Chapter 8
Kasabay kong inayusan si Aleece at Rikka. Nauna nga lang akong matapos sa kanila dahil halos walang inilagay sa akin.
Napagsabihin pa nga ako noong baklang makeup artist.
"Okay na po!" wika ko nang makitang may ilalagay pa ulit siya sa aking mukha.
The makeup artist chuckled.
"Dagdagan pa natin ng kaunting makeup ang face mo. Masyado kasing manipis," wika ng nag-ayos sa akin.
"Hindi na po! Okay na po ito. Salamat po!" sagot ko.
"Hindi ka sanay nang may makeup, ano?! Dapat ay magsanay ka! Pero okay lang naman na wala kang makeup. Angat pa rin naman ang ganda mo!" anito.
Bahagyang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Sana ganyan lahat, ano? Kahit walang kolorete sa mukha, maganda ka pa rin," wika noong babae na nag-aayos kay Aleece.
Nagtawanan ang ilang tao na narito. Tumayo na ako at ang pumalit sa aking pwesto, si Ate Rafaella. Wala na rito si Natalia dahil mukhang inaayusan na rin sa ibang kwarto o kung saan man.
Nagtungo ako sa kama kung nasaan sina Alicia. Nag-usap kami saglit at nagpaalam na ang mga itong magbibihis.
Naiwan ako roon sa kama mag-isa habang pinapanood sina Aleece, Rikka at Ate Rafaella na inaayusan.
My eyes went to the large mirror here in the guestroom. I looked at my reflection in the mirror. I smiled when I saw my face. I look better.
Kung kanina, plain na plain ang aking mukha, ngayon, nagkaroon na ng kaunting kulay. Manipis man ngunit tama lang para magkaroon ng kaunting sigla ang aking mukha.
Napahanga tuloy ako sa pag me-makeup noong nagmakeup sa akin. Simple pero maganda!
Ang itim kong buhok ay straight na straight na nakalugay at kaunti na lang, aabot na sa aking baywang. Inipitan lang ito ng hairpin sa kaliwang bahagi.
"Bihis na tayo!" si Aleece sa aking gilid.
Tapos na pala siyang ayusan at mas gumanda s'ya.
I nodded and followed her palabas ng guestroom.
We went to another room, beside the guest room. Kung saan kami naroon kanina.
May dalawang maganda at eleganteng long gown na nakapatong sa kama. Mabilis na nagtungo si Aleece sa isa. Samantalang ako naman, naestatwa.
"Ivanna!" lingon ni Aleece sa akin.
Mabagal ang naging paglapit ko sa kanya.
"This is mine," sabay kuha niya roon sa itim na gown. "And that is yours," turo nito sa kulay pink na gown na nakapatong sa kama.
Tumingin ako sa kanya nang may hindi makapaniwalang reaksyon.
"I-ito?!" I stuttered when I pointed to the gown on the bed.
She nodded and smiled at me, sweetly. Tumalikod na siya at nagsimulang magbihis. Samantalang ako'y natulala pa.
"Ivanna!" I came back to my senses when I heard her voice.
"Pwedeng pakiclose ng zipper?" pakiusap niya.
"Ha? Uh... oo, sige," medyo taranta kong sagot sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Agad akong lumapit sa kanya at isinarado ang zipper ng kanyang gown. Pagkatapos, humarap ito sa akin nang may malawak na ngiti.
"Aleece, ang ganda mo. Bagay sayo 'yang suot mo," hindi ko na napigilan sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
Storie d'amoreVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...