"ANO 'yon? English!"
Hindi nagsalita si Aldrei. Ibinitin pa siya. Gusto pang mangapa siya sa panghuhula ng tamang translation. Kinapa agad ni Ruth ang cell phone. Google translate! Pagtitiyagaan na niya ang nakakatawa o di kaya ay nakakasakit ng ulong translation.
Pero hindi pala niya nadala ang cell phone. Pag-angat niya ng tingin, napapangiti si Aldrei—na nawala agad nang magtama ang mga mata nila. Mas lumapit si Ruth.
"Bakit ayaw mo ng interview?" saka na siya maggo-Google. Question and answer muna habang may chance.
"Hindi ko kailangan."
"Known artist ka, may mga interested talaga sa buhay mo. Bakit ka pa bumuo ng magagandang art work kung wala lang sa 'yo ang fame?"
"Hindi ako nagpipinta para sa fame na sinasabi mo, Ruth."
"Para saan pala?"
"Para mabuhay."
Umawang ang mga labi ni Ruth, napatitig sa mga mata nito. Gusto pa sana niya ng mas maraming follow up questions pero pakiramdam ni Ruth, hindi iyon ang tamang oras. Alam niya ang pakiramdam nang sinusundan ng masasakit na alaala.
"Bakit ang sungit mo sa akin dati?"
"Hindi lang sa 'yo, sa lahat."
"Galit ka sa tao?"
"Walang lugar sa bahay na 'to ang mga taong gusto lang ungkatin ang walang halagang existence ko sa mundo."
"Hindi ka naman galit sa mundo?"
"Sa mga hayop na sumisira sa balanse ng mundo, oo."
"Sa mga mortal—mga hamak na mortal na gaya ko?"
"Kinikilala namin ang kahinaan n'yo. Handa kaming tumulong kung kailangan."
"Wala ka pang kinagat na mortal?"
"Na sinaid ang dugo at pinatay, wala pa."
"Bakit mo ako pinapasok no'ng gabing 'yon?" ang gabing lamig na lamig siya ang tinutukoy ni Ruth.
"Kailangan mo ng tulong."
"Gusto mong tumulong sa lagay na 'yon? Super sungit mo kaya!"
"Matatakot ka kung deep kiss agad ang ginawa ko pagkabukas ng pinto."
"Naisip mo 'yon?"
"Ngayon lang. Assuming ka, mortal."
Nagpigil ng tawa si Ruth. Si Aldrei, kuminang ang mga mata. Halatang nagpigil ng ngisi.
"Bakit bigla kang bumait sa akin?"
Titig lang ang sagot nito...at unti-unting pagngiti.
"'Wag kang ngumiti!" singhal niya at itinaas ang dagger. "Itatarak ko 'to sa puso mo—sabing 'wag ngumiti, eh!" Hindi natakot ang bampira, mas lumapad pa ang ngiti. Tumalikod si Ruth, para itago rin ang ngiti.
"Ruth—"
"Wait lang! Nag-iisip pa ako ng tanong!"
Katahimikan.
Biglang humarap si Ruth. "Bakit laging may paper plane at dagger sa mga painting mo?"
Nagbaba ng tingin si Aldrei. Ilang segundong hindi umimik. Nang ibalik ang tingin sa kanya, nakakapaso na naman ang lamig sa mga mata. Wala na ang kinang na nakita niya kanina lang.
Sa mababang boses, nagkuwento ng maikling detalye si Aldrei tungkol sa dalawang batang naging magkaibigan dahil sa bangka at eroplanong papel. Sa dalawang batang naging magkaibigan sa unang pagkikita pa lang. Sa batang nagpapalipad ng paper airplane para sa mga diwata, at sa batang iniharang ang sarili para iligtas ang kapwa bata.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampirosClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.