HCML 16

540 13 0
                                    

Chapter 16

Pagkaalis ni Chen, wala na muling nagsalita sa aming dalawa. Kung titingnan, para bang hindi kami magkakilala.

Sobrang tahimik.

Umingay lang nang magring ang cellphone ko para sa tawag ni Rikka. Napasulyap sa akin si Sebastian. Sinagot ko iyon at hindi na nag-abala pang tumayo para makalayo man lang kahit kaunti.

"Ivanna," bungad ni Rikka sa kabilang linya.

"Rikka!" 

"Uhm... ano kasi..." alinlangan niyang wika. Hindi malaman kung itutuloy pa ba ang sasabihin o hindi na.

"May problema ba?" concern kong tanong.

"Huh! Wala naman. Ano kasi... I'm sorry Ivanna, I know na nag promise ako sa'yong babalikan kita riyan kaso 'yong kambal kasi... nag-aaway," aniya.

"A...ano?" I said in shock. Ultimong si Uno, mabilis na napatingin sa akin. Bahagyang nakakunot ang noo.

"Sorry!" paumanhin ko sa aking katabi.

"Kambal, you mean Alexander and Alicia?" muli kong kausap sa kabilang linya.

"Nope!" mabilis niyang sagot. "It's Kuya Dustin and Justin," dugtong n'ya.

Mas lalo akong nagulat. "B-bakit?"

"I don't know! Basta na lang sila nagkasagutan. Kaya hindi kita mapuntahan coz we need to fix this. I'm sorry Ivanna!" paumanhin niya.

"Okay lang!" tanging nasabi ko. Hindi na alam kung anong idudugtong. Kung pupunta ba ako roon o didiretso na lang ng BGC?

"Rikka, pwede bang mauna na lang ako roon?"

"Huh?! O-oh sige! Nandoon na raw si Thalia at ang mag boyfriend," inform niya.

"Sige! Punta na lang ka..." sabay sulyap sa kay Sebastian na kanina pa ata nanonood sa akin. Mas lalo akong nagdalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang sinasabi.

"Tell her na sabay na tayo," mahinahon subalit may pag-uutos ang pagkakasabi ni Uno.

Tumango na lang ako. "Kami!" pagtatapos ko sa kung anong sinasabi kanina kay Rikka.

"Kami? May kasama ka?" She asked immediately.

"Wala. I mean... I'm with your cousin."

"Sinong pinsan?"

"Uno." Simpleng sagot ko at muling sumulyap sa katabi na abala na ngayon sa cellphone.

"What?" gulat niyang bulalas. "Nandyan siya?! Ang lokong 'yon!" she said, frustrated. "Pakisabi nga sa kanya na pumarito," mataray na ngayon ang kanyang tono.

"Sebastian!" tawag ko sa katabi.

Tumingin ito sa akin at supladong nagtaas ng kilay. Bahagya akong nakaramdam ng kaba at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba. Subalit dahil tila ba nag-aantay ang kanyang expression, sinabi ko rin.

"Pinapapunta ka ni Rikka sa M building."

Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Tamad s'yang umirap at inilahad ang palad sa harapan ko. Nakatunganga ko iyong tiningnan.

"Your phone!" He said, the reason why I immediately placed my phone on his palm.

Tiningnan muna niya iyon bago tumayo para makalayo ng kaunti.

Isang buntong hininga ang nagawa ko nang mapagtantong nasa kanya ang aking cellphone. May nag vibrate sa mesa kaya napabaling ako roon at nakita ang isang itim na iPhone. Hindi na ako mag-iisip kung kanino iyon dahil paniguradong kay Sebastian 'to. Imbes na silipin kung sino ang nagtext dahil may ilaw pa ang iPhone, minabuti ko na lang na huwag iyon tingnan at hinayaang mamatay ng tuluyan ang ilaw.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon