HCML 21

578 13 3
                                    

Chapter 21

Natapos ang laro at nagtatatalon sa tuwa sina Natalia dahil nanalo si Alexander. Napansin ko rin ang lihim na pamumula ng mukha ni Mariel nang lapitan kami ni Alexander pagkatapos nitong magbihis.

"Congrats, men!" paunang bati ni CJ sa kanya.

"Thanks!" masayang sagot nito at nakihigh-five sa pinsan.

"Congrats bastard!" nakangising pang-aasar ni Uno rito.

"Thank you my honorable cousin," sarkastiko niyang sagot kay Sebastian. Nginisian lang naman s'ya nito.

"Congrats Xander," malumanay at halos hindi makatingin na bati ni Mariel sa kanya.

"Thanks!" wika ni Alexander. Tinapik ang balikat nito at sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi.

Napangiti ako at mas pinanood ang pamumula ni Mariel. I also congratulated Alexander at nang sumapit ang hapon, sina CJ, Fritz at Francis ang pinanood namin maglaro ng soccer.

Magkakateam silang tatlo dahil pare-pareho silang mga engineering students at ang kalaban nila ay criminology student, ata.

"Ang gwapo ni CJ!" kinikilig na aniya ng mga babae sa aming likuran.

Imbes na tumingin sa kanila, kay Aleece ko itinuon ang paningin. Alam kong narinig niya iyon kaya gusto kong makita ang kanyang reaksyon.

Lumingon s'ya sa likuran at nginitian iyong mga babae. Pagkatapos, muling bumaling sa field para manood.

Pasimple akong napangiti sa nakita. Hindi selosa!

"Iyan 'yong girlfriend!" someone said.

"I told you, huwag ka masyadong maingay," mahinang aniya nang nasa likuran.

"Oh?! So? As if naman aagawin sa kanya ang boyfriend nya," mataray ang pagkakasabi noon.

"Lower down your voice. Baka marinig ka!" halos pabulong iyon ngunit dinig pa rin.

"So? Totoo naman kasing gwapo si CJ!"

"Oo nga! Pero 'wag mong masyadong laksan 'yong voice mo."

"Why? Anong masama ro'n? Buti nga kino-compliment pa 'yong boyfriend n'ya!"

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga riyan!" 

Pagkatapos kong sabihin iyon, ang sumunod ko naman narinig ay ang yabag ng paa na paalis, at nakitang may babaeng pababa na ng bleacher.

Muli akong tumingin kay Aleece at nakita s'yang umirap sa kung ano. Napailing na lang ako dahil alam ko na agad kung para saan iyon.

She heard them talking about her boyfriend and I cannot blame her. Sa hitsura n'ya ngayon na magkasalubong ang kilay, alam ko na agad na nainis siya sa narinig. Though, wala naman mali sa sinabi subalit hindi maganda ang pagkakasabi nito. Kaya kahit sino sigurong girlfriend ang makarinig, makakaramdam ng katulad ng kay Aleece.

Normal lang iyon dahil girlfriend siya.

Isang linggo ang naging Intrams at Engineering ang nag-overall champion. First place naman ang pinagsamang department ng Business Ad and Accountancy. Pangalawa ang College of Medicine at ang third place, ang College of Computer Science and Information Technology.

Hindi pa natatapos ang awarding kanina,  umalis na agad ako para sa trabaho. T-in-ext lang sa akin ni Rikka kung sino ang mga nanalo kaya nalaman ko.

Eleven o'clock na ng gabi at ngayon pa lang ako mag-a-out sa trabaho dahil nag Overtime ako. Marami kasing customer kaya minabuti kong mag-extend na lang tutal, wala rin naman pasok kinabukasan. Sayang ang sahod.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon