Stay safe, stay healthy and let's pray for our kababayan po.
Chapter 32
Mabilis akong bumaba, pagtigil na pagtigil pa lang ng sasakyan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa nararamdaman. Punong-puno ng inis ang katawan ko. At habang tumatagal na narito ako, kasama nila, para bang sasabog ang puso ko sa sobrang irita.
Kanina habang nasa byahe, kahit na anong pilit kong ignorahin ang dalawa sa aking harap, hindi ko magawa. Paano ko magagawa kung naglalandian sila!
Seryosong nagmamaneho si Sebastian samantalang iyong Trinity, may paghawak pa sa braso ni Uno. Yumakap siya roon. Isang sulyap ang iginawad ni Sebastian sa kanya bago ko naramdaman ang titig ni Sebastian sa akin gamit ang rearview mirror.
Tumingin ako roon at nakitang... tama nga ako! Seryoso ang mga mata ni Uno ngunit nahahaluan ito ng kung ano. Pagsusumamo? Hindi ako sigurado. Napansin iyon noong Trinity kaya napabaling din s'ya sa akin.
Isang ngiti ang iginawad n'ya ngunit alam kong hindi lamang iyon isang simpleng ngiti, kun'di isang mapang-asar na ngiti. Imbes na irapan ay nginitian ko na lang din s'ya saka nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa.
Iyan ba? Iyan ba ang magiging ama ng anak ko?
Pwede naman na hindi ko na muna sabihin sa kanya dahil mukhang pumoporma pa s'ya.
Agad na akong nagpaalam sa dalawa. Nagpasalamat sa kanila at dumiretso na papasok ng elevator. Bago pa man tuluyang magsarado iyon, agad din na bumukas dahil sa taong dumating.
Kaba ang naramdaman ko nang makitang si Sebastian iyon. Seryosong seryoso s'ya nang pumasok sa loob. Sumunod sa kanya ang bahagyang hinihingal na si Trinity.
Tahimik at walang kahit na anong ingay ang maririnig simula ng sumarado ang elevator. Ramdam kong may nakatitig sa akin. Na kahit kaunting kilos ko, pinapanood ng mabuti. Hindi ko na nga lang tiningnan at hinayaan na lang.
Bumukas ang elevator sa forty-fifth floor. Unang lumabas ang nakapamulsang si Sebastian na ikinasaya ng puso ko. Mawawala na rin siya sa paningin ko! Kaya lang... mabilis na tumigil si Sebastian sa labas ng elevator, bumaling sa akin at bago pa magsara ng tuluyan ang pinto, walang sabi-sabi at mabilis niya 'kong hinila palabas doon.
Sa gulat ko'y hindi agad ako nakapalag.
"T-teka... Sebastian... A-ano ba..." pigil ko sa kanya.
Hindi man mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa aking kamay, alam kong kahit anong pagpupumiglas ko, hinding-hindi ako makakawala sa hawak n'ya.
Pinipilit kong kumawala ngunit sa huli, ang tangi ko na lang na nagawa ay ang lumingon sa elevator na ngayon ay papasarado na.
Nakatayo sa loob si Trinity. Ang akala ko'y tutulungan n'ya 'ko dahil imbes na s'ya ang hinihila at kasama nitong si Carlos, bakit ako? Bakit ako ang ginagambala nito?
Isang kaway at ngisi ang iginawad sa akin ni Trinity bago tuluyang sumara ang elevator.
Nanlaki ang mata ko, laglag ang panga at napatanga sa gulat. Nawala ang pag-asa kong makawala. At napalitan iyon ng pagtataka.
Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to!
"Sebastian bitawan mo 'ko... Ano ba!" reklamo ko sa kanya.
Hindi s'ya nakinig. Isang sulyap ang ibinigay ng malalim at seryoso n'yang mga mata sa akin. Pagkatapos ay hinila na n'ya akong muli.
"Sebastian... nasasaktan ako," patuloy kong reklamo kahit hindi naman talaga.
Biglaan ang naging paghinto n'ya kaya napahinto na rin ako. Ang kaninang seryosong-seryoso n'yang mukha ay napalitan ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...