HCML 1

1.4K 29 0
                                    

Chapter 1

Today, is my first day being a college student. And I don't have any idea kung saan ako tutungo sa sobrang lawak ng school na ito.

Wala pa man din akong kakilala rito sa Maynila. Especially in this school.

Sa tingin ko'y ako lang ata sa eskwelahan namin dati ang nagtangkang mag-exam dito. Bukod kasi sa malayo ito sa Batangas, malaki rin ang tuition na binabayaran sa eskwelahang ito. Hindi lang iyon, ito rin ang top one at pinakasikat na school sa Pilipinas. Kaya hindi nakakapagtakang marami ang nangangarap na makapag-aral dito. Lalo na sa estado ng buhay ko. 

The truth is, I never expect na makakapag-aral ako rito or should I say na makakapag-aral pa ako ng kolehiyo. 

After ko kasing g-uma-raduate ng High School kahit pa gustong-gusto kong mag-continue ng pag-aaral, naisip kong tulungan na lang muna si Mama. Lagi rin kasi niyang sinasabi sa akin na hindi na niya ako kayang papasukin ng kolehiyo kaya magtrabaho na lang daw ako. 

"Kahit gaano ka pa katalino, hindi ka rin naman makakapagkolehiyo! Mabuti pa gamitin mo na lang 'yang talino mo sa pagtatrabaho nang may maitulong ka sa amin ng iyong Tiyo. Hayaan mong si Mara na lang ang mag-aral at makapagtapos!" 

Tuwing sinasabi sa akin iyan ni Mama, napapatungo na lang ako. Kahit pa gusto kong umiyak, hindi ko magawa dahil mas lalo lang niya akong pagagalitan. 

Noong una, hindi ko iyon tanggap dahil pangarap ko talagang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit kahit gustuhin ko, wala rin naman akong magagawa dahil wala naman akong sariling pera. 

Hindi ko rin pwedeng pilitin si Mama dahil mas lalo lang siyang magagalit sa akin. Kaya naman buong summer ay nagtrabaho ako sa isang fast food restaurant na pwede lang lakarin mula sa aming bahay. 

Unang sahod ko noon, hindi gaanong malaki dahil ibinawas doon ang bayad sa aking uniporme at kung ano-ano pa. Ang natira naman, ibinigay ko rin lahat kay Mama. 

"Mabuti naman at nakinig ka sa akin na magtrabaho na lang kaysa pumasok pa. Aba, eh... wala ka rin naman mapapala roon! Ganoon din naman pagkatapos makagraduate ng kolehiyo... magtatrabaho rin naman. Eh bakit hindi pa ngayon?! Tingnan mo't may naibigay ka na kaagad sa akin," nanenermon ngunit hindi maipagkakaila ang tuwa ni Mama nang sabihin niya iyon. 

And that was the first time that I saw her na natuwa sa akin. And I'm happy for that!

Sa sumunod na sahod ko ay mas malaki na. Madalas akong mag-overtime kaya mas malaki. Ganoon din sa mga sumunod pa.

Dahil doon, nakaipon din ako kahit papaano. Tuwing sahod, nagbibigay ako kay Mama at the same time nag-iipon din. Hindi ko alam kung nahahalata ba n'ya iyon pero never naman s'yang nagtanong about do'n. 

Isang beses habang naglalakad ako pauwi galing trabaho, nakatanggap ako ng mensahe mula sa dati kong guro. 

Mam Solomon:

Nak, kamusta ka na? Maitanong ko lang kung busy ka ba bukas? If you have a time kahit ilang minutes lang maari bang sumaglit ka sa school? May gusto lang akong sabihin sa iyo.

After kong mabasa iyon, napangiti ako. Mabilis akong nagtipa ng mensahe kay Ma'am. 

Ako: 

Ayos lang naman po ako Ma'am. Kayo po? Miss ko na po kayo! Sige po. Dadaan po akong school bukas. 

Mam Solomon: 

Miss ko na rin kayong mga anak ko. Sige hihintayin kita rito. Siguradong magugustuhan mo itong balitang sasabihin ko sa iyo.

Nang mabasa ko iyon, hindi ko alam pero pakiramdam ko'y talagang ikatutuwa ko iyon. 

Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay. Malapit na kasi ulit magpasukan kaya marami muling estudyante sa eskwelahan na nagbi-brigada eskwela. 

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon