"WALA na akong heartbeat?" ulit ni Ruth, hindi makapaniwala. Paano naging posible na nabuhay pa siya pagkatapos ng bangungot kung tumigil na tibok ng kanyang puso?
Hindi talaga siya mapakali kaya naghanap si Ruth ng chance na magkausap sila ni Aldrei. Naghintay siya sa mismong labas ng pinto ng studio. Hindi nito gusto ng istorbo kaya hindi siya kumatok. Sunset time na nang sa wakas, bumukas ang pinto at lumabas ang artist. Agad tumayo si Ruth at nag-hi.
"Can we talk? Hindi interview..."
Tumango si Aldrei, na ipinagtaka ni Ruth. Hindi niya ini-expect ang mabilis na pagpayag nito.
"Sa porch," sabi nito. "Susunod ako."
Wala sa loob na lumapat sa sariling dibdib ang kamay ni Ruth. Nasa porch na sila nang sandaling iyon. Magdidilig na uli siya ng mga halaman paglubog ng araw. Tanda ni Ruth na bawat umaga, parehong tanawin sa porch ang nakikita niya-si Aldrei na nasa rocking chair at nagbabasa ng broadsheet. Parang hangin lang ang pagdaan niya sa tabi nito. Hangin, kasi ramdam nitong dumaan siya pero deadma, hindi siya nag-e-exist sa paningin. Magdidilig siya ng mga halaman na pasulyap sulyap sa artist.
Para talagang normal sa artist ang lamig sa Baguio. Hindi man lang affected sa lamig. Hindi na nga pala siya dapat magulat, nagto-topless pa nga ito.
Pagdating ni Aldrei, umupo sa porch, nagbasa ng broadsheet. Si Ruth naman, hindi na nagsayang ng oras. Sinabi na agad niya ang mga gustong sabihin-ang tungkol sa gabing iyon na nagising siya pagkatapos ng bangungot. Natatandaan ni Ruth na doon nagsimula ang weird niyang pakiramdam.
"Tanda ko 'yon," patuloy ni Ruth. "'Yong first morning na nakita kita..." ibinaba ni Aldrei ang broadsheet. Nagtama ang mga mata nila. Napanganga si Ruth nang ilang segundo. "Ano'ng...ano'ng nangyari sa mga mata mo?" kumurap pa talaga siya para makatiyak na tama ang nakikita niya. Sa ilang beses na nagtama ang mga mata nila, tanda niya ang kulay ng mga mata nito-dark.
Hindi dark eyes ang lalaking kaharap niya ngayon!
"Why? What about my eyes?"
"Weird."
"Weird?"
"Dark eyes ka 'di ba?"
Umangat lang ang sulok ng bibig nito. "Hindi."
"Hindi? Ano 'yon? Contact lens?"
Simpleng tango lang ang sagot nito.
"Eh, 'yan?" hindi matiyak ni Ruth kung super light brown, green o pale violet ang mga mata nito. "Fake rin? Contacts uli?"
"Real."
"'Di nga? Patingin?" hinawakan niya ang mga pisngi nito at malapitang tinitigan. "Mas mukhang fake!" at ngumiti. "Hindi ka mukhang ordinaryong tao sa matang 'yan."
"Kung hindi ordinaryong tao, ano?"
"Anghel?"
Napamura si Aldrei.
"Mura talaga agad?" balik ni Ruth, nagpigil tumawa.
Iniharang nito sa pagitan ng mga mukha nila ang broadsheet, parang gustong itago sa kanya ang mukha at ang tinititigan niyang mga mata kaya kunwari ay nagbasa uli. Natawa na nang tuluyan si Ruth. Hinila niya palayo ang newspaper. Huling huli niya ang hindi maipintang mukha nito. Nasa pagitan ng nagi-guilty, nahihiya at natatawa. Sinadya pang umiwas ng tingin.
Sobrang cute lang.
Tawa na nang tawa si Ruth. Hindi niya alam na nakakaaliw ang ganoong moment. Bago sa paningin. Mas sanay siyang guwapong pulubi na galit sa mundo ang artist.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampirosClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.