Part 9: Ikalawang Hakbang

1.2K 48 2
                                    

Note: Uulitin ko lang, wattpad version ng Club Red 7 ang naka-post. Walang POV dito si Aldrei. Sa book, meron at complete.

Nag-wonder ba kayo kung nakita or nag-pick up si Kyaah ng kahit isa lang na paper plane/airplane? Nasa book ang scene, sa POV ni Aldrei.

Thank you. :)

QUARTER to eight nang dumating si Ruth sa tapat ng rest house. Inaasahan na niya ang mahaba-habang paghihintay kaya nagdala na siya ng 'weapon'—tubig, cheese cupcakes at prutas para sa gutom, face towel para sa pawis kung uminit nang husto at matalo ang lamig ng paligid, payong kung umulan, book para sa boredom, at bihisan kung kailangan—nasa backpack niya lahat iyon. Fully charge din ang cell phone niya. Naghanda talaga siya para sa buong araw na paghihintay. Hindi siya uuwi nang walang napapala. Second day pa lang, napapagastos na siya!

"Salamat, Kuya Efren," sabi ni Ruth sa driver. Binigyan niya rin ito ng dalawang cheese cupcakes at isang apple. Ang aga nitong lumabas para nakailang pasahero na raw muna bago siya sunduin. Ang kinita nito bago siya sinundo, pinang-gas na para sa pag-akyat nila sa rest house. "Ingat kayo pababa."

"Hintayin ko ang text mo, Ma'am. Ingat ka rito."

Tumango si Ruth at ngumiti. Sinundan niya ng tingin ang palayong taxi. Huminga muna siya nang malalim bago tumitig sa gate at sa rooftop sa loob.

May nakabasa kaya sa message ko?

"Tao po! Good morning! Tao po!" sinabayan niya ang malakas na pagkatok sa gate. Ano bang tinatago ng artist at ayaw man lang ipasilip maski bakuran? At doble yata ng height niya ang taas gate! Hindi man lang pinili ang design na may rehas at visible sa loob. Saradong sarado talaga. Wala man lang tuloy siyang masilip sa loob. Ang rooftop na natatanaw niya sa loob, walang nag-iba mula kahapon. Walang kahit anong clue na may tao.

Mga fifteen minutes na walang hinto si Ruth sa pagta-Tao po nang malakas. Gaya kahapon, wala ring response galing sa loob.

Pagsampa ng alas nuebe, naupo na lang siya sa puwesto niya kahapon, uminom ng tubig at kumain ng tinapay. Inilabas na rin niya ang book na hinugot lang niya sa shelf ng mga books na hindi pa niya nabasa. Napakamot si Ruth nang makitang investment book pala ang nabitbit niya. Hindi fit ang sitwasyon at mood niya para magbasa ng book na ngatuturo kung paano maging investor. Mas kailangan niya nang sandaling iyon ng book na mapapatawa siya. Boredom at frustration ang kailangan niyang i-beat muna. Buong araw na naman yata siyang maghihintay sa wala.

Nine thirty, nagbabasa na si Ruth ng libro.

Ten AM, inaaliw na niya ang sarili. Mga comedy videos ang pinanood niya para naman gumaan ang pakiramdam.

Ten thirty, nagmu-music na lang siya, nakasandal sa side ng poste sa gate at nakatingin lang sa isang direksiyon.

Eleven AM, ang taas na ng araw. Nagsuot na siya ng dark sunglasses. Malamig ang haplos ng hangin pero masakit sa balat ng init. Inom nang inom na lang si Ruth ng tubig habang naghihintay.

Twelve PM, kumakain na naman siya ng tinapay. Gusto sana ni Ruth na kanin sa lunch pero saan siya hahagilap ng kainan sa parteng iyon ng mundo?

One PM, balik sa pagbabasa ng libro habang nakikinig ng music.

Two PM, balik siya sa panonood ng video. Naaliw si Ruth na hindi niya namalayan ang paglipas ng oras, at ang mabilis na pagbawas ng cell phone battery. Nagmu-music na lang si Ruth habang nagbabasa nang biglang mamatay ang music. Napatingin siya sa cell phone na nasa ibabaw ng bag. Inabot niya ang gadget. Naubos na ang battery. Hinanap niya sa bag ang power bank. Kung ano ano ang nakapa niya pero wala ang power bank.

"'Wag naman," nasabi ni Ruth nang ma-realize na naghanap siya ng lip balm bago umalis. Nailabas niya lahat ng nasa loob ng backpack bago niya nahanap. Mabilis ang ginawa niyang pagbabalik ng mga gamit, hindi niya yata naibalik ang power bank? Naiwan sa kama niya!

"Oh, no..." Paano niya ite-text si Kuya Efren?

Three PM, hindi na mapakali si Ruth. Lakad na siya nang lakad, pabalik balik lang. Parang nagsusukat ng distansiya ng gate galing sa kanan hanggang sa kaliwa. Kinakabahan na siya. Lalo nang natakot si Ruth nang pagsimulang maipon ang mga gray clouds. Makulimlim na. At mas dumidilim habang lumilipas ang mga minuto.

Four thirty, sumandal na lang sa poste ng gate si Ruth, masama na ang pakiramdam niya. Naghahalong bigat ng katawan at sakit ng ulo. Nagsalubong na yata ang init kanina at lamig nang bumaba na ang araw. Hayun at sumama na ang pakiramdam niya.

Five twenty, bumagsak na ang malakas na ulan. Salamat na lang at handa si Ruth—may payong siya. Yakap yakap niya ang kanyang backpack, nakasiksik na lang siya sa gilid ng poste sa gate. Papalakas ang ulan at mayamaya pa, may kasama nang pabugso bugsong hangin.

Pinipigil na lang ni Ruth na huwag mapaiyak. Natatakot na talaga siya. Sana lang, maisip ni Kuya Efren na sunduin siya kahit hind siya nag-text. Pero paano kung hindi? Paano kung nag-text si Kuya Efren at naghihintay ng reply? Paano kung nag-pick up na lang ng ibang pasahero nang walang natanggap na text galing sa kanya?

Parang nananadya ang hangin, hinampas siya nang malakas—bumaligtad ang payong na hawak ni Ruth at muntik pa siyang matangay. Napaungol sa frustration ang dalaga. Hinabol agad ang nabitiwang payong pero nasira na. Helpless na, niyakap na lang ni Ruth ang backpack. Sa isip ay nananalangin na siya—na sana maisip ni Kuya Efren na sunduin siya. Na sana may umakyat na taxi sa bahaging iyon ng mundo, na sana may dumating na tulong...

Pero parang hindi narinig ni God ang prayers niya. Basang basa na siya ng ulan at nanginginig na, wala pa sa mga hiniling niyang mangyari ang nangyari. Masama na talaga ang pakiramdam ni Ruth kaya naghanap na siya nang masasandalan. May pakiramdam ang dalaga na mawawalan na lang siya ng malay sa mga susunod na minuto. Lamig na lamig na siya at walang sign na titigil ang ulan. Mas tumitindi ang takot niya habang lumilipas ang mga minuto.

Sa Baguio ba ako mamamatay?

Club Red 7: Aldrei (At All Times)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon