Part 23

1.2K 52 10
                                    

AH, bad cold!

Sa unang gabi ni Ruth sa Sagada at sa kuwarto, hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang every three seconds ang pag-sneeze niya. Pakiramdam ni Ruth, naipon na ang stress, ang kakulangan ng tulog, at ang lamig sa Baguio—talo na ng bad virus ang mga good virus sa katawan niya. Huli siya ngayon ng cold virus. At mas malamig pa sa Sagada kaysa sa Baguio. Umulan pa kaninang pagkababang-pagkababa ng araw. Sa kondisyon ng katawan niya, dobleng lamig ang nararamdaman ni Ruth. Walang nagawa ang jacket at kumot niya.

Napa-sneeze na naman siya—sa exact moment na bumukas ang pinto. Napatingin si Ruth sa pumasok na hindi man lang nag-warning knock—si Aldrei Gucelli sa usual na parang 'walang pakiramdam look'. Naka-all black ito, pati guwantes.

Napatitig si Ruth sa artist. Ang bilis lang na dinaanan nito ng tingin ang kuwarto. Sa kama huminto ang mga mata—sa kanya. Ang nakakaasar na mga virus, nagduduwelo na yata sa katawan niya. Ayaw man lang siya pagbigyang mapayapa. Magkakasunod ang pag-sneeze niya.

Walang reaksiyon si Aldrei. Pinanood lang siyang itumba ng sipon. "Free ka ba, Sir?" Tinatawag niyang Sir ang artist kapag saglit niyang nakalimutan ang mga pagpapahirap sa kanya.

"Yeah."

May himala?

Umupo ito sa isang sulok. Ang careless ng dating. Sumalampak lang na parang wala nang pakialam sa iba pang bagay. Pumikit ang lalaki pagkatapos.

"Mag-stay ka...rito?" may iba na naman agad sa heartbeat niya.

"Room ko 'to," pantay na balik nito. "Go somewhere else if—"

"Okay lang naman akong maki-share—" pause and sneeze. Dalawang beses na naman. Hindi siya aalis ng kuwarto. Chance na niyang makapagtanong. Saksakan man ng suplado ang artist, ramdam ni Ruth na hindi kasama sa bad traits nito ang mag-take advantage sa babae. "Since hindi ka naman busy, magtatanong na lang ako—" sneeze na naman. Napaungol na si Ruth. Ang wrong timing naman ng sipon talaga. Kung kailan nakiayon ang universe na makasama niya ng mahabang oras ang mailap na artist, siya naman ang hindi okay. Paano niya magagawa nang tama ang interview kung nauubos ang minuto sa kaka-sneeze niya. Baka lumabas na lang ng kuwarto si Aldrei Gucelli sa takot na kapitan ng virus na kinakalat niya sa buong kuwarto.

"Mr. Gucelli?"

Wala nang reaksiyon si Aldrei. Nakasandal lang ito sa dingding, nakapikit. Napatitig na lang si Ruth sa mukha ng artist. Pagod? Unang beses nangyaring tahimik ito. O baka wala nang bakanteng kuwarto kaya napilitang mag-stay na lang kasama niya. Hindi naman pala para sa kanya ang free room. Kinuha iyon ni Azir para kay Aldrei. Naawa yata sa kondisyon niya ang lalaki, nagbago ang isip. Hindi na siya pinaalis—na intensiyon siguro nitong gawin kaninang pumasok. May puso rin pala?

Pagkakita yata sa kondisyon niya—na panay sneeze, namumula ang mga mata at ilong, hindi na lang nagsalita. Hinayaan na lang din siyang nasa kama. Umupo na lang sa sahig. Hindi man dapat, hindi na niya inalis sa mukha nito ang titig. Bagay talaga sa artist ang facial hair. Ano kayang pakiramdam kapag lumapat sa balat niya ang mga pinong buhok na iyon?

Gustong batukan ni Ruth ang sarili. Ano'ng iniisip ko?

Napailing ang dalaga. Hinila na lang niya ang kumot at humiga na. Naisip niya bigla ang mga nakasabay nilang foreigner sa labas kanina. Naka-sleeveless at short shorts talaga. Parang hindi maramdaman ang lamig samantalang sila ni Abby, balot na balot. May mga araw na nakaya niyang mag-sleeveless at short sa Baguio—tuwing malakas lang ang sikat ng araw at gusto niyang magbilad habang tinatapos ang trabaho sa labas. Sa Sagada, hindi niya kaya ang outfit ng mga foreigner.

Tulog ka na lang, Ruth, sabi niya sa sarili. Kasama mo nga siya, tulog naman!

Pero libre titig kaya okay na rin. Pinigil ni Ruth ang pagbungisngis. May hidden kindness din pala ang guwapong taong-grasa. Saka na niya iisipin ang interview. May ilang linggo pa naman. Hindi na muna siya mangungulit sa gabing iyon. Sapat nang hinayaan siya ni Aldrei Gucelli na gamitin ang kama at nagtiyaga ang artist sa sahig. Sa pagkakakilala niya rito sa ilang linggong nagkasama sila sa bahay, unexpected na ni-let go nito ang kama para sa kanya.

Lalong unexpected ang ginawa ni Aldrei pagdating ng madaling-araw na lamig na lamig si Ruth. Literal na nanginginig na siya at hindi mapakali sa ilalim ng kumot. Naidlip yata siya sandali at nagising nang hinila na lang nito ang kumot palayo sa katawan niya. Wala sa kondisyon ang katawan ni Ruth para makipag-argumento kaya namaluktot na lang siya at niyakap ang sarili. Pero hindi naman pala ang patayin siya sa lamig ang intensiyon ni Aldrei. Umupo ito sa tabi niya sa kama at bigla na lang inabot ang braso niya. Saka lang na-realize ni Ruth na hinubad nito ang mga guwantes na suot—para isuot sa kanya. Naghubad rin ng jacket at inayos sa katawan niya, bago ibinalik ang kumot.

Na-speechless si Ruth. Naramdaman niya kasi ang lamig ng kamay nito nang hinawakan siya. Nilalamig rin si Aldrei pero mas inisip ang kalagayan niya. Mali pala ang naisip niya dati, na walang pakialam sa kapwa ang artist at sarili lang ang focus. Hindi pa man siya nakakapagpasalamat, iniwan na siya nito sa kama. Mga thirty minutes na nawala sa kuwarto at nang bumalik, may dalang extra kumot at gamot. Hindi nagsalita ng kahit ano, iniwan lang sa maliit na bilog na mesa ang gamot at bottled water. Lumabas na ito ng kuwarto at hindi na bumalik hanggang nakatulog si Ruth...

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon