HCML 30

665 8 8
                                    

Chapter 30

That was the first... and the last time na nagkausap kami ni Sebastian before I heard na umalis na ito papuntang America para do'n mag-aral ng masteral.

Hindi ko alam kung makakahinga na ba 'ko ng maluwag ngayong wala s'ya at malayo sa 'kin o mas lalong kakabahan? Dahil pakiramdam ko... kahit wala s'ya, may nagmamasid pa rin sa akin at pinapaalam kay Sebastian lahat ng kilos ko.

Sabay kami ni Natalia na nag-enroll sa review center. Kaya naman kapag nalilito o may hindi kami naiintindihan, nakakapag tanungan at tulungan kami.

Mabuti na lang din at tuloy pa rin ang pagtu-tutor ko kaya naman hindi ako gano'ng namomoblema kung saan kukuha ng panggastos. Gusto ko sanang mag-apply muli ng part time kaso nga lang, kulang sa oras.

Mahirap din dahil baka hindi ko matutukan ng ayos ang pagrereview ko. Lalo na at nitong mahigit dalawang buwan na nakalipas... ewan ko ba pero madalas akong mapagod at sumakit ang ulo. Malaking halaga pa naman ang inilaan ko para roon. Na inipon ko talaga. Hindi ko pa nga alam kung saan ako kukuha ng pandagdag sa mga susunod pang buwan. Anim na buwan pa naman ang kailangan sa pagrereview. At sana talaga ay makapasa kami.

Muli kong hinilot ang sentido nang muling makaramdam ng sakit ng ulo. Naibagsak ko ang lapis na aking hawak sa papel na binabasa at sinasagutan. Napapikit ako ng husto nang maramdaman ang pagkirot nito. Napatigil tuloy ako sa pagrereview dahil sa nararamdaman.

Ilang araw at linggo na... na ganito ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko'y magkakasakit ako pero hindi naman. Siguro'y mas'yado kong pinapagod at inii-stress ang sarili. Bukod kasi sa pagrereview, para bang ang dami kong problema na dinadala. Isa na ro'n ang sinabi ko kay Sebastian na kalimutan na ang nangyari. Pinilit ko. Sinubukan ko.

But...

The more I try to forget, the more I remember. At sa tuwing ginagawa ko iyon, pakiramdam ko, may nagbabago. Katulad na lang sa ginawa kong pag-iwas kay Sebastian.

Sa tuwing gagawin ko 'yon. Ang iwasan s'ya, mas lalo lamang ako. Kami. Na inaasar ng kanyang mga pinsan. Na noon naman ay hindi nila ginagawa pero dahil sa scene na nasaksihan nila sa bar, na hindi ko matandaan, ay ayaw na nila kaming tigilan.

Ngayon ko lang napagtanto na mabuti na nga lang at umalis si Uno. At least, wala ng gumagambala sa akin.

"Ivana, nasagutan mo na ba 'yong..." tanong ni Natalia ngunit naputol ang kanyang sasabihin. "Ivanna... Are you 'kay?" nag-aalala n'yang tanong at agad kong naramdaman ang presensya n'ya.

I felt her hand touch my shoulder.

I nodded. "Medyo masakit lang ang ulo," wika ko.

"This past few weeks... madalas masakit ang ulo mo. Mas'yado ka atang nagpapaka-stress sa pagrereview," wika n'ya habang inaalalayan ako patungong kama.

Hindi ako nagsalita pero nag-umpisa ng bumagabag sa 'king isipan ang sinabi n'ya. 'This past few weeks... madalas sumakit ang ulo mo.'

Naisip kong baka nga stress lang ako sa mga nangyari at naiisip nitong mga nakaraang buwan at linggo pero dahil sa sinabi ni Natalia, may isang ideyang pumasok sa aking isipan at nagbigay ng kakaibang kaba sa akin.

"Stay here. I'll get you a medicine and water," aniya atsaka lumabas ng kwarto para nga kumuha ng mga iyon.

Paglabas na paglabas ni Natalia, mabilis kong hinanap ang aking cellphone. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa paghahanap at palingon-lingon. Nang walang makitang bakas ng cellphone sa kama, tumayo ako at agad na nakaramdam ng pagkahilo.

Mabilis akong napaupo pabalik ng kama at pumikit. Habang tumatagal, mas lalong sumasama ang aking pakiramdam. At mas lalong nagbibigay ng ebidensya na possible nga ang aking iniisip.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon