HCML 31

674 10 5
                                    

Chapter 31

Halos manlabo ang mata ko dahil sa luhang unti-unting kumakawala.

Malinaw na malinaw naman sa utak ko ang dalawang pulang guhit sa pregnancy test na hawak ngayon ng nangangatog ko nang kamay. Unti-unting bumibilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Mas bumibilis din ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga pisngi. At wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na tambol ng aking puso at ang unti-unti ko ng paghikbi.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata at nagbabakasaling nagkamali lang ako. Subalit nang magmulat at naglakas ng loob na muling tingnan ang pregnancy test na aking hawak... kahit sa nanlalabong paningin, hindi maipagkakaila ang dalawang linya na nakaguhit doon. Malinaw na malinaw at kitang-kita iyon.

Tuluyan ko nang nabitawan ang hawak at kung hindi lang mabilis na napahawak at nakakuha ng suporta sa sink, dito sa may banyo, baka tuluyan na 'kong napaupo sa sahig.

Unti-unti akong napasandal sa dingding nitong banyo. Nagkakagulo at nagkaka buhol-buhol na ang isipan ko. Hindi na makapag-isip ng tino kung anong dapat gawin.

Ano nang gagawin ko? Ngayong nakumpirma at tama na ang hinala ko, paano na ito?

Wala akong ibang plano bago gawin ito. Ni hindi ko na naisip kung anong susunod na gagawin kung sakaling totoo nga ang hinala ko. At ngayong nga na nakumpirma ko na, hindi ko na alam ang susunod na gagawin.

Parang sirang machine ang utak ko. Ayaw gumana. Ayaw makisama.

Ilang minuto akong tulala sa kawalan at hindi alam kung paano ako nakabalik sa ulirat. Basta ang alam ko na lang, nanghihina akong naglalakad patungong kama. Walang lakas at para bang wala na sarili.

Kung hindi ko lang narinig na tumunog ang aking cellphone, baka tuluyan na 'kong natulala roon. Mabilis kong hinagilap at kinuha ang cellphone. Wala sa sarili ko iyong s-inu-wipe. Hindi na nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag.

"Hi Ivanna..." masiglang mukha ni Aleece ang bumungad sa akin, samantalang ako'y parang ewan sa harap ng camera.

"Ivanna..."

"Ivanna!" malakas na wika ni Aleece sa kabilang linya at doon lang ako bahagyang natauhan. Ni hindi ko namalayan na video call pala iyon.

"Hey," pilit kong pinasigla ang aking tono ngunit alam kong hindi makakatakas kay Aleece kung ano man ang napansin n'ya.

"Hi!" naninimbang n'yang wika.

Ngumiti ako.

"Kamusta?" tanong ko. Sinusubukan walain ang nakita niyang itsura ko kanina.

"I'm fine..." bahagya ng nakakunot ang noo nito, nagtataka. "You?"

"A-ayos n-naman..." ngiti ko.

Naningkit ang mga mata n'ya at sigurado akong...

"Really?" tanong n'ya, hindi naniniwala. "coz you don't look fine. You look so stress," hindi na n'ya napigilan.

Tama! S'ya na mismo ang nagbigay ng irarason ko.

"Uh... o-oo... m-medyo stress nga ako nitong past few weeks," dahilan ko. Bahagyang hinilot ang sentido dahil nakakaramdam ng pagkahilo.

"You should rest..." nag-aalala n'yang wika. "I will end this call na muna para makapag pahinga ka," patuloy n'ya.

"Aleece..." tawag ko nang subukan n'yang patayin ang tawag.

"Hmm..."

Gusto kong sabihin sa kanya itong problema ko. Gusto kong ikwento sa kanya. Pero... natatakot ako. May kung ano sa akin na umaasang panaginip lang ito.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon