HCML 2

841 14 0
                                    

Chapter 2

Nagulat at nagtaka man, hindi ko na iyon pinansin pa. Itinuon ko na lang muli ang aking paningin sa harapan.

"Good Morning! I'm Mr. Mondragon," pakilala nito.

Sa itsura at pananalita niya, masasabi kong may pagka-istrikto ito.

"Hey, where are you guys galing ba? You two are almost late!" mahinang tanong ng aking katabi. Hindi ko alam kung sino ang kanyang sinasabihan.

"But we're not. Why? Did you already miss us?" mapanukso ngunit naroon pa rin ang pagiging seryoso sa boses ng lalaki, na aking narinig mula sa likuran.

"Of course not. Duh!" maarteng sagot naman nito.

Kahit na sobrang hina, narinig ko pa rin ang pagtawa noong lalaki. Hindi ko na iyon pinansin dahil nagsimula nang magdiscuss si Mr. Mondragon. Naging maayos naman ang takbo ng kanyang discussion.

Ang akala ko'y block section kami iyon pala ay hindi. Kaya naman sa sumunod na subject, hindi ko na kaklase ang halos mga kaklase ko kanina.

Mali pala, dahil iyong mestiza'ng katabi ko kanina, naging kaklase ko sa lahat ng subject. Iyon namang may pantay na kulay na babae, kaklase ko ngayon at naging kaklase ko ulit sa isang minor subject.

Naging kaklase ko rin iyong dalawang lalaki na huling pumasok kanina rito sa huling subject para sa umagang ito. Nang mag dismissed ang huling prof. para sa umagang klase, mabilis akong nag-ayos ng aking gamit.

"Where are we going to eat lunch?" tanong muli ng aking katabi. Iyong babaeng ngumiti sa akin kanina.

Hindi ko pa siya kilala dahil kahit na magkaklase kami sa lahat ng subject ngayong umaga, hindi ko tinangkang magpakilala o makipag-usap man lang sa kanya. Nahihiya kasi ako. Lalo pa't kikay ang isang ito. Iyong isa naman, mukhang suplada.

"Do you have some place in your mind where you wanna eat lunch?" boses muli noong lalaki kanina ang aking narinig. Na sa tingin ko'y iyong moreno.

"Nah! I'm fine at the cafeteria."

"Then let's go!" muling anyaya nito.

Naglakad ang mga ito palabas ng classroom. Apat silang sabay-sabay na lumabas. Iyong babaeng katabi ko tapos iyong babaeng katabi naman niya at iyong dalawang lalaki.

Paglabas na paglabas nang apat, narinig  ko ang buntong hininga ng karamihan. Especially the girls.

I just finished to put all my things inside my bag and leave the classroom to eat lunch. Pagkarating sa cafeteria, halos puno na ito. Tiningnan ko muna ang aking wallet at nakitang isang libo na lang ang pera ko. I sighed before lining up there to order.

Lagot ako nito!

Unang araw pa lang ng pasukan at kailangan ko na kaagad magtipid. Kailangan ko na rin makahanap ng trabaho para may maipanggastos ako sa susunod na linggo.

Kung hindi, lagot talaga ako nito!

Naubos na kasi ang naipon ko dahil ipinambayad ko roon sa renta ng bahay na aking inuupahan. Pinambili ko rin ng uniform at gamit ang iba na kailangan dito sa school.

Dala ang aking pagkain, naupo ako roon sa kababakante pa lang na table.

Nakakailang subo pa lang ako nang makarinig ng malakas na tawanan. Agad akong napalingon sa aking kanan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon at nakita ang grupo ng estudyanteng masayang nag-uusap-usap sa mahabang table.

Hindi ko man bilangin pero masasabi kong lampas sampu silang nandoon. Nabigla ako nang makita ang apat kong kaklase na naroon din. Hindi man alam kung ano ang relasyon nila sa isa't-isa, ngunit masasabi kong sobrang close nila.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon