Chapter 14
Natapos ang unang taon ko sa kolehiyo ng maayos. Nagpapasalamat sa mga marka na natanggap.
Nag-ayos ako ng mga gamit na dadalhin pauwing Batangas. Noong pasko pa ang huling uwi ko roon kaya ngayong nasa byahe na, hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Lalo pa't makikita ko ulit si Tiyo. Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nakita n'ya ako sa kanyang bahay.
"Ma!" medyo kabado ngunit mas nangibabaw ang tuwa sa aking boses nang tinawag at makita si Mama na nagdidilig ng halaman sa may harapan.
"I-ivanna?" gulat at alangan niyang tanong. Tila hindi makapaniwala na nandito ulit ako. Natigil din ang ginagawa niyang pagdidilig ng mga halaman sa bakuran ng bahay.
"Mama!" sabay mano sa kanya.
Ilang minuto s'yang natigil sa kinatatayuan at tila ba may problemang iniisip.
"Anong ginagawa mo rito?" may bahid ng gulat at kung hindi ako nagkakamali, tila ba may pag-aalala sa boses ng aking ina.
"M-ma," kabado kong tawag.
Bahagya siyang lumapit sa akin. I felt nervous.
"Anong ginagawa mo rito, Maria? Bakit ka pa bumalik? Alam mong mainit sa'yo ang dugo ng iyong tiyo. Baka madatnan ka noon," sabay sulyap niya sa may gate at mariin ang pagbalik ng tingin niya sa akin.
Hindi ako makaimik sa sinabi ni Mama. Sa pagkakatanda ko noon, mabait naman sa akin si tiyo. Lagi pa nga niya akong binibilhan ng mga laruan. Pinapasyal at pinagtatanggol kay Mama everytime na napapagalitan at pinag-iinitan ako nito. Pero hindi ko alam kung anong nangyari at pati siya'y ayaw na rin sa akin.
Napansin ko na lang na habang lumalaki kami ni Mara, mas nagiging sweet s'ya rito samantalang nagbabago naman ang trato niya sa akin.
"Sana ay hindi ka na lang bumalik at umuwi. Parehas tayong malilintikan kapag nakita ka niya rito," My mother said angrily.
Parang may kutsilyong tumusok sa aking puso dahil sa sinabi ng aking ina. Hindi naman ito ang unang beses na makarinig ako ng masasakit na salita mula sa kanya, pero bakit hindi na ako masanay sanay.
"Ma, na— Ate?" gulat na wika ni Ara nang makita ako.
Ang luhang unti-unting nagbabadya sa aking mga mata ay tila gripong pinatay. Na-stuck at hindi na tuluyang lumabas. Mabilis din iyong napalitan ng saya nang makita ang aking nag-iisang kapatid na si Mara.
"Mara!" tawag ko at nagpapasalamat na hindi nabasag ang boses ko..
"Ate!" sigaw nito.
Mabilis siyang lumabas ng terrace at niyakap ako. I laughed at her reaction, hindi rin maipagkakaila ang tuwa't sayang aking nararamdaman nang niyakap s'ya pabalik.
"Mabuti naman at umuwi ka," she said happily and looked at me.
I smiled at my sister and glanced at Mama who was behind her. Nanonood sa aming ginagawa. Napatingin si Mama sa akin at inis na inirapan ako. Muli akong nakaramdam ng kirot sa puso ngunit agad iyong nawala nang bumaling muli ako kay Maa.
"S'yempre, matagal na tayong hindi nagkita. Gusto ko ulit kayo makasama," I said and glanced at Mama who was looking at Mara.
Hinila 'ko ng kapatid papasok ng bahay. Pagkaapak ko pa lang ng terrace, para bang gusto ko nang tumigil. Lalo na't naiisip kong baka nasa loob si tiyo.
Nang makapasok sa loob at nakitang walang bakas ng kahit ano ni Tiyo, roon lang ako nakahinga ng maluwag. Ibinaba ko sa sofa ang gamit na dala.
Bumaling ako sa pinto at nakita si Mama'ng nagmamadaling pumasok para sumunod sa amin ni Maa.
BINABASA MO ANG
He changed my life (Vhergarah Series #1)
RomanceVhergarah Series #1 Uno Vhergarah -the cold and distant guy from Vhergarah Family. Ang nag-iisang unico hijo sa kanilang magpipinsan. Ang responsable at may isang salitang binata. Bata palang si Ivanna, isa lang ang gusto niya. Ang makapagtapos ng...