HCML 20

777 15 4
                                        

Chapter 20

Nanonood kami ng baseball. At hindi ko alam na marunong... No. Magaling pala si Uno sa larong ito.

Kahit pa hindi naman talaga ako maalam kung paano laruin ang baseball at first time ko lang makapanood, live man o hindi. Sa paraan ng pagtakbo n'ya, pagsambot ng bola at sa pagbato nito, masasabi kong may kakaiba sa way ng paglalaro n'ya compared sa iba pa n'yang kasama.

"Go Kuya Uno!" sigaw ni Natalia kahit na hindi naman siya maririnig ng pinsan.

"Mas gumaling ata si Uno ngayon," komento ni Rikka sa tabi ni Aleece.

"Yeah!" simpleng sagot ni CJ. "I'm sure they will win this game," he added.

"Being a team captain in highschool. I'm on Uno," pagyayabang ni Alexander na ikinagulat ko.

Team Captain? Kaya... kaya may kakaiba sa kilos n'ya at tila ba marami siyang alam na tricks sa larong ito.

"Wanna bet?" hamon ni Xander. May ngisi sa labi.

"Sure. I'm on Carlos, too!" nakangising wika ni CJ.

"I'm going to trust Dustin this time," wika ni Kuya Ralph at bahagyang humalakhak.

"What Kuya?" hindi makapaniwalang aniya ni Rikka.

Isa kasi sa nasa kabilang team, kalaban nina Sebastian ay ang pinsan nyang si Dustin. Kaya tuwing iyong dalawa ang tila ba nagwa-one on one, mas lalong lumalakas at tingin ng lahat, gumaganda ang laban. Siguro'y ito ang dahilan kung bakit naisipan ni Alexander na maghamon ng pustahan na s'yang mabilis na kinagat ng mga pinsan.

"What's what?" tanong ni Kuya Ralph sa kapatid.

"I mean... bakit kay kuya Dustin?" Rikka said, disappointed.

"What's wrong?" Kuya Ralph asked and chuckled, then he tapped Rikka's head twice.

"Sayang lang pusta mo!" irap ni Rikka na s'yang ikinatawa ng boys.

"Kay Dustin ako!" putol ni Ate Marice sa tawanan ng mga ito.

"Sure ka?" paninigurado naman ni Kuya Justin sa kaibigan. "Kay Uno ako!" nakangisi at may pang-aasar niyang sabi.

"Ano?" gulat na sabi ni Ate Marice.

"Ops! Bawal na magbago," paalala ng nakangising si Alexander.

"Hindi mo man lang susuportahan ang kakambal mo?!" manghang wika ni Ate Marice sa kaibigan.

"Why would I?" supladong sagot sa kanya ng kausap.

"Justin!" tawag ni Ate Marice.

"Nasabi ko na. Hindi na pwedeng baguhin," wika nito.

Nginiwian at inirapan naman s'ya ni Ate Marice. Tatawa-tawa naman siyang inakbayan ni Kuya Justin.

"Kay Uno ako!" confident na sabi ni Rikka.

"Me too!" si Aleece.

"I'll go for Dustin!" si Alicia.

Alexander chuckled.

"Ibigay mo na agad sa 'kin pusta mo!" asar nito sa kakambal. Inilahad pa niya ang kamay na tila ba nag-aantay na mailagay ni Alicia ang pusta nito sa kanyang palad.

"Huwag ka ngang mayabang!" sagot naman ni Alicia sa kanya.

Narinig ko na lang din ang daing ni Alexander at nang muli ko silang sulyapan, hinihimas na nito ang kanyang ulo. Siguro'y binatukan ng kakambal.

"Ka-team ko 'yan kaya susuportahan ko 'yan!" huling paliwanag ni Alicia rito.

"Kuya Fritz? Saan ka?" tanong ni Natalia sa isa pa nilang pinsan.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon