HCML 5

697 18 0
                                    

Chapter 5

Naging maayos ang takbo ng buhay ko as a freshmen. Huling linggo na ngayon ng first semester kaya abala ang lahat.

Masaya rin ako nang malaman na nakasama ako sa dance troupe ng school. Mahirap man pagsabay-sabayin ang pag-aaral, pagsasayaw at pagtatrabaho ngunit sa awa ng Panginoon, nakakaya ko iyon.

Nagpapasalamat din ako at naiintindihan ako ng coach at leader ng MAD-C or Manila Academy Dance Company, pangalan ng dance troupe rito sa school. Sa tuwing kailangan ko ng umalis para sa aking trabaho.

Nagulat pa ako noong unang malaman na si Ate Rafaella, Ate ni Rikka at pinsan ni Natalia ang leader ng dance troupe. That was why she was one of the judges. Bukod sa akin, nakapasok rin sina Natalia at Aleece. Kaya mas lalong dumalas ang pagsasama namin.

Marami na rin akong nakilala na mga kaklase ko bukod sa kanila. Iyong iba, minsan nakakasama at nagiging ka-group ko rin. Ang iba naman, hindi ko masyadong nakakausap.

Sabado ngayon at para sa araw na ito, papasok ako sa trabaho. Mamaya naman paglabas ko, didiretso ako kina Natalia para tapusin na namin iyong huling project sa isang minor subject.

Lumabas na ako ng apartment at naglakad patungong sakayan ng jeep. Papuno na ito kaya ilang minuto pa, umalis na rin.

Pagkarating doon, nagsimula na agad akong magtrabaho. Alas tres ng hapon nang mag-out ako. Mabilis kong inayos ang aking gamit upang makaalis na.

Nang may nakita akong jeep na paparating, mabilis ko iyong pinara upang makasakay. Pumasok ako sa loob ng jeep at naghanap ng mauupuan nang mapansin na puno na iyon. Nag-iisip na ako na baba na lang nang magsalita si Kuyang driver.

"Makiki-usod lang ng kaunti sa kanan. Kasya pa ho iyan!" wika ng driver sa mga pasahero.

Nagmove ang mga ito para magkaroon ng kaunting space kahit wala na naman talaga.

Hindi ko alam kung uupo ba roon o baba na ngunit nakakahiya naman kung gagawin ko pa iyon. Dahil sa hiya at ngalay na nararamdaman habang nakayuko sa loob ng jeep at ang mga mata ng mga pasaherong sa akin nakatingin, mabilis akong naupo sa kakapiranggot na space na mukhang isang preno lang, hulog ako.

I sighed heavily. Nagsisisi agad kung bakit hindi na lang ako bumaba. At kung bakit may ibang jeepney driver na alam ng puno, magpapasakay pa rin? Kahit na sabihin na ikaw ang pumara, pwede naman silang hindi na lang tumigil, 'di ba?

Pwede naman nilang kitain iyon sa susunod nilang pasada kaysa naman sa sila ay madisgrasya. Marami pang tao ang madadamay. At ang nangyaring ito sa akin ay isang lesson na kapag alam mo ng puno, kahit sabihin ng driver na 'hindi pa', hindi na ako sasakay.

Mabilis man nakarating sa aking pupuntahan ngunit ramdam ko naman ang pangangalay ng aking puwitan.

Even though I always here, hindi na ata mawawala sa akin ang pagkamangha sa tuwing makikita ang napakataas na gusaling ito.

This is one of the most expensive condominium here in Quezon City. May limangpung palapag ito. Sa pinakadulong palapag, naroon ang penthouse ng mga Vhergarah. At doon kami madalas gumagawa ng group works.

I went inside the elevator and clicked the 50th floor. The door was about to close when it suddenly opened again, para sa isang lalaki. Tumaas ang paningin ko simula paa hanggang sa mukha nito. I was shocked when I saw who it was.

Wearing black vans shoes, black shorts with his hands in his pockets and white round neck shirt. Uno Vhergarah was standing in front of me with his usual cold and serious face, and his eyes fixed on me.

Sa gulat na aking nararamdaman, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o mag-iiwas na lang ng tingin? Sa huli, binigyan ko siya ng tipid na ngiti saka mabilis na nag-iwas ng tingin ngunit bago iyon, nakita ko pa ang kanyang pag tango at mabilis na pagpasok sa loob ng elevator at tumabi sa akin.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon