Chapter 35
Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakagalaw sa narinig. Parang tambol na unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin alam kung anong dapat gawin.
Nabalik lang ako sa wisyo nang makita ang naguguluhan na itsura ni Mama, pero kalaunan, dahan-dahan iyong nagbago at unti-unting naging matalim ang kanyang tingin lalo na nang bumaling ang mata niya sa akin.
"M-ma!" kabado kong tawag sa aking ina.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Maria." May diin ang bawat bigkas ni Mama ng mga salita. Nagpakawala s'ya ng malalim na buntong hininga at pumikit ng marahan para ikalma ang sarili bago muling tumingin sa akin.
"Anong ginagawa ng mga iyon dito?"
Hindi agad ako nakasagot. Hindi alam ang tamang isasagot. Yumuko ako at itinuon ang paningin sa aking kamay saka iyon sinimulan na paglaruan.
"Mama... Ate!" muling tawag ni Mara mula sa labas.
Mabilis akong napatunghay, naalarma kaya muling napatingin kay Mama.
"Papasukin mo Ara," utos ni Mama habang matalim na nakatingin sa akin. "Isa ba sa mga Vhergarah ang boyfriend mo?" nanlilisik ang mata ng aking ina sa galit nang tanungin iyon bago ako iniwan para lumabas ng bahay upang salubungin ang mga Vhergarah.
Mas lalo akong kinabahan at muling hindi nakagalaw sa pagkakaupo habang pinaglalaruan ang mga daliring hindi mapakali.
"Magandang araw din ho!" dinig kong wika ng aking ina at nagpakawala ng pekeng tawa. "Ano hong sadya ninyo rito? Pasok ho kayo! Pasok!"
Mas nanlaki ang mata ko nang marinig ang mga yabag ng paa na unti-unting nagsisi pasok. Para na akong mahihimatay sa bilis ng mga nangyayari. Nasa may terrace na ako ngayon. Sinikap ko ang sarili na lumabas at tuluyan na 'kong bumalik sa reyalidad nang makitang narito talaga ang mga Vhergarah sa aming bahay.
Isang yakap mula kina Rikka, Natalia at Alicia ang aking natanggap nang makalapit sila sa akin.
"I'm so excited and happy for the both of you ni Kuya Uno!" Natalia said excitedly and immediately hugged me.
Awkward akong napangiti at niyakap siya pabalik. Ganoon din si Rikka at Alicia at maging ang tahimik na si Beatrice.
"Congrats Ivanna! It's a blessing," Alicia said with a huge smile on her lips.
Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.
"Congratulations!" Rikka said and held my hand for a few minutes.
"Congrats po!" mahinhin na wika ni Beatrice at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Salamat," sagot ko.
Isang tango naman ang natanggap ko mula kay CJ at Francis. CJ also tapped my shoulder before he continued walking inside the house. Kuya Justin poked the left side of my waist. He even gave me a grin.
Napa buntong hininga ako.
Ngayon, hindi ko alam kung paano ko babatiin ang mas nakatatandang Vhergarah. Hiyang-hiya ako na harapin sila. Pero ang mas kinahiya at ikinagulat ko ay ang magaan nilang pagbati sa akin. Rikka's mom smiled at me. Ang ina naman ni Natalia ay masaya akong binati.
"Congrats, hija! Ilang months na?" Natalia's mom asked and just like her daughter's reaction, she looks excited.
"Two months po," medyo nahihiya kong sagot. Ganoon din ang ginawa at tinanong ng iba pang mga Tito at Tita ni Sebastian sa akin.
Para naman akong naubusan ng dugo sa katawan when I saw Sebastian's parents walking towards me. Hiyang-hiya at para akong semento na unti-unting naninigas ang katawan. Ni-hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas upang maharap sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/156048618-288-k409066.jpg)
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...