HINDI na napigilan ni Ruth ang pag-iyak. Hindi siya nagkamali ng naisip. Ang nag-iisang taong pinaniwalaan niya, ang nag-iisang taong buong buo niyang pinagbigyan ng tiwala at pagmamahal, pinaniwala pala siya sa isang kasinungalingan.
Nag-video call siya sa kinilalang ina, five AM. Dalawang oras na siyang gising at hindi na makabalik sa pagtulog. Hindi mawala wala sa utak ni Ruth ang eksena sa panaginip niya. Parang bangungot na extended sa reality. Paulit-ulit niyang nakikita sa isip ang dugo, naririnig ang mga putok na baril, ang pag-iyak niya, ang sigaw ng babae...
Mababaliw si Ruth kung wala siyang gagawin. Umiiyak na siya hindi hindi pa man sila nagsisimulang mag-usap. Nawala ang ngiti ni Mama Kate nang makita nang malinaw ang mukha niya. Sa mahinang boses, nagkuwento si Ruth nang hindi tumitingin sa camera. Buo ang kuwento niya sa eksenang nakita niya sa panaginip. Pati ang nakita niyang painting sa dingding na nakita rin niya sa exhibit—na parang pareho ng sinasabi ng isang guest ang kuwento ng artist at ng asawa nito sa eksena sa panaginip niya—binanggit niya.
Tuloy tuloy rin ang patak ng luha ni Ruth.
Luhaang nag-demand siya ng paliwanag.
Hindi umiimik ang kinilala niyang ina. Ang tagal na tumutok lang sa ibaba ang tingin. Mayamaya ay nagpunas na rin ng luha. Nang ibalik nito sa camera ang tingin, sunod sunod na rin ang patak ng luha.
"I'm sorry, anak," mahinang sabi ni Mama Kate. "I'm sorry..."
Mas napaiyak si Ruth. "Ano'ng totoo, Mama Kate?"
"I had to lie then," ang malinaw na sinabi ng kinilala niyang ina. "Kung ang mismong isip mo gusto kang protektahan sa sobrang sakit, bakit hindi ko rin gagawin?"
Hindi umimik si Ruth. Naghintay siya sa mga susunod pa nitong sasabihin. "Naging okay ka sa mga nagdaang taon, Ruth. Naging okay tayo together. Mahal kita. Gusto kong maging normal ang buhay mo. Naisip kong sisirain ng katotohanang hindi mo maalala ang buhay mo. Paulit ulit kong uulitin ang mga kasinungalingan makita lang kitang ngumingiti, anak. Ang tunog ng tawa mo, ang kislap na nakikita ko sa mga mata mo tuwing ngumingiti ka, mas binigyan ako ng lakas na panindigan ang 'katotohanang' alam mo. No'ng eighteen ka na at kailangan kong umalis para pagbigyan naman ang pamilya ko, inamin ko ang totoo—na hindi kita anak, because you deserve the truth. Gumawa ako nang ibang version ng kuwento kasi ayokong masaktan ka. Ayokong iwan kang nasasaktan, nahihirapan, o basag. Gusto kong mabuhay ka nang masaya, Ruth..."
Kinailangan ni Ruth na umalis sa harap ng camera para kumuha ng tubig. Hindi na siya makahinga sa kakaiyak. Pagbalik niya sa harap ng laptop, iyak na rin ng iyak ang kinilala niyang ina. "Alam kong hindi mo pinuntahan ang bahay," ang sinabi nito. "Totoong nasa saradong pinto ang lahat ng proof na kailangan mo tungkol sa totoo mong parents, Ruth. Pero hindi mo mabubuksan ang pintong iyon. Sinadya kong ibigay ang maling susi. Natakot akong kapag nakita ko ang mga pictures, maalala mo lahat. Your Mom—Natalia was my best friend. Tres, your father was a known artist of his time. Mahal ng mga magulang mo ang isa't isa, Ruth. Hindi man friendly, tahimik lang at madalas mag-isa si Tres, hindi siya masamang tao. Hindi siya mamahalin ng Mama mo kung hindi niya nakita ang kabutihan ng Papa mo. Kung bakit nagawa niya iyon, hindi ko rin alam. Ang nabanggit lang noon ng Mama mo, may mga episode si Tres. May mga araw na parang wala sa sarili. Bago ang scene sa panaginip mo, natawagan pa ako ni Lia. Iyak siya nang iyak, wala na naman daw sa sarili ang Papa mo. Patay na sila pareho no'ng dumating ako kasama si Paul," si Tito Paul, ang pinsan nitong pulis. "Naabutan ka namin sa kuwarto na walang malay, kasama ang parents mong parehong duguan. They were dead..."
Napahikbi si Ruth. Tugma ang eksena. Tama ang kutob niya. Siya ang batang iyon. Totoo ang narinig niyang sinabi ng lalaki sa exhibit. Kaya pala pamilyar sa kanya ang portrait. Hindi niya naisip na mukha ng totoo niyang ina na iginuhit mismo ng kanyang ama.
"Nasa'n ang totoong susi, 'Ma?"
"Sa Tito Paul mo," sabi ng kinilala niyang ina. "Wala akong inilabas sa room na iyon, Ruth."
"Ang...ang Encantador, 'Ma?" tanong ko. "Nakita kong nasa wall sa room..."
"Encantador?"
"Ang portrait ni Mama."
"Nasa room din."
"Sure ka, Mama Kate? Nakita ko ang painting sa isang exhibit. Sabi ng isang guest sa staff, original art work iyon ni Tres bago siya nagbaril sa sarili pagkatapos niyang patayin ang asawa."
Nahatimik ang Mama niya. Parang nag-isip ng ilang segundo. "Nag-check pa ako sa room bago ako umalis, Ruth. Nasa kuwartong iyon ang painting—no..." nag-pause ito na parang biglang may naisip kasunod ang pag-iling. "Go back to sleep, anak. Magpahinga ka na muna. Tatawagan ko ang Tito Paul mo."
Matagal nang natapos ang video call, tulala pa rin si Ruth sa harap ng laptop.
May kutob siyang ibinenta ni Tito Paul ang huling art work ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.