Part 34

1.8K 62 9
                                    

ANG pamilyar na painting ng buwan, gray clouds, puno at dagger ang nakita ni Ruth pagmulat niya. Ilang beses siyang kumurap, pinilit ibalik sa kasalukuyan ang isip. Wala siyang maalalang nag-nap siya—nanlaki ang mga mata ni Ruth nang maalala ang huling eksena bago...

Tama!

Nawalan siya ng malay. Pero bago iyon...

"Oh, God..." kumabog na naman ang puso niya. "Aldrei—"

"I'm fine," putol ng boses nito galing lang sa tabi niya. Bumaling si Ruth, katabi lang pala ng mukha niya ang mukha nito. Nakahilig siya sa katawan ng lalaki. Ang isang braso nito, nakayakap sa baywang niya. Nasa sahig pa rin sila. Nakasandal sa gilid ng sofa si Aldrei, nakasandal naman siya sa katawan nito. "Let's stay here for a while," umangat ang kamay nito at humaplos sa braso niya. "How do you feel?"

"Okay ka lang ba talaga?"

Sabay pa ang mahina nilang tanong sa isa't isa.

Naramdaman ni Ruth ang magaang halik sa gilid ng sentido niya. "Tinakot mo ako."

Hinawakan niya ang kamay nito, mahigpit. Gusto niyang maramdaman ang warmth. "Tinakot mo rin kaya ako. Tingnan mo nga, nag-faint pa ako."

"Lagi bang ganito, Ruth?"

"Na nagpe-faint ako 'pag natatakot or sobrang nagwo-worry? Hindi naman. Ngayon lang. Nabigla siguro ang puso ko. Ang dami kong naisip bigla. Parang sama samang sumugod ang bad memories ko galing sa past—dilim, dugo, putok ng baril—" maingat na tinakpan na ng kamay nito ang bibig niya.

"I'm sorry," anas ni Aldrei at mariin siyang hinalikan sa ibabaw ng ulo. "Hindi mo dapat makita ang nakita mo," dagdag nito. "That's why I didn't go out for days."

Napabaling siya bigla kay Aldrei. "Nangyayari sa 'yo 'yon sa loob ng studio mo kaya ka hindi lumabas? Mali 'yon! Pa'no kung mag-collapse ka na lang? Hindi ko man lang alam? Ano'ng gusto mong mangyari? Magulat na lang ako na one week ka nang malamig na bangkay—" tinakpan na naman nito ang bibig niya.

"Shhh," saway nito, pinisil ang pisngi niya. "I'm not gonna die. Mauulit ang nakita mo, Ruth, nang hindi isang beses pa. Paulit ulit mo akong makikitang nanghihina. Hindi naman mangyayari ang takot mo kaya 'wag mo nang isipin. Hindi ako mawawala. 'Wag ka nang matakot—"

"Sino'ng hindi matatakot sa gano'n? Hindi ka na kaya makahinga!"

"Hey, I didn't faint. You did!" at naramdaman niya ang pagtawa bago ang mahinang tunog. Bumaling siya para tingnan ito.

"Nagagawa mo pa talagang tumawa?"

Ang ilong niya naman ang pinisil nito. "Kailangan lang kumalma ang puso ko. Ikaw, okay ka na?"

Tumango si Ruth. Nag-iba siya ng posisyon. Gusto niyang magharap sila. Gusto niyang titigan ng malapitan ang mukha nito. Kanina, nakaupo siya pagitan ng mga hita ni Aldrei. Inangat niya ang sarili, nakaupo na siya sa isang hita nito, naka-side siya sa katawan ng lalaki. "Ano ba 'yon talaga? Parang heart attack, eh. Magsabi ka ng totoo, 'wag mo akong bigyan ng false sickness or false info. 'Yong totoo ang gusto kong marinig."

"Sasabihin ko," ang sinabi nito, niyuko siya. Inayos pa ang kumalat na hair strand sa mukha niya. "Hindi muna ngayon."

"Bakit? Ngayon ka may time."

Huminga nang malalim si Aldrei. "Hindi ganoon kadali, Ruth."

"Bakit?"

Nakita ni Ruth kung paanong iglap na nabura ang emosyon sa mga mata nito. Naging blanko uli sa emosyon ang mukha ni Aldrei, naging malamig ang tingin. Pakiramdam ni Ruth, naging ibang tao uli ang kasama niya. Taong hindi na naman niya maabot dahil sa paglikha ng distansiya. Kung naging visible siguro ang proteksiyon sa sarili ni Aldrei Gucelli, na-witness na ni Ruth ang sabay sabay na pagtaas ng matutulis na harang sa pagitan nilang dalawa. "Some secrets are scary," ang sinabi ni Aldrei. "And may cost friendship and trust."

"May...dark secrets ka?"

"Na hindi pa ako handang sabihin."

"Kasi...mawawala ang...meron tayo?"

"Na hindi pa ako handang bitawan."

Hindi nakapagsalita si Ruth. Ang tagal na napatitig lang siya sa mga mata ni Aldrei. Ibinalik lang din nito ang titig. "Sabihin mo bago ako umalis," si Ruth, hindi na niya pinigilan ang sarili, maingat niyang hinaplos ang mukha nito. "Gusto kong malaman. Gusto kong makilala ka."

Nakatitig si Ruth sa mga mata ni Aldrei kaya kitang kita niya ang pagbabalik ng emosyon doon. Umawang ang bibig nito pero walang sinabi. Sumagap lang ng hangin—sunod sunod, saka umangat ang kamay para hagurin ang sariling dibdib.

Nanlaki ang mga mata ni Ruth. "M-Mauulit na naman? Ano'ng gagawin ko? Pa'no ako tutulong? Breathing exercises ba? Hagod sa dibdib? Ano? Paano? Hindi puwedeng clueless ako sa—" mahigpit na hinawakan ni Aldrei ang bisig niya. Ang mga titig nito, ramdam niyang nasa mukha niya nakatutok.

"Ruth."

"Ano?"

"Look at me."

Tumingin nga siya sa mga mata nito. Hindi man pantay ang paghinga at mariin ang hagod sa dibdib, wala siyang makitang panic, takot o pagkabahala sa mga mata ng lalaki.

Inangat ni Aldrei ang kamay niya para ilapat sa dibdib—sa mismong tapat ng puso nitong malakas at mabilis ang tibok. "Ruth," bulong nito. "I'm always here. Hindi kita iiwan."

Nag-init ang dibdib niya. "Promise 'yan?"

"Promise..." anas ni Aldrei at unti-unting pumikit. Nagpanic na naman si Ruth.

"Uy! Ba't ka pumipikit?" nababahalang sabi niya. Malamyang tinapik ang mga pisngi nito. "Aldrei! 'Wag kang pumikit. Safe bang matulog ka sa kondisyon mo—" napahinto siya nang marahang ngumiti ito.

"You," ang sinabi sa mahinang boses. "...sweet worrier. Why don't you just let me rest, huh?" huminto sa ere ang kamay ni Ruth, hindi na lumapat sa pisngi nito.

"Okay," at napangiti. Oo nga naman, bakit masama na agad ang iniisip niya? Matutulog lang kaya pumikit. Hindi mamamatay. OA nga naman ang reaction niya. "Sorry," dugtong ni Ruth. "Sabi ko nga, rest ka na..." lumapat pa rin ang kamay niya sa pisngi nito, pero hindi na para sa malamyang tapik. Humaplos na lang nang maingat. Na umangat pa hanggang sa buhok nito.

Pinanood ni Ruth na naging payapa ang mukha ni Aldrei, kasabay nang unti-unti ring pagbabalik ng paghinga nito sa normal na ritmo. Walang tamang deskripsiyon ang warmth na gumapang sa puso niya. Ang tagal na nasa mukha lang nito ang titig niya.

Ano'ng dark secret ang meron ka, Aldrei Gucelli?

Napangiti si Ruth mayamaya. Naalala ang pink rose. Hindi naman pala turn off si Aldrei sa 'da moves' niya. May valid reason naman pala kaya hindi lumabas. Valid reason na hindi nito dapat ginawa. Mas okay nang nakikita niya ang kondisyon nito kaysa mag-isa lang sa studio na wala siyang idea kung nag-collapse na or tumigil na lang sa paghinga.

Ano'ng secret ba ang scary?

Ano man iyon, hindi na siguro mababago ang nararamdaman niya. Na-fall na siya. And it seems, willing naman si Aldrei na saluhin siya. Hindi siya babagsak na sugatan.

Marahan at ingat na ingat, nagnakaw si Ruth ng kiss sa lips ng tulog na artist—at napangiti nang hindi man lang ito tuminag.

Balik siya sa pagtitig, at sa paulit-ulit na haplos sa buhok nito...


Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon