Chapter 42
"Good mornin'," his baritone with a mixture of gentleness in his voice was the first one I heard.
Muli akong napabuntong hininga at nakagat pa ang pang-ibabang labi.
"Morning," balik na bati ko.
"So..." he trailed off.
Kinabahan lalo ako.
"Happy Valentine's!" mas lumambing ang boses niya.
Mas nakagat ko ang labi dahil doon. "Happy Valentine's din. Thank you nga pala sa bulaklak. Hindi ka na sana nag-abala."
"No. You deserve that."
Bakit pakiramdam ko'y nakangiti siya?
"Salamat," ulit ko.
"I'm gonna fetch you later, exactly six pm," aniya.
"Ha? Teka! Sandali..." nagulat ako.
Narinig ko ang mahina niyang halakhak sa kabilang linya kaya muli akong nakaramdam ng hiya.
"Did you read the words written on the card?" tanong nya.
Hindi agad ako nakasagot. "Uh... ano... oo." Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko.
"So I assume that you answered my call because... you agree?" paglilinaw niya.
"Huh? A-ano..." mabilis kong nakagat ang labi, hindi malaman ang dapat kong isagot sa kanya. Napahawak tuloy ako sa aking tiyan at marahan iyong hinaplos habang nag-iisip.
"Hanah," sa malambing niyang boses na wika.
"Sige na nga."
"What?"
Natikom ko ang bibig ng ilang minuto. Ayaw na sanang ulitin subalit mukhang wala siyang balak na tigilan ako.
"Oo."
"Word?" ramdam ko ang pinipigilan niyang ngisi sa kabilang linya.
Nakagat ko ang ibabang labi bago ibinaling ang paningin sa bulaklak na ibinigay niya. Hinawakan ko ang petals ng sunflower bago nagsalita.
"Word," nagpipigil ng ngiti kong wika, nanatili ang mata sa bulaklak.
"Yes!" mahinang-mahina ang boses niya, mukhang inilayo ang cellphone sa kanya para hindi ko marinig ngunit rinig ko pa rin naman.
Umiling lang ako, tuluyang ngumiti at mas hinaplos ang tiyan. Ilang minuto pang nanatili ang tawag dahil may mga bilin siya sa akin at kung hindi ko narinig na tinawag siya ng sekretarya niya, wala pa ata siyang balak na ibaba ang tawag.
Nag-ayos ako ng sarili bago lumabas ng kwarto, saktong naabutan ko si Rikka sa may sala, nasa hita ang laptop at may t-ina-ype roon.
"Good morning!" nakangiting bati ko.
Mula sa screen ng laptop, nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Happy Valentine's!" may panunuya sa boses niya.
"Sa 'yo rin," balik ko.
Sabay kaming napatingin ni Rikka kay Natalia nang mabilis siyang lumagpas sa sala. Bihis na bihis, halatang may lakad.
"Thalia!" si Rikka dahilan kung bakit natigil sa paglalakad ang pinsan niya.
"What?" Natalia asked with her brows furrowed. Halatang nagmamadali.
"You have a date?" malisyosang ngumiti si Rikka.
"What?! No kaya..." in denial na sagot niya kaya natawa kaming dalawa ni Rikka. "Why are you laughing? Wala naman talaga," pilit niya at mas sumimangot ang mukha. "Baka kayong dalawa pa," ganti niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/156048618-288-k409066.jpg)
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomansVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...