HCML 4

683 18 1
                                    

Chapter 4

Sobrang bilis lumipas ng araw, parang kailan lang unang pasukan pa lang at ngayon, naka isang buwan na ako.

Maayos naman ang naging takbo ng  pamumuhay ko rito. May ilan na rin akong nakakausap sa mga kaklase ko. May ibang friendly at may iba naman na namimili ng kakausapin.

Hindi naman big deal sa akin iyon. Okay lang kung may kumausap sa akin at okay lang din, kung wala. Sanay naman ako sa kahit ano. Aaminin kong hindi ako friendly dahil hindi ako approachable na tao. Kaya okay lang kung may kumausap sa akin o kahit wala.

Alas dos pa lang at tapos na ang klase ko sa araw na ito. Mabilis kong niligpit ang gamit at nagmamadaling lumabas ng classroom. Para sa araw na ito, tutungo ako sa auditorium para mag-audition sa dance group.

Two-thirty hanggang five-thirty lang ang oras ng pag-a-audition kada araw. Ngayon ko naisipan tutal maaga naman ang labas ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko para mabilis makarating doon. Hindi naman ito kalayuan dahil nasa A building ako. Ang auditorium, dance studio at kung anu-ano pa'y magkakasama sa iisang building. Nasa dulong bahagi ito ng school. Katabi ang Oval sumunod ang A building kung nasaan ako kanina. Ang nasa unahan naman nito ay ang gymnasium. Hindi ako sigurado pero sa naririnig ko, sa ibang mga estudyante, karugtong ng gym ang pool. Hindi pa naman ako nakakarating doon kaya hindi ko ito makumpirma.

Sa bawat araw na dumaraan, unti-unti kong nakikita ang kabuuan ng eskwelahan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha sa ganda. Hindi rin ako nagsisisi na pinilit kong mag-aral dito.

Tumigil ako sa paglalakad nang matapat sa kung nasaan building ang auditorium. Bahagya pa akong hiningal sa ginawa, para lang mabilis na marating dito.

Hindi muna ako pumasok sa loob. Pinasadahan ko ng tingin simula first floor hanggang sa kaitaasan na bahagi ang building. May limang floor ito. Maganda rin ang pagkakatayo. Kulay puti at light blue ang pintura kaya maganda tingnan at nakakarelax.

I went inside. Tiningnan ko ang bawat room para mahanap ang auditorium. Nang hindi ko mahanap, doon pa lang ako naglakas loob na magtanong sa babaeng aking makakasalubong.

Nasa third floor daw iyon kaya kailangan ko pang gumamit ng elevator. Baka kasi kulangin ako sa oras kapag nag hagdan pa ako. Nakakahiya rin kay Ate na pinagtanungan ko dahil bukod sa sinabi niya sa akin kung nasaan iyon, sinamahan pa n'ya 'ko.

Nagpasalamat ako sa kanya at humingi rin ng pasensya sa abala na aking nagawa. 

Pagbukas ko pa lang ng pinto, nakaramdam na agad ako ng kaba. Lalo pa't nakita kong marami-rami na rin ang nagpapalista. Ang iba ata'y manonood pa!

Nagtungo agad ako sa long table na nagsisilbing registrar nila. They gave me a registration form. I gladly accepted it and answered it correctly. Nang matapos, muli kong ipinasa iyon.

Hindi pa naman nagsisimula kaya minabuti kong magtungo sa pinakamalapit nilang restroom upang magpalit ng damit na pansayaw.

"Okay na, Miss. Pang number twenty ka. We will just call your number and your name," wika ng babae sabay abot sa akin ng number ko. 

"Salamat po!" tugon ko bago umalis doon.

Nagpalit ako ng damit na komportable sa akin lalo na kapag nagsasayaw ako. Madalas ito ang ginagamit ko sa tuwing magpa practice ng sayaw.

I wore a black leggings, white v-neck shirt and white shoes na binili ko sa palengke, ilang buwan na ang nakaraan.

Nagsisimula na nang bumalik ako sa loob. Hindi ko muling napigilan na makaramdam ng kaba. Nahiya rin ako nang makitang pinaghandaan ng iba ang kanilang kasuotan samantalang ako'y ito... simple lang.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon