HCML 34

767 14 0
                                    

Chapter 34

Naabutan kong nagtatawanan ang magpipinsan sa may sala nang makabalik ako sa condo.

"Ivanna, where have you been? Whole day kang wala!" si Natalia, bakas sa mukha ang pagkabigla nang makita akong dumating.

"Uh..." ani ko. Nag-iisip ng palusot. "Sa m-may labas lang," medyo kabado kong dugtong lalo na nang makita iyong Trinity na Tita raw ni Sebastian. Nakaupo ito katabi ni Ate Marice, magkakrus ang magkabilang braso at binti, nakataas ng bahagya ang isang kilay, nakatingin sa akin at may pang-asar na ngisi.

"Shopping?" si Natalia.

"H-hindi!" napanguso si Natalia sa sinagot ko.

May narinig akong sumipol at nang hanapin kung sino iyon, nakangising Alexander at CJ ang aking nakita.

"Si Uno?" tanong ni Xander sa lahat ngunit bakit parang sa akin n'ya tinatanong iyon.

"Baka nakikipag date," halakhak ni CJ at pasimple pa 'kong tiningnan.

"Duh!" maarteng sabat ni Thalia. "Ni wala ngang pinopormahan 'yon."

"Not sure couz!" ani Alexander sa pinsan, tila ba may alam.

Wala sa sariling napalunok ako. Medyo kinabahan sa himig ni Alexander.

"Uno is a man so probably..." kibit balikat ni Rikka. Naupo ako sa tabi n'ya.

Muling humalakhak ang dalawa kaya nagtatakang tingin galing sa iba pang pinsan ang natanggap nila.

Halos mapapikit naman ako dahil sigurado akong ang nakita nila kanina ang s'yang ikinatutuwa nila ngayon.

"Ano bang pinagtatawanan n'yo? Share nyo naman!" si kuya Justin.

"Nah! It just... baka sa sobrang lihim ni Uno, mamaya nakabuntis na pala iyon," Alexander.

Halos manlaki ang mata ko at mamutla sa narinig. I'm sure CJ and Alexander didn't know what happened to me and Sebastian. Nasisiguro ko rin na hinding-hindi ikukwento ni Sebastian iyon sa dalawa. Kahit pa maalin sa kanila. I'm also sure na noong nakita nila kami kanina, wala pa akong nasasabi.

I know wala silang alam tungkol sa sitwasyon ko, lalong-lalo na sa pagbubuntis ko dahil ako pa lang naman ang nakakaalam. Mabilis na nanlaki ang mata ko nang maalalang may isang tao akong pinagsabihan.

It's Aleece! But I don't think na sasabihin niya iyon. Wala na silang communication ni CJ and kung sinabi man n'ya kay Rikka, I'm sure mahahalata ko iyon. Baka nga nagtanong na sa akin Rikka tungkol doon. I trust Aleece and I'm sure hinding-hindi n'ya sasabihin.

Ivanna, nagiging paranoid ka na! Nasabi lang iyon ni Alexander out of nowhere and hindi ibig sabihin na alam n'ya.

"Tumigil ka nga Xander sa mga pinagsasasabi mo. Baka nga mauna ka pang makabuntis don." Si Alicia. "Kawawa naman mabubuntis mo," buntong hininga niya.

Muling humalakhak si Alexander. "Don't worry twin. Kapag nakabuntis ako sisiguraduhin kong ikaw unang makakaalam."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Alexander o ano. Pero sa naririnig na pinag-uusapan nila, nakaramdam ako ng kaba at medyo nagi-guilty dahil alam kong may tinatago rin ako.

"Pero mukhang malabo pa. Mas'yado pa 'kong nag-eenjoy sa buhay ko at magaling ako pagdating sa ganyan." Mayabang at confident na dugtong ni Xander saka humalakhak. Isang pabirong sapak ang natanggap n'ya mula kay CJ at Kuya Dustin.

"Gago!" sabay na wika ni Kuya Justin at Francis sa pinsan.

"Yuck!" kontra ng kambal nitong si Alicia. "And you are so proud of that? Using girls and giving them a false hope coz you know they are crazy over you, just to pleasure yourself. Be a man enough, Alexander. Tumigil ka! Pag nakabuntis ka panigurado na kawawa. Napaka palayboy mo pa man din," irap ni Alicia.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon