HCML 41

968 19 9
                                    

Chapter 41

Maaga akong nagising kinaumagahan kahit pa late natulog kanina. Mabilis na dumapo ang paningin ko sa katabi na walang pinagkaiba ang pwesto gaya sa huling natatandaan.

Maingat ang galaw, inalis ko ang braso ni Sebastian na nakayapos sa aking tyan. Dahan-dahan din akong bumaba ng kama para hindi siya maabala. I check the time on his phone since his phone was the first one I saw on the side table.

Humikab ako at muling inilapag ang cellphone niya. Ala sais y media na ng umaga at ang alam ko’y magsisimba kami sa pang-alas otsong misa. Mahina akong umiling habang nakatitig pa rin kay Uno, iniisip kung gigisingin ko na ba siya subalit nang mapagtantong mas late siya natulog sa akin, dumiretso na lang akong banyo para makaligo.

Hindi ako nagtagal sa cr at nagbihis na rin ng isang Chanel beige long sleeve surplice neck floral dress and white shoes na binili sa akin ng Mama ni Sebastian. Hindi ko naman maibalik na dahil nang sinubukan ko, ayaw niyang tanggapin at binantaan pa akong magagalit daw siya kaya instead na iimbak ko at hindi magamit, sayang naman dahil tamang-tama rin sa mga damit na dapat kong suotin ngayong buntis. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang hindi pa tuyong buhok at lumabas na ng walk-in closet para gisingin si Uno.

“Uno…” marahan ang boses ko habang tinatapik ang balikat niya.

Hindi siya umimik at ibinaling lang ang mukha sa side kung saan ako nakatayo.

“Sebastian!” ulit ko at muling tinapik ang balikat niya.

Kita ko kung paano mabilis na kumunot ang kanyang noo habang nananatiling nakapikit. Ngumiti ako at hindi malaman kung bakit natutuwa pa sa reaksyon niya.

“Uno!” tawag ko sabay tapik na naman sa braso niya.

“What?!” iritado niyang wika, nag-isang linya ang kilay at nananatiling nakapikit. Mukhang badtrip na badtrip. Nagmulat din naman agad siya ng mata dahil hindi ako umimik, medyo nagulat na iritado siya.

His expression changed when he saw that it was me. “What?” marahan na niyang tanong ngayon.

Umayos ako ng tayo at sa mahinahon na boses, nagsalita. “Seven na. Maligo ka na.”

Tumango lang siya at hinilot ang magkabilang sentido gamit ang isang kamay.

“Do you have a hangover?” I asked when I saw that he seemed like he had a headache.

“No. I’m fine,” iling niya at tuluyan nang bumangon para dumiretsong banyo samantalang inayos ko naman ang kama niya habang naghihintay.

Lumapit ako sa pinto nang may kumatok doon at nakita iyong babae na nagturo sa akin ng kwarto ni Sebastian kagabi.

“Good morning Ma’am,” bati niya agad dahilan para mas mapangiti ako.

“Ivanna na lang,” wika ko, hindi talaga sanay na tinatawag sa ganoon.

Ngumiti lang siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Ala syete y media raw po ay aalis na. Bilin po ng Madame,” magalang niyang sabi.

I was surprised but still, I nodded at her. “Sige. Salamat,” tugon ko bago isara ulit ang pinto.

Nagtungo ako sa pinto ng walk-in closet para sana kumatok at magpaalam kung pwede bang pumasok. Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa noon si Uno. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat. Mabuti na lang din at bihis na siya. He was wearing a Dolce and Gabbana blue denim button-up shirt that tucked inside his denim skinny jeans. May towel na nakasabit sa magkabilang balikat niya dahil tumutulo pa ng bahagya ang basang buhok at mabilis din binalot ng pang-amoy ko ang mabangong siya.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon