lamig. Basa kasi lahat ng gamit ko-" lumapit na si Ruth para pigilan ang paglapat ng pinto kung uulitin man nito ang pagbalibag. Blangko pa rin ang mukha ng taong grasa-este ng lalaki. In-assume ni Ruth na foreigner nga ito at hindi naitindihan ang mga huling sinabi niya. Uulitin na sana niya sa English ang mga sinabi pero naunahan siya ng lalaki.

"Fool," ang sinabi nito at mas hinila pabukas ang pinto. Inutusan siyang pumasok at tumalikod na. Nagliwanag ang buong living room. Agad naagaw ang atensiyon ni Ruth ng itim na sala set. At sa mga dingding ay mga painting na gray at itim ang kulay-gaya ng mga nakita niya sa Google. "Bago pa ako mawala sa sarili at mapatay kita." Narinig ni Ruth na dugtong nito. Agad agad bumalik sa lalaki ang tingin niya.

Ang yakapin na lang ang sarili ang nagawa ni Ruth.

Naglalakad na ang lalaki palayo sa malalaking hakbang. Naramdaman yata ang pagsunod ng mga mata niya, biglang lumingon. "Close the fucking door!" marahas na sigaw nito. Sa gulat, napatakbo si Ruth para isara ang pinto. May kutob siyang hindi na lang hypothermia ang magiging cause of death niya, heart attack na rin.

Ibang klaseng taong grasa. Galit yata sa tao at sa buong mundo!

Pero kailangan niyang ma-survive ang gabing iyon kaya walang pagpipilian si Ruth kundi tanggapin ang kahit anong kabaliwan ng lalaki. Ng lalaking iyon na hindi na niya alam kung matino o baliw talaga.

Lampas ten minutes yata, bumalik uli sa living room ang lalaki. Madilim pa rin ang mukha at parang mananakit na lang anytime kaya natakot si Ruth. Hindi siya dapat padalos dalos ng salita, baka bigla na lang siyang sakalin nito.

Pabagsak nitong binitiwan sa sofa ang mga bitbit na hanger-dalawang T-shirt, tatlong sweatshirt, isang makapal na jacket at dalawang scarf.

"T-Thank you. Saan...saan puwede magbihis?"

Itinuro nito ang second floor. "First door, left side," ang sinabi nito at naglakad na uli palayo. "Hindi ko gusto ng ingay. Manahimik ka o ako'ng magpapatahimik sa 'yo."

Grabe siya. Hindi man lang nag-offer kahit hot water lang?

Biglang tumuwid ang likod ni Ruth nang huminto sa paghakbang ang lalaki. Nasabi ba niya nang wala sa loob ang iniisip?

Lumingon ito, itinuro ang direksiyon sa kanan nila. "Kitchen." At tumalikod na uli.

"Puwedeng gamitin?"

Hindi na sumagot ang lalaki. Deretso ang mga hakbang nito papunta sa isang saradong pinto sa ibaba. Nagmadali naman si Ruth na puntahan ang binanggit ng lalaking pinto. Ang switch agad ang kinapa ni Ruth pagkabukas niya ng pinto. Banyo ang inaasahan niya pero maaliwalas na kuwarto ang tumabad sa mga mata niya. Guest room? Sa ibang pagkakataon, iikutin niya ng tingin ang bawat parte ng kuwarto pero mas kailangan niyang magbihis. Naghanap agad ng isa pang pinto ang mga mata niya. Iniwan na lang ni Ruth sa isang tabi ang mga basang gamit, sa couch naman ang mga pinahiram sa kanyang damit. Isang sweatshirt lang ang dala niya sa banyo.

Nang bumuhos sa katawan ni Ruth ang warm water, napapikit ang dalaga sa naramdamang ginhawa. Kung hindi siya papatayin ng lalaking galit sa tao at sa mundo, sigurado siyang buhay pa naman siya bukas.

Napangiti si Ruth, nagpasalamat sa Diyos sa isip. Pangako niya sa sarili, hindi na siya magiging careless. Hindi niya naisip na mapapatay siya ng nakalimutan niyang power bank!

Ginamit na rin ni Ruth ang towel na nasa rack-na base sa amoy, mukhang hindi lang weeks na naroon na, months na yata!

Pero mas mahalaga ang buhay.

Isinuot ni Ruth ang sweatshirt-na nilamon ang mga braso niya at naging mala bestida. Natawa si Ruth sa sarili. Ano'ng height ba ang lalaking iyon-natigilan si Ruth mayamaya. Six footer or lampas pa siguro ang height ng lalaki pero hindi iyon ang iniisip niya. Ang mga duming kulay sa katawan nito...

No, hindi siya...

Parang zombie na si Ruth nang lumabas ng kuwarto. "Siya ba? Ang...ang mala taong grasang galit sa tao..." umiling iling siya. "Si Aldrei Gucelli ang lalaking iyon?"

Napasabunot si Ruth sa sarili. Kung ang lalaking iyon nga ang artist na sadya niya, kulang ang thirty thousand na ibabayad sa kanya ni Juan Ibarra!

Hindi niya kaya ang tama ng lalaking iyon. Susuko na siya ngayon pa lang. Ma-survive lang niya ang gabing iyon at makabalik siya nang ligtas sa guest house, magse-send agad siya ng email kay Juan Ibarra na magba-back out na siya. Wala pa namang ibinayad sa kanya ang writer. Hindi naman siguro siya nito pipilitin na tuparin ang pinirmahan niyang kontrata na tatapusin niya ang project.

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon