Chapter 23
There are a lot of changes, nang mag third year kami. Katulad na lang nang hindi na kami magkaklase nina Rikka.
Ngayon kasi sa ikatlong taon sa kolehiyo, pinagsama-sama na ang magkakaparehas ng course/program at major.
Kami na lang ni Natalia ang natira kasama si Chen sa accounting, I mean sa Accountancy. Halos lahat kasi, Business Ad. ang kinukuha. Mayroon pa rin naman kaming mga kaklase na kaklase pa rin namin kaso nga lang... sa amin na laging magkakasama, kami na lang tatlo ang natira.
Rikka, Uno and Alexander, silang tatlo ay nasa businesses ad. While Aleece left the country to study abroad. An international school offered her to pursue her dreams. Malungkot man dahil nasanay na rin akong lagi siyang kasama at kausap, pero ngayon, hindi na kami nagkakasama. Ayos pa rin dahil madalas naman kaming nagkakausap sa chat at kung minsan ay sa video call. And I'm really really happy for her.
"Ivanna, aalis ka?" Tanong ni Natalia nang makitang nakapang-alis ako.
"Ah... oo! May schedule kasi ako ng pagtu-tutor ngayon," sagot ko.
Hindi na ako nagpa part time job sa mga shop o kahit sa mga fast food restaurant. Simula last year, nang mangyari iyon at natanggal ako sa trabaho, tumigil na 'ko.
Mabuti na lang at in-offer-an ako ng isa kong prof. kung gusto ko raw bang mag tutor. Syempre, hindi na ako tumanggi dahil every week ang sahod at maganda naman. Hindi rin hectic sa schedule. Isa pa, nag-e-enjoy din akong i-tutor iyong dalawang bata.
Natalia nodded. "Akala ko naman may date ka na," aniya at ngumisi.
Mabilis muli akong napatingin sa kanya. Umiling ako at unti-unting natawa.
"Wala! Baka ikaw pa," sagot ko.
Ngumuso s'ya at humalukipkip. Looking at her right now, alam ko na agad na tama ako. Hindi na nga lang ako nagtanong pa dahil alam kong mamaya, pag-uwi niya, s'ya na mismo ang magkukwento.
Nagpaalam na ako sa kanila. Sumakay ng elevator at bumukas ito sa mas mababang floor. Tumunghay ako galing sa pagkakayuko. At bahagyang nagulat nang makita kung sino ang pasakay.
I smiled at him and like usual, he smiled back.
"Where are you going?" he asked in a monotone voice.
"Uh... ngayon ang schedule ng pagtu-tutor ko. Hindi kasi pwede kahapon kaya..." tumango-tango ako.
Hindi na s'ya nagsalita pa kaya tumahimik na muli ako. Gusto ko sanang tanungin kung saan ang punta n'ya ng ganito kaaga kaso lang, ayaw ko naman na magmukhang nang-uusisa kaya pinigilan ko ang sarili.
Bumukas ang elevator sa pinakaunang floor at sabay kaming lumabas ni Sebastian. Napasulyap ako sa kanya ng may pagtataka. Bakit dito s'ya lumabas gayong may lakad din ang isang ito? Hindi ba dapat sa ground floor s'ya nagtungo? Dahil naroon ang kanyang sasakyan.
Natigilan ako sa paglalakad at mabilis muling napatingin sa kanya nang marinig itong magsalita.
"Sumabay ka na sa 'kin," sabay baling niya sa akin.
Naabutan niya ako sa gulat na reaksyon kaya mabilis akong umayos. Iwinagayway ko ang dalawang kamay sa kanya.
"Hindi na. Hindi na!" wika ko at umiling-iling kasabay ng pagwagayway muli ng dalawa kong kamay.
Bahagyang nangunot ang kanyang noo. "Why?" he asked curiously.
"Ayos lang. Malapit lang naman," sagot ko. "Uhm... sige, mauna na ako!" dagdag ko nang saktong paglabas namin sa tower.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...