Chapter 10
Sa byahe, tahimik lang kaming tatlo. Hindi na naman iyon nakakapagtaka sa aking katabi dahil hindi naman talaga ito palasalita. Bukod tanging paghinga lang ata namin ang maririnig at kung minsan, ang biglaang reaksyon ni Natalia sa kung ano man ang pinagkakaabalahan niya sa kanyang cellphone. Samantalang ako'y tahimik lang na nakasandal sa upuan habang pagod na pinagmamasdan at pinapanood ang aming mga nadaraanan.Kung hindi lang ako tinawag ni Natalia para makausap, siguradong nakatulog na ako ngayon. Kaya ang tahimik naming byahe, napalitan ng kaunting ingay dahil sa pag-uusap naming dalawa.
Hindi tuloy namin namalayan na nasa basement na kami ng kanilang tower. Kung hindi lang tumigil ang sasakyan ni Uno at sinabi nitong nandito na kami, hindi kami bababa ni Natalia.
Sa loob ng elevator, mabuti na lang at kasama namin si Natalia dahil kung hindi... malamang gaya noong unang beses na nagkasabay kami, awkward na naman.
Pagpasok pa lang namin ng kanilang condo, rinig na agad ang ingay na nagmumula sa tawanan, asaran at kwentuhan ng kanilang mga pinsan.
Nakaramdam na naman ako ng pag-aalinlangan dahil feeling ko, wala talaga dapat ako rito.
Nagdiretso kami sa kung nasaan ang iba pa nilang mga pinsan. Bahagyang natigil ang mga ito sa kanilang mga pinag-uusapan nang makita ako.
Kinabahan ako nang makitang lahat ng mata, sa akin nakatuon. Para tuloy akong binuhusan ng semento at unti-unting naninigas at hindi makagalaw. Lalo pa't napagtanto kong ang isang pinagkapare-pareho ng mga pinsan ni Natalia na lalaki ay ang way nila kung tumingin, seryoso at malalim.
Kaya ngayong ganito nila ako tingnan, para tuloy gusto ko na lang umalis subalit alam kung hindi pwede.
Pumalakpak si Ate Rafaella ng dalawang beses kaya bahagya niyang nakuha ang atensyon ng iba nilang pinsan na lalaki.
Mabilis naman na nawala ang tingin ni Alexander, CJ, at iyong kambal na sina Justin at Dustin. Nakahinga tuloy ako ng maluwag kahit papaano. Pakiramdam ko, may nagawa akong kasalanan na hindi ko alam.
"Boys!" masiglang sabi ni Ate Rafaella."We just want to introduce to you guys that this is Ivanna... Thalia, Leece and Rikka's friend and also she's their classmate. Kaya stop looking at her ng seryoso. May pagkamahiyain pa naman 'yan," tawa ni Ate. "Baka hindi na bumalik 'yan dito!" she added and chuckled, the reason why I felt all my blood went up to my face. Mas lalong nakaramdam ng hiya.
After sabihin ni Ate Rafaella iyon, unti-unti na ulit na bumalik ang kanilang mga pinag-uusapan. Pinakilala naman ako ni Natalia at Rikka sa mga pinsan nila at sa mga kasama nito na mukhang kaclose rin nila. Siguro'y nobya ng kanyang pinsan.
Nang naupo ako sa isang bakanteng space sa sofa at inilibot ang paningin, doon ko lang narealize kung gaano sila karami at kung gaano kaganda at kasaya ang kanilang pagsasama.
Nagpatuloy ang kwentuhan. May sariling topic ang boys at nag-uumpisa na rin ang mga itong mag-inom. Hindi naman big deal sa akin iyon dahil nasa right age na naman ang mga ito. Tingin ko'y ang iba ay nasa twenty na ang edad.
Katulad ng boys, may sariling topic din kami. Iyon nga lang, may pagkakataon na hindi ako relate dahil minsan, about lovelife ang topic nila. Kaya nakikinig na lang ako.
Napatingin ako sa mga pinsan nilang lalaki at napansin si Sebastian na kanina pa nakaupo roon at nakikinig lamang ngunit kahit minsan, hindi ko siya nakitang uminom man lang. O baka naman hindi ko lang napansin? Imposibleng hindi s'ya nainom gayong mukhang sanay sa inuman ang iba pa niyang pinsan.
Inalis ko ang paningin doon at muling ibinalik kay Marice na s'ya na ngayon ang nagsasalita.
"Uno, kahit isa lang," malakas na sabi ni Xander kaya napatingin kaming mga babae sa banda nila.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...