Part 36

3.4K 78 23
                                    

STRANGE, sa isip ni Ruth habang iniikot ang tingin. Hindi niya dating gawain sa Mall ang mag-ikot ng tingin. Focus lang siya sa pupuntahan o sa bibilhin. Wala siyang interes na pagmasdan ang lahat ng taong nag-eenjoy sa pag-stroll.

Nagpunta siya sa Mall na wala talagang planong gawin. Gusto lang niya ng oras na kasama si Aldrei sa labas. Gusto niyang malaman ang pakiramdam na hindi mag-isang mag-stroll. At gusto niyang mag-enjoy na lang sila sa labas kaysa magkulong na naman ito. Hindi man nagtanong si Ruth kay Aldrei, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang ideya na may pinagdadaanan ito. Nakita niya ang nasa mga mata nito nang gabing iyon...

Pain.

Ramdam ni Ruth na may pinagdadaanan rin si Aldrei. Tanda niya ang lakas ng pagsigaw ng lalaki. Curious pa rin siya kung ano ang role ng eroplanong papel at dagger sa buhay nito, na hindi nawawala sa mga painting nito.

Naramdaman ni Ruth ang paghinto ni Aldrei. Pagbaling niya, nahugot na nito sa bulsa ang cell phone na itinapat sa tainga. Umatras ito at lumayo pagkatapos sumenyas na itinuloy lang niya ang pagtingin-tingin sa paligid.

Sino kaya'ng caller niya? sa isip ni Ruth. Mahalagang tao siguro. Ayaw nitong ma-miss ang tawag. Paglingon ni Ruth, nakatayo na lang si Aldrei sa puwesto. Seryosong nakikipag-usap sa caller. Wala na rin sa kanya ang atensiyon nito. Itinuloy na lang ni Ruth ang mga hakbang. Paikot ikot lang ang tingin niya, walang particular na tinitingnan. Ilang minuto pa lang na nag-open ang Mall kaya wala pang gaanong tao. Ang mga stores, wala pang customers. Busy pa ang lahat sa paglilinis ng at pag-aayos.

Lakad lang nang lakad si Ruth. Nasa mga dinadaanang stores at boutiques ang atensiyon niya. Hindi pansin ni Ruth ang mga nasasalubong, except sa isang nagpahinto sa paghakbang niya. Pakiramdam ni Ruth ay literal siyang sinalubong ng hangin. Ramdam niya ang ibang lamig. May mga hair strand pa niya ang inilipad. Pero hindi ang hangin ang nagpahinto sa mga paa niya-ang scent, na kanina pa pagkapasok sa Mall, parang naaamoy na niya.

Lumingon si Ruth. Mga dalawang hakbang ang layo sa kanya, matangkad na lalaking naka-jeans at hoodie ang nalingunan ni Ruth-na parang naramdaman rin ang paghinto ng mga hakbang niya at pagtutok ng tingin dito. Hindi na rin humakbang ang lalaki. Kung nag-iisip na lumingon o humakbang palayo, hinuhulaan pa ni Ruth.

Umangat ang kamay ng lalaki, ibinaba ang hood. Nalantad kay Ruth ang shoulder length na buhok nito, wavy. Sino ang lalaki? Bakit pakiramdam niya, nararamdaman nito ang titig niya? Bakit pakiramdam niya, siya rin ang iniisip nito nang sandaling iyon?

Parang slow motion sa movie ang paglingon ng lalaki. Nagtama ang mga mata nila. Parang may invisible current galing sa lalaki na tumawid kay Ruth. Wala sa loob na umawang ang bibig niya. Gusto niyang umatras nang maramdaman ang parehong kabog ng puso niya sa panaginip. At nang ma-realize niya kung saan tumutok ang mga mata ng lalaki nang alisin nito sa mga mata niya ang titig, parang tumayo ang mga balahibo ni Ruth sa batok. Sa gitna ng noo niya nakatitig ang lalaki. Sa gitna ng noo niya na ngayon ay may nararamdaman na siyang umaahong lamig.

Ano 'to? Ano'ng nangyayari?

Nagbalik sa isip ni Ruth ang nakakapasong lamig sa panaginip niya. May nakita siyang something na pale black sa gitna ng noo niya nang humarap siya sa salamin sa banyo. Na naisip ni Ruth na nai-imagine lang niya dahil sa panaginip. Wala naman kasing reaksiyon si Aldrei nang magkasalubong sila sa kusina. Kung visible ang something na iyon, nakita dapat ng artist.

Pero ang lalaking dalawang hakbang ang distansiya sa kanya ngayon, nakatitig sa gitna ng noo niya na parang nakikita ang pale black na bilog na iyon...

Bumalik ang titig ng lalaki sa mga mata niya. Hindi alam ni Ruth kung ano ang nangyari. Humakbang na lang siya palapit sa lalaki. Hindi tamang may distansiya sila. Gusto niyang burahin iyon. Gusto niyang maramdamang naroon nga ito, na hindi na siya maghihintay pa.

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon