Part 7: Unang Hakbang Palapit

1.5K 47 1
                                    

"NAG-DECIDE ka na, hindi na ako aasang magbabago ang isip mo," sabi ni Fatty. Nasa manibela ang kaibigan. Papunta silang bus terminal. Sabay ng pagtatapos ng exhibit, nagdesisyon si Ruth na pumunta na sa Baguio. Naisip niyang baka kailangan ng bagong lugar para kumalma ang mga hindi niya maintindihang pakiramdam. Isasabay niya sa interview ang bakasyon.

May ibang epekto talaga sa kanya ang portrait. Kung ano ano ang naiisip niya. Bumalik siya sa gallery dalawang araw bago magtapos ang exhibit—wala na ang painting, may bumili na. Umuwi si Ruth na nalilito pa rin kung bakit bumalik pa siya sa gallery para lang makita uli ang painting na iyon na may madilim palang kuwento.

"Mas mabilis matapos, mas matatahimik ako," sagot niya sa kaibigan. "Hindi ko gusto ang mga nararamdaman ko, eh. Ang weird..."

"Baka wala lang 'yan," sabi ni Fatty. "Nag-o-overthink ka lang talaga. Or, iniisip mong may something kang nararamdaman kasi may common sa life story mo at sa tragedy sa family ng artist—dark past."

"Baka nga ganoon..." si Ruth na sumandal sa backrest ng passenger seat. "Or baka kailangan ko lang talaga ng bakasyon," dagdag niya sa magaan nang tono. "'Dami ko kasing stress lately 'di ba? Lamig ng Baguio lang siguro ang kailangan ko."

"Back up, hindi mo kailangan?"

"As if naman puwede ka!" balik ni Ruth "At sure akong 'di mo ako mas pipiliin! Makakalimutan mo na namang may kaibigan kang hashtag alone sa Baguio!"

Tumawa si Fatty. "Grabe siya! Para namang lagi kitang iniiwan alone!"

"Hindi ba?"

Hinila nito ang buhok niya. "Susunod kami ni Mar—"

"Wag na, 'no? Tama naman si Mar, time n'yo sa isa't isa 'yan kaya sulitin. Pag-akyat niya naman ng barko, sa akin ka rin naman babalik, eh. Para kang ex na 'di maka-move on!"

Tumawa si Fatty. "Three days ka lang naman, 'di ba?"

Tumango si Ruth. "Sa murang place na lang ako mag-stay para tipid. I'm hoping talaga na hindi ala Professor M si Mr. Gucelli. 'Di ko kakayanin ang one week na wala akong mapapala. 'Buti sana kung may pa-advance si boss." Hindi binanggit ni Ruth maging kay Fatty na nagtatrabaho siya para kay Juan Ibarra. Hindi rin naman nagtanong ang kaibigan kaya hindi niya kailangang magsinungaling.

"What if...mas malala 'yang si next subject mo kaysa kay Professor M?"

"Eh, 'di pautang muna ng extra allowance. Hindi ko rin puwedeng i-give up ang project, eh."

"Text ka mga two days prior bago ang 'critical' day para ready ako."

"Hindi puwedeng on the spot?" Nginisihan niya ang kaibigan. Alam ni Ruth na wala lang siyang makukuha kung walang-wala talaga ang kaibigan.

"Matutulog ka sa kalye, bes!"

Tawa lang ang reaction ni Ruth.

Naputol na ang topic at napansin ni Ruth na paulit ulit ang pagbuntong-hininga ni Fatty. Parang may ibang iniisip habang busy sa manibela.

"Hindi pa ako nangungutang, stressed ka na agad?" magaang biro niya. Nahulaan agad ni Ruth na may ibang gumugulo sa isip nito. Ganoon na ganoon si Fatty kapag may gustong sabihin sa kanya. At kadalasan, ang rason ng stress nito, ang boyfriend. Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya pumasok sa relasyon ay ang na-witness niyang sitwasyon nito. Parang mas maraming stress si Fatty kaysa happy moments. Ang daming issues ng dalawa na hindi yata lahat ay naso-solve. Inamin rin ni Fatty na sa unang taon lang daw talaga ng relasyon ito naging masaya talaga. Sa ikalawang taon at ngayong ikatlong taon na, lagi nang may issues na pinagtatalunan.

"Hindi ako excited sa pagbaba ng barko ni Mar, sis," mababang pag-amin ni Fatty. "Gusto kong ma-guilty na may ganito akong pakiramdam." At napailing ito. "Gusto ko nga na gamitin ka na lang. Susunod ako sa Baguio at hindi ko sasabihin kung nasa'n tayo."

"Ah, mali 'yan, Fats," sabi agad ni Ruth. "Kung may issue ka sa kanya, sabihin mo, Pag-usapan n'yo. Baka maipon nang maipon 'yan, 'pag hindi mo kino-confront. Magising ka na lang isang umaga, wasak na 'yong pinaghirapan n'yo parehong i-keep ng three years."

Huminga nang malalim si Fatty. "Alam mo ba, kung noon naiisip ko na may future kami, ngayon, mas iniisip ko ang tanong na 'is it worth the headache'? Kasi literal na sumasakit talaga ang ulo ko sa paulit-ulit lang naman na issue namin—gusto niyang mag-start na kami ng family, ako ayoko pa. Marami pa akong gustong gawin. Gusto niyang mag-move in na ako sa bahay niyang ando'n naman ang ina at kapatid niya. Ako naman, mas comfortable sa sarili kong place. Ang hirap mag-explain sa taong sarili lang ang naririnig, sis. Nagkaka-migraine ako!"

"'Buti na lang single ako, sis," magaang sabi niya.

"Early morning kanina, naisip ko talagang pag-usapan na namin ang break up," si Fatty, kasunod ang obvious na pag-exhale. "Nag-argue na naman kami no'ng nag-video call siya. Uuwi na lang, mag-aaway pa kami."

Tiningnan lang niya ang kaibigan. Kapag ganoong naglalabas ito ng sama ng loob, nakikinig lang talaga si Ruth. Single siya at twenty-two years old. Si Fatty, twenty five at nasa relationship. Hindi siya ang tamang tao para magbigay ng tamang advice. Ini-expect niyang mas alam nito ang tamang gawin.

"'Tingin mo, dapat ko nang i-consider ang break up, sis?"

"Single ako, Fats," sabi ni Ruth. "Hindi ako ang tamang tao para magbigay ng right advice pero kung naiisip mo na 'yan, baka kailangan mo nang pag-isipan."

"Mahal ko naman siya. Pero lately talaga, parang sakal na sakal na ako. LDR pa kami niyan, ah? 'Di lalo na kung nasa iisang bahay kami. Baka minu-minuto ang away. Naisip ko nga, hindi pala sapat na mahal lang?"

"Are you happy?"

Isang mahabang paghinga ang sagot ni Fatty.

"'Yon lang talaga ang sa akin, sis. Kung matatakpan naman ng happiness ang lahat ng stress at headache, 'wag mong sukuan. Hindi naman talaga laging bed of roses ang relationship, eh. Pero kung hindi ka na masaya, 'wag mo nang sayangin ang oras na dapat i-spend mo sa bagay na alam mong magpapasaya sa 'yo. Kung hindi kayo iisa ng dream ni Mar, mag-start ka na talagang mag-weigh ng mga bagay bagay. Baka kasi instead na pinu-push, pinu-pull ka pala niyang mag-bloom into a beautiful butterfly. Relationship should help you grow, 'di ba? Kung feeling mo nali-limit ka, baka nga mas magiging masaya kang single at malaya."

Ang tagal na nanahimik lang si Fatty. Palapit na sila sa bus terminal nang magsalita uli ang kaibigan.

"Sagutin mo'ng tawag ko," sabi nito. "Hindi puwedeng busy ka."

Natawa si Ruth. "Sure ka bang hindi nagseselos sa akin si Mar? Para kang demanding boyfriend, eh!"

"Ano'ng hindi?"

"Seriously?" mas natawa si Ruth, hindi makapaniwala. Nagtatawanan na sila ni Fatty nang mga sumunod na minuto.


Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon