ELEVEN thirty na, gising na gising pa rin si Ruth. Naiinis siya sa sarili at kay Aldrei. Sa sarili, na hindi niya makontrol ang pagseselos. Naiisip pa lang niya ang perfect looks ni Rish, gusto na niyang mag-tumbling sa inis. Halatang halata rin na gusto ng babae si Aldrei. O baka nga may relasyon na pala ang dalawa at siya ang third party?
Nag-iisip si Ruth ng masama-'yon ang hindi niya gusto. Okay siya sa mga lumipas na linggo. Nagtiwala siya, nagbaba ng depensa, hinayaan ang sariling mahulog, tinanggap maging ang malaking sekreto ni Aldrei Gucelli. Hindi naging big deal sa kanya ang sekreto nito. Naging mas mahalaga ang feelings niya. Mas pinili niya ang option na alam ni Ruth na magiging masaya siya.
Hindi niya naisip na isang mukhang beauty queen na bisita lang ang kailangan para gumuho na agad ang saya niya kasabay ng tiwala. Ang sama ng pakiramdam ni Ruth na walang binanggit si Aldrei kay Rish. Parang ayaw pa nga siyang makitang nasa labas. Pati simpleng ngiti, ipinagkait pa!
Pero kay Rish, ayos lang maghatid sa kotse dala ang painting, ayos lang na parang honeymooners kung makakapit ang babae sa braso. Ayos lang ang mga sweet na ngiti at pahawak hawak. Pati sa parking area, may pahawak hawak pa talaga sa dibdib si Rish? Na gustong gusto naman ng bampira!
Inis na ginagaya niya mula pa kanina ang pagtawa ni Rish at paghampas hampas kay Aldrei. Lalo nang nainis si Ruth nang hindi man lang kumatok sa guest room si Aldrei para pag-usapan nila ang bad mood niya. Pagkaalis ni Rish, hindi man lang siya sinubukang kausapin. Nagkulong lang sa kuwarto. Pagkatapos na ng dinner sila nagkita-sa stairs lang, nagkasalubong sila.
Wala pa rin talagang sinabi! Tiningnan lang siya na parang nag-iisip pa kung dapat silang mag-usap o hindi. Sa inis ni Ruth, inarapan niya ng bongga. At nang kumilos para hawakan siya, malamig na tingin ang ibinalik niya.
"'Wag mo akong hawakan," kasabay ang bonggang irap, nagmartsa siya pabalik guest room. Umasa si Ruth na susunod si Aldrei at ipipilit na mag-usap sila-papayag naman siya kung nag-insist. Maarte na kung maarte, gusto lang naman niya ng kaunting suyo lang kapalit ng mga pahampas-hampas ni Rish-pero wala! Hindi ito sumunod sa guest room. Naghintay si Ruth ng ilang oras pa-nganga pa rin.
Mas nainis siya na wala man lang effort. Obvious naman na naasar siya, wala man lang ginawa?
After fifteen minutes, sinampal din siya ng realidad. Naisip ni Ruth na wala nga pala silang usapan tungkol sa relasyon. Nag-I love you na pero hindi naman siya nag-I love you too. Hindi pa ba sila? Eh, kumusta naman 'yong ilang beses na halikan? Hindi pa rin sapat?
Na-stress at nauhaw si Ruth kakaisip. Bago mag-twelve midnight, bumaba na lang siya para mag-refill ng tubig.
Hindi na nga lang umabot sa kusina si Ruth. Parang may itim na pigurang bigla na lang hinangin papasok sa living room. Bago pa man naging malinaw sa kanya ang nangyari, hostage na si Ruth ng matangkad na pigurang nakaitim. Parang basura lang na hinila siya palabas at patulak na ibinagsak isang bahagi ng bakuran.
Sumadsad si Ruth sa trimmed grass. Pag-angat niya ng mukha, pakiramdam ni Ruth ay tumigil ang tibok ng puso niya sa nakita. Tatlong itim na pigura kalaban ang nag-iisang naka-all white-si Aldrei!
Napaungol si Ruth sa sakit ng dinaklot na lang ang buhok niya ng nang-hostage sa kanya kanina. Hinila siya patayo. Nagpumiglas si Ruth. Ramdam niya ang lakas ng hayup. Hindi man lang matinag ng pagpiglas niya.
"Gucelli!" sigaw ng may hawak sa kanya, nagsalita ng ilang linya. Hindi naintindihan ni Ruth. Hula niya ay masama dahil biglang lumingon si Aldrei, matalim ang titig ng asul na mga mata. Humalakhak ang hayup na may hawak sa kanya. Malakas siyang itinulak. Hindi natumba si Ruth. Iglap ay may itim rin na sumalo sa kanya. Pagkahawak sa kanya, walang seremonyang pinaghahatak ang jacket niya habang daklot ang kanyang buhok.
Narinig niyang sumigaw si Aldrei. Mas mabilis na labanan sa ere. Hindi na nasundan ni Ruth ang tulakan, banggaan sa ere, salubungan ng sipa at suntok. Ang bibilis ng kilos ng mga ito. Parang sa pagitan lang ng segundo ang pagpapalit ng posisyon.
"Aldrei-ahh!" itinulak na naman siya ng isang bampira pasubsob sa trimmed grass. Wala pa mang ilang segundo pagkabagsak, hinila na naman siya ng isa pa. Nagsimula nang maluha si Ruth nang tatlo na ang nagpasa pasa sa kanya. Para siyang basurang tinataboy at hinahatak. Bawat hawak sa kanya, marahas na hinihila ang pajama top niya. Sa pangtatlong hatak, naglaglagan na ang mga butones ng suot niya. Napatili si Ruth. Naglaglagan na rin ang malalaking patak ng luha.
"Aldrei!" tili niya nang mapunit ang pajama top niya. Nanginginig ang mga kamay na pinilit niyang pagtagpuin ang mga napunit para takpan ang sariling katawan.
Sumigaw uli si Aldrei sa salitang hindi niya maintindihan. Ilang minutong sagupaan na naman sa ere. May biglang lumiyab at nag-apoy. Halos sabay sabay lang na umungol ang tatlong hayop na pinaglalaruan siya. Magkakasunod na sinugod si Aldrei. Pabagsak siyang binitiwan. Malalaki na ang patak ng luha ni Ruth, pinipilit pagdugtungin ang napunit na dami para takpan ang sarili.
Walang tigil na labanan na naman sa ere. Si Aldrei laban sa tatlo. Wala nang nagawa si Ruth kundi maging witness na naman ng labanan.
Tama pala ang binanggit ni Aldrei. Ang pag-ibig ng mortal sa isang Fedeo ay kahulugan ng panganib. Nasa harap na niya ngayon ang panganib na iyon. Wala siyang pagpiliian kundi panoorin ng labag sa loob na lumaban si Aldrei mag-isa.
Akala ni Ruth, tatlo na lang ng dapat talunin ni Aldrei. Mali siya. May bagong dating, na bigla na lang nasa tabi na niya. Na hindi man lang nahulaan ni Ruth kung saan nanggaling. Hinatak na lang siya sa buhok at balikat. Itinayo siya para iposisyon ang dagger sa tapat ng lalamunan niya...
BINABASA MO ANG
Club Red 7: Aldrei (At All Times)
VampireClub Red 7. Aldrei and Ruth. UNEDITED. Wattpad version.