NAPATIGIL si Ruth sa pagtapon sana ng paper airplane pabalik sa loob ng gate. Nahati na naman sa gitna ang gate at marahang bumukas. Sa takot na baka magbago agad ang isip ng nagbukas ang gate, tumakbo agad papasok si Ruth, nagpipigil ng ngiti. Huminto rin agad siya nang nasa loob na—at napatitig sa inosenteng mga mata ng batang babae na nakatitig sa kanya na parang curious.
Ngumiti agad si Ruth. "Hi!" itinaas niya ang hawak na paper airplane. May hawak rin kasi na isa ang bata. Hindi pala ang galit sa mundong 'taong-grasa' ang naghahagis pabalik sa ng mga paper airplanes. Batang mga six to eight years old yata. Feeling siguro nito, nakikipaglaro lang siya. Tumalikod ang bata at may pinulot sa trimmed na damo—notebook at marker. Nagsulat ito bago itinaas ang notebook.
HI!
Unti-unting nawala ang ngiti ni Ruth. Hindi nakakapagsalita ang bata? At sino kaya ito? Anak ng lalaking galit sa mundo? At 'yong lalaki, si Aldrei Gucelli nga kaya iyon?
Napansin ni Ruth ang babaeng naka-light yellow dress na hanggang sakong, na pinatungan nito ng white jacket. Naglalakad ang babae palapit sa bata. Naglakad na rin si Ruth palapit pero nang umatras ang bata sa unang hakbang niya palapit, tumigil agad si Ruth. Tumakbo ang bata pasalubong sa babae. Nag-conclude agad si Ruth na mag-ina ang dalawa.
"It's okay, baby," sabi ng babae na niyuko ang bata at hinagod ang buhok. "Say hi to her. Bisita siya ni Tito Aldrei, Pearl."
Ramdam ni Ruth ang pagpitlag ng puso niya. Tito Aldrei? Hindi alam ni Ruth kung bakit ang lalaking puno ng mga duming kulay ang naisip niya.
"Nag-hi na siya," magaang sabi ni Ruth at ngumiti. "Hello, baby. Ano'ng name mo?" napangiti siya nang magsulat na naman ang bata. 'Pearl' ang nabasa niya sa page ng notebook.
Naglahad siya ng kamay sa babae. "Ruth. Researcher. Magre-request sana ng interview kay Mr. Gucelli?"
Ngumiti ang babae at tinanggap ang kamay niya. "Camille. Dinadaan mo sa paper airplanes ang message kay Aldrei?"
Bumungisngis si Ruth. "Walang nagbubukas ng gate, eh. Parang ayaw ni Mr. Gucelli ng tao," mas lumapit pa siya. "If I may ask," hindi niya napigilang tanawin ang rest house. "Si...Si Mr. Gucelli ba, old man? Or tall, long hair...and dirty? I mean, maraming mantsa ng colors? Siya ba 'yong guy na may mantsa pati sa face?"
Napatitig sa kanya si Camille. Parang nagtaka at na-curious at the same time. "Hindi mo pa ba na-meet si Aldrei?"
"May na-meet akong guy pero hindi ko...hindi ko sure kung siya 'yon—tall and...dirty? Na parang galit sa mundo. Ang sungit, sobra!"
"Si Aldrei lang naman ang tao rito," sabi ni Camille. "Pero hindi naman siya masungit. Tahimik lang at busy sa paintings niya."
"Hindi masungit? Sure ka?"
"Oo naman. Mabait si Aldrei. Kung ang na-meet mong guy may mantsa ng kulay, siya nga 'yon."
"Hala! Patay ako!"
Tumawa si Camille. Natawa na rin lang si Ruth.
"Hindi mo pa siya nakitang walang dumi?"
"Isang beses ko pa lang naman siyang nakita, at gabi pa. 'Tapos sa moment na malapit na akong manigas sa lamig. Medyo hindi na reliable ang sense of sight ko no'n."
"Guwapo siya 'pag walang dumi."
Magre-react pa sana si Ruth sa sinabi ni Camille pero nahagip na ng tingin niya ang paglabas ng front door ng lalaking pinag-uusapan nila. Favorite outfit yata nito ang white na pang-itaas at light denim jeans. Same color na suot rin nito noong una niyang nakita. Long sleeves na nga lang ang suot nito ngayon at hindi loose T-shirt. Nakatiklop ang sleeves hanggang sa may siko at bukas ang unang tatlong butones. Hindi na rin magulo ang buhok—na sinalubong ng hangin habang naglalakad kaya naging obvious na makinang at malambot. Kung hindi lang sa tindig at dating na naghuhumiyaw ang pagiging lalaki, mapagkakamalan niyang babae sa buhok at skin. Naglakad ito na nakatingin sa bandang kanan ng bakuran, parang may ibang focus ang mga mata. Ang mga hair strand, sumasabay sa hampas ng hangin. Halos lampas balikat pala ang buhok nitong itim na itim...
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampirosClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.