HCML 13

720 15 1
                                        

Chapter 13

Nag-aayos ako ng buhok sa harap ng maliit kong salamin dito sa apartment nang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha kung saan nakapatong at wala nang tingin tingin na pinindot upang masagot agad ang tawag.

"Hello," panimulang bati ko sa kabilang linya.

"Where here na sa labas ng apartment mo!" boses ni Natalia iyon.

Mabilis akong nataranta at nagulat sa narinig.

"Huh?! Teka! Hindi pa ako tapos mag-ayos," mabilis at medyo taranta kong sabi.

Nakailang paikot-ikot ako para kunin ang gamit, bag na aking dadalhin dahil paniguradong doon na naman ako matutulog sa condo nila. Nagdala na 'ko ng damit pamalit para hindi na manghiram pa sa kanila.

Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin.

Okay na siguro ang buhok ko. Ang mukha ko naman, okay ng walang makeup!

I locked my apartment. Ch-in-eck ko pa iyong mabuti kung nakasarado ba ng maayos. Wala naman mamahaling gamit sa loob ngunit kailangan ko pa rin siguraduhin na hindi ito mabubuksan ng walang susi.

T-in-ext ko si Natalia na pababa na ako at naglalakad na patungong labasan. Papasok kasi 'tong apartment na aking naupahan. Bago makasakay sa may highway, kailangan munang dumaan sa may hindi kalakihan na kalsada. Eskinita kumbaga.

"Hi!" bungad ko sa nakangiting si Aleece sa may front seat ng sasakyan.

"Hello! Ganda natin ah!" she teased.

Ngumiti ako at umiling.

"Hi Ivanna!" bati ni CJ sa akin. Kumaway pa s'ya ng isang beses mula sa driver seat ng sasakyan.

I smiled back. Binati at kinawayanan ito.

"Sakay ka na sa back seat. Tabi ni Thalia," si Aleece.

Tumango ako at binuksan na ang likod ng sasakyan.

Pagkaupo ko'y bumungad sa akin ang nakasimangot na si Natalia.

"Hi!" masiglang bati ko sa kanya.

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Tanging irap lang ang iginawad niya.

Imbes na mangamba na baka galit siya, tumawa ako dahil alam kong biro lang iyon.

Mas lalong sumimangot ang kanyang mukha kaya mas lalo akong tumawa at niyakap siya.

"Bakit wala kang makeup?"  nakasimangot pa rin n'yang tanong.

"Okay lang naman ah, kung walang makeup," sagot ko.

"Mas gaganda ka kung may make,up," aniya. Bumaling na siya sa akin at nagsalita. "Let me put some makeup on your face," mas magaan na kanyang tono. Hindi katulad kanina na nakasimangot.

Kunwaring nag-iisip ako.

"Ivanna!" medyo inis at may pagtatampo n'yang tawag nang hindi agad ako nagsalita.

Muli akong tumawa. "Sige. Sige! Pero kaunti lang Natalia, ha!" sang-ayon ko.

She smiled widely and nodded. May kinuha siya na isang bag. Bahagyan akong nagulat nang makitang puro makeup ang laman noon. Imbes na magkumento, napailing na lang ako.

"Ready ah!" asar sa kanya ni Aleece sa front seat.

"Syempre. Alam kong hindi maglalagay ng makeup ang isang 'to," nguso sa akin ni Natalia.

Tumawa si Aleece. "Yeah!"

Buong byahe papunta sa lugar kung saan gaganapin ang debut ni Rikka, mini-makeup-an ako ni Natalia.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon