HCML 9

716 15 3
                                        

Chapter 9

Natapos ang party ni Natalia, eleven o'clock na ng gabi. Nagpicture picture pa kami kaya nagtagal pa kami roon.

Kakaunti na lang ang mga bisitang natitira at halos mga kamag-anak pa nila. Nang sulyapan ko ang cellphone, nakitang eleven forty-five na!

Nag-umpisa na 'kong mamoblema sa kung paano ako uuwi. Masyado nang gabi at delikado na sa daan. Hindi rin ako sigurado kung may masasakyan pa ako!

Naupo ako sa bakanteng upuan. Humikab ng isang beses at doon na naramdaman ang sobrang pagod at antok. Umob-ob ako sa mesa upang makapahinga saglit.

"Are you okay?" boses ng nag-aalalang babae ang aking narinig. Hinawakan pa nito ang aking likod.

Tumunghay ako para makita kung sino iyon. Nagulat pa ako nang makita at mapagtantong siya iyong kaibigan ni Alicia at bestfriend ng isa sa kambal. Marice?

"You're Ivanna, right?" she said in a friendly tone.

I nodded and her smile widened.

"I'm Marice!" pakilala ulit niya.

Ngumiti na lang ako. Hindi alam ang sasabihin dahil ino-occupy na ng utak ko... kung paano ako uuwi?

"Uhm..." panimula niya kaya napatingin akong muli sa kanya. "I just want to invite you pa naman. Sana..." she smiled cutely. "Kaso mukhang pagod ka na," nanatili ang kanyang ngiti ngunit mahahalata ang tamlay sa kanyang boses.

"Saan?" tanong ko kahit alam ko sa sarili kong hindi na nga ako makakasama.

"Sa condo lang din nina Natalia. Overnight!" magaan ang tono niya. "Nagkayayaan kasi silang sulitin at i-extend 'tong party na 'to since magiging busy na ulit sa school. You know!" she said. "Sama ka?!"

Mabilis akong umiling. "Ah! Hindi na!" sagot ko dahil nakakahiya. Isa pa, masyado na ring gabi at mukhang ang kasiyahan na iyon ay para sa magpipinsan.

May sasabihin pa sana ito nang lumapit sa table namin ang kanyang bestfriend na si Justin.

"Let's go!" aya ng kaibigan niya sa kanya.

Tumango ito at tumayo. Ngunit bago siya tumalikod, may pahabol pa siya sa akin.

"Sure ka?" paniniguradong tanong niya. 

Hindi ko na napigilan at nagpakawala ng mahinang tawa. "Oo. Salamat na lang. Enjoy!" sagot ko.

Nagpaalam pa sa akin si Marice, maging si Justin ay ikinabigla kong nagpaalam din sa akin.

Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga nang umalis silang dalawa.

Nanatili pa akong nakaupo ng ilang minuto bago tumayo para magpaalam.

Naglalakad na ako para hanapin kung nasaan na sina Natalia nang biglang magpakita sa harap ko si Aleece.

Sa gulat ko, sa biglaan niyang presensya, biglang bumilis ang tibok ng aking puso na para bang aatakihin ako.

"Aleece, ginulat mo ako," medyo inis kong sabi sa kanya. Hindi pa nakaka recover sa kanyang ginawa.

Tinawanan lang niya 'ko bago kumapit sa aking braso.

"Magugulatin ka pala!" masiglang wika niya.

"Hindi ah! Kahit sino ay magugulat sa ginawa mo," tanggi ko at bahagyang napanguso.

Tumawa ulit siya. "By the way, anong oras na? Bukas ka na umuwi sa apartment na tinutuluyan mo. Sumama ka na sa amin. Sa condo ng Vhergarah tayo matutulog." Dire-diretsong aniya.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon