HCML 37

931 21 4
                                    

Chapter 37

Mabilis kong iniwas ang mukha sa kanya at ako na mismo ang nagpatuloy na magtanggal ng natitirang pudding sa gilid ng aking bibig. Akmang pupunasan niya ulit ngunit pinigilan ko na siya.

"Ako na!" ani ko at hindi makatingin sa kanya dahil sa mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok nito.

Nagsalubong ang kilay niya at tinitigan ako. Sa huli, tumango siya at inabutan na lang ako ng tissue. Hanggang sa matapos ang party, pinigilan ko ang sarili na huwag mas'yadong lumapit sa kanya. Kahit pa panay ang dikit at kausap niya sa akin.

Tapos na ang party at kami-kami na lang ang narito sa venue. Nauna ng ihatid sina Mama ng driver ng mga Vhergarah sa Hotel ng mga ito. Nakaupo ako at unti-unti ng nakakaramdam ng pagod samantalang ang magpipinsan, nagkakagulo pa kung saan ang after party.

"BGC na lang!" si CJ habang tamad na nakaupo katabi ni Natalia.

"Sa Revel!" sabay na wika ni Xander at Francis na parang may puntirya roon.

Umiling ako at humikab habang nakikinig sa pag-uusap nila. Napaayos at napatalon ako sa kinauupuan nang maramdaman ang isang tila jacket na yumakap sa aking balikat. Nang tingnan ko iyon, ang pulang tuxedo ni Sebastian ang aking nakita.

"It's cold!" aniya sa baritonong boses. Nakatayo siya sa gilid ko at nakatuko ang isang kamay sa likod ng inuupuan ko. Tumango ako at tuluyan ng isinuot iyon. Sinandal ko ang likod sa sandalan at muling humikab.

I dodged a bit when he crouched and leaned closer to me.

"You're tired! Let's go home!" mahinang wika niya habang sobrang lapit ng mukha sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Sa paraan ng kanyang tingin, mukhang wala siyang balak na umayos ng tayo, he even raised his right eyebrow like he's waiting for my answer.

I blinked twice at parang napabalik ako sa reyalidad. Mabilis akong umiling dahil nahihiyang mauuna akong umalis sa mga pinsan niya. Sinubukan ko ang sarili na pigilan ang antok at pagod kahit pa unti-unti na akong nakakaramdam noon.

"C'mon!" pangungumbinsi n'ya. He looked at his wristwatch atsaka muling bumaling sa akin. Ngayon, may determinado ng tingin. "You should rest at this time. It's already late!" mababa ngunit strikto ang tono niya.

Ngumuso ako. Pero sumasang-ayon din sa sinabi niya lalo pa't tuluyan ko na ngang naramdaman ang antok. Mahina muli akong humikab at sa namumungay na mata, tumango ako. Mabilis siyang umayos ng tayo at tila ba naghahanda na sa pag-alis.

"Saan ka?" si Kuya Justin nang napansin ang kilos ni Sebastian.

"It's late. She need to rest. I take her home." Dire-diretso niyang sabi na para bang walang makakapigil sa kanya.

"Oo nga pala!" si Natalia. "Sad. Hindi ka makakasama," malungkot ang boses niya, nasa akin ang paningin.

I gave her an assuring smile. "That's okay! There's a lot of next time," sagot ko at tumayo na dahil niyayaya na ni Sebastian.

"Mauuna na ako. Enjoy kayo!" paalam ko sa at winagayway ang isang kamay bago tuluyang pumunta kung nasaan ang mga magulang ni Sebastian, ang kanyang lola at mga tito at tita niya.

"Mauuna na po ako Mrs. Vhergarah," magalang kong sabi sa ina ni Sebastian. She then frowned.

"Hija," tawag niya sa marahan na boses. "Drop the formality, okay? I don't like you to call me Mrs. Vhegarah. Even calling me tita," she stopped. "Don't try!" she warned but then, she smiled. "You're my daughter in law and soon... you will be part of the family so you should start calling me Mommy," sobrang ganda ng pagkakangiti niya. Hindi ko alam ang gagawin. Nagulat ako sa narinig.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon