Nagpunta sa Baguio si Ruth para sa assignment—interview sa isang elusive artist na may dalawang kulay lang na dominante sa mga painting—gray at itim. Naisip ni Ruth, senior citizen siguro na malungkot ang buhay si Aldrei Gucelli. Nag-expect siya na magiging madali ang lahat—mali si Ruth. Nainitan, nagutom, nalamigan, inulan na siya't lahat sa labas, ni anino ng artist, hindi niya naaninag.
Pero sa puntong halos mawalan na ng malay si Ruth sa lamig, bumukas ang gate ng rest house—at nalantad sa mga mata niya ang long haired man na puno ng mantsa ng kulay ang mukha at katawan. Nganga si Ruth. Guwapong 'taong grasa' at hindi senior citizen pala ang nasa loob ng bahay na nagbubukas na lang basta ang gate nang walang tao.
Galit pala sa mundo ang artist. Parang sasakalin na lang siya nito anytime. Give up na agad si Ruth. Hindi niya kayang tapusin ang assignment. Mapapaaga ang heart attack niya sa stress.
Pero may inalok sa kanya ang boss—kung tatapusin niya ang assignment, mapupunta sa kanya ang Encantador, ang last original work ng namatay nang artist na si Tres. Hindi puwedeng pakawalan ni Ruth ang chance. Ang Encantador kasi ang susi sa malabo niyang nakaraan.
Ang tanong, kakayanin ba niya ang mga sekreto ni Aldrei Gucelli? O makukulong siya sa isang mundong marahas at ang mahihina ay walang ligtas...
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.