Part 30

1.3K 57 4
                                    

NATATANGING KONEKSIYON: ANG ENERHIYA NG DILIM AT DUGO NG FEDEO NG LIWANAG

Ang Kasalukuyan...

"ANG hirap na..." bulong ni Ruth sa sarili, nasa kubling parte siya ng garden. Paborito niyang spot iyon sa ganoong oras—past twelve midnight. Gising na gising siya at nakatingala sa tatlong palapag na rest house. Sa ganoong oras kasi, lumalabas si Aldrei sa studio at nagtutungo sa rooftop. Ilang oras na naroon lang at nagmamasid sa dilim. May chance siyang panoorin ang artist na parang ang payapa habang nagmamasid sa ibaba.

Twelve AM, pinapanood niya ang artist sa rooftop. Two AM, lihim na papasok siya sa studio nito at mga fifteen minutes niyang panonoorin na nakahiga mismo sa sahig at natutulog. May ilang beses pa siyang na-tempt na haplusin ang pisngi ni Aldrei. Sa umaga naman, busy siya sa mga halaman pero ang mga mata niya, nasa porch. Naroon kasi ang lalaki at nagbabasa ng newspaper o kaya ay libro.

Tanggap na ni Ruth na enemies sila ng artist hanggang matapos niya ang trabahong sinadya sa Baguio. Hindi niya napaghandaan ang isang umagang iyon na nagising siya sa mula sa nakakatakot na bangungot. Sa hindi niya maintindihang dahilan, may hinahanap na kung ano ang mga mata niya at uhaw na uhaw siya.

Bumaba agad sa kusina si Ruth at uminom ng malamig na tubig. Nakatatlong baso siya bago nawala ang pagkauhaw. At nang tahimik na pumasok sa kusina si Aldrei na naka-jogging outfit pa, na-realize ni Ruth na ang lalaki ang hinahanap ng mga mata niya.

Nagtama ang mga mata nila. Kamuntik nang mabitawan ni Ruth ang baso. Ibang kaba ang naramdaman niya. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng kanyang puso. Hindi lang iyon ang pakiramdam na ginulat ang utak niya—may malakas na urge siyang lumapit sa artist, yumakap nang mahigpit at halikan ito hanggang maubusan sila ng hangin pareho.

Napahawak si Ruth sa backrest ng silya sa tapat niya. Kailangan niyang mahigpit na humawak doon para pigilan ang sarili. Gulong-gulo siya. Hindi maintindihan ang bagong pakiramdam. Kung epekto iyon ng bangungot—na na-suffocate siya ng itim na usok bago ang matinding kirot sa gitna ng noo niya—hindi alam ni Ruth. Himalang nagising siya pero sa bangungot, may lalaking sumalo sa kanya bago siya nawalan ng malay. Madilim lang sa kung saan mang lugar na iyon kaya hindi namukhaan ni Ruth ang lalaki. Ang natandaan niya ay scent na kahit nang magising siya ay naaamoy pa ng dalaga na parang kasama ng hangin. Sigurado si Ruth na kung maaamoy niya uli ang parehong scent, maaalala niya.

Tumingala si Ruth sa rooftop. Naroon na si Aldrei. Nagmamasid na naman sa ibaba. Salamat sa halaman, hindi siya nakikita ng lalaki. Mga bandang one AM, papasok na siya. Maghihintay ng alas dos para pumasok sa studio para magnakaw ng titig sa tulog na artist. Gustong isisi ni Ruth sa bangungot ang mga bago niyang pakiramdam.

Ang posibilidad na nahuhulog siya sa masungit na artist, ayaw isipin ni Ruth. Walang patutunguhan iyon. Rejection lang. Walang puso si Aldrei Gucelli—gaya ng mga painting nitong puro gray at itim. Kung may puso man, baka patay at hindi pumipintig. Or, itim rin.

Binawi niya ang mga mata at napailing. Nilalait niya ang artist pero panay naman ang nakaw niya ng titig. At kapag nagkakasalubong sila, laging kailangan niyang kumapit sa malapit na upuan o dingding para pigilan ang sariling yumakap rito nang walang dahilan. Gusto na lang nga ni Ruth na magkulong sa kuwarto para hindi na siya nahihirapan. Para kasi siyang ginagayuma ni Aldrei. Na imposible naman. Paano manggagayuma ang artist na galit sa tao at sa mundo?

Tumingala uli si Ruth—para mapasinghap lang nang makitang tatalon mula sa rooftop ang artist na ginugulo ang mundo niya!

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon